Chapter 22

596 30 2
                                    


Chapter 22

Birthday

Sa sasakyan ni Zeid ako ngayon sasakay. Hindi ko na tinext si Manong Loteng dahil alam na naman niya. Sinabihan ko naman si Amando, iyong body guard ko na uuwi na kami ni Zeid. Susunod daw sila sa sasakyan ni Zeid pero hindi magpapahalata.

They just want to make sure that I will come home to my condo unit safely.

Dumaan muna kami sa soccer field bago pumunta sa parking lot ng school. Nag text daw kasi iyong coach nila Zeid at may biglaang meeting. Kaya heto at kasama ako sa meeting niya.

"Coach!" Tawag ni Zeid nang marating namin ang field.

Tumango iyong matandang medyo mataba kay Zeid. Marami silang nandoon. Hula ko'y teammates ni Zeid sa soccer. Nakatingin silang lahat sa akin habang nakatayo ako sa gilid ni Zeid habang nakikipag-apir ito sa mga kasamahan.

Nagtatanong ang mga mata ng ibang players doon habang nakatingin sa akin. Kinagat ko ang labi ko. Syempre, may kasama si Zeid, sinong hindi magtataka? Babae pa.

"Bagong girlfriend, Zeid?" Hindi na yata napigilan noong isa ang magtanong.

Uminit ang pisngi ko doon. No! I'm not his girlfriend. But wait, BAGO? It means, PAPALIT PALIT NG GIRLFRIEND SI ZEID?

Tumawa si Zeid at sinapak ang braso noong lalaking nagtanong. "Shut up." Aniya.

Nag-iwas ako ng tingin. Hinawakan ni Zeid ang siko ko at hinarap sa kanya. "Hey, sorry for that. Upo ka muna dito sa bench habang may pinag-uusapan kami nila Coach. Okay lang?" Tanong niya. "Promise, mabilis lang 'to." Dagdag pa niya.

Tumango ako at ngumiti. Okay lang naman talaga sa akin. Iginiya niya ako doon sa bench hanggang sa makaupo ako. Tahimik iyong ibang mga players ni Zeid na pinagmamasdan kami.

Ngumiti si Zeid sa akin at hinalikan ako sa noo bago pumunta sa harap kung saan nagtitipon ang mga players pati iyong coach. Sumipol ang isa doon at nag-iwas ng tingin sa amin ni Zeid.

Pagkarating ni Zeid doon, agad naman nagseryoso ang lahat. Tahimik lang akong pinagmamasdan silang nag-uusap. Muntik nang mawala sa isip ko kanina na athlete nga pala itong si Zeid.

My phone beeped. Kinuha ko iyon at tiningnan ang nag text.

Papá:

Georgia, your Nana said that you'll be having a visitor today. Who's that?

Kinagat ko ang labi ko. Mukhang nasabi na ni Nana kay Papá!

Ako:

It's Zeid, Papá. I'm sorry for not telling you. I just thought that you're busy.

Papá:

I'm not busy when it comes to my daughter. Next time, tell it to me. You can order some food for your visitor, right?

Napangiti ako sa mensahe ni Papá.

Ako:

Yes. What time will you go home?

Papá:

I'm sorry, hija. Sa mansyon muna ako tutuloy ngayong gabi. Malapit iyon sa munisipyo. I have some errands to do.

Oh. Hindi siya uuwi sa condo. Mukhang si Nana ang makakasama ko sa condo mamayang gabi. Napa angat ako ng tingin nang umingay sila Zeid sa harapan.

Mukhang tapos na iyong meeting nila. Tama si Zeid, mabilis nga lang. Hindi agad siya nakalapit dito dahil kinausap pa siya ng iilang soccer player.

Tumayo na ako doon at inayos ang sarili. Suot pa din ni Zeid iyong bag ko kahit na nag meeting sila. Psh. Mabuti at hindi siya inasar ng mga players.

The Governor's DaughterWhere stories live. Discover now