Chapter 32

718 38 1
                                    


Chapter 32

Talk

Sila pa din hanggang ngayon.

Iyon ang pumasok sa isip ko. Dahil wala dito si Lyra kung hindi sila. Ang tatag naman ng relasyon nila, kung ganoon. Relationship goals, eh?

"G-G-Georgia?" Nauutal na untag ni Lyra.

I smiled. "Hi, Lyra. Long time no see." Bati ko sa kanya.

Dahil sa pag ngiti ko, naramdaman ko na nabawasan ang awkward sa lamesa namin. Nakabawi na sila Andrei kaya umingay ulit ang table namin.

"Y-You're back?" Untag ni Lyra.

Umirap ako. "Andito ako sa harap mo ngayon, ano sa tingin mo?" Pabalang kong sagot.

Nabulunan sa tabi ko si Janice habang si Cloud naman ay sumipol. Nanlalaki ang mata ni Andrei at Elise habang nakatingin sa akin. At si Zeid? Ayun, tahimik pa din.

"Grabe, Georgia. Maldita ka na din pala ngayon." Humalakhak si Andrei sa akin nang makabawi.

"Believe me, I've been worse." Ngisi ko.

Nakita kong ubos na halos ang drinks namin. Nag taas ako ng kamay para tawagin iyong waiter na walang ginagawa doon sa gilid. Nang makita niya ako ay mabilis siyang pumunta sa akin.

"Y-Yes, Miss Georgia?"

Bumaling ako sa table namin. "Ubos na ang drinks. Let's order for more!" Maligaya kong untag.

Cloud nodded. Nagsabi siya ng drinks niya habang hinihintay ko ang iba. Cocktail lang iyong kay Janice.

"Maglalasing ba tayo? Hindi ako puwede maglasing. I have work tomorrow," ani Lyra.

Tumaas ang kilay ko. "Hindi ka naman kasali sa'min."

Natahimik saglit si Lyra.

Mas lalong lumapad ang ngisi ni Cloud sa akin. Napamura si Elise kaya nagsalita na siya ng inumin niya. Ganoon din si Andrei.

Bumaling ako kay Zeid na madilim ang titig sa akin. I smiled sweetly. "Ikaw, Zeid? What's yours?"

Siya na lang kasi ang hindi pa nagsasalita at hindi pa din umaalis ang waiter kaya paniguradong hinihintay niya ang order ni Zeid.

He shook his head. "I have work tomorrow. Hindi na ako iinom."

I saw how Lyra turned to him and smiled. Oh. What a good boyfriend. Ngumiti ako at bumaling sa waiter.

"Did you hear that?" Tumawa ako. "Pakibilisan na lang ng order namin. Thank you." I said and winked.

Umalis na iyong waiter sa amin. Lyra smiled at me. At hindi ko mapigilang mainis sa pagmumukha niya nang ngumiti siya. Parang nang-aasar na ewan. O yung mukha niya yung nakakaasar. Peste.

"Thanks, Georgia. I hope you respect our decision to not drink anymore," aniya.

Tumawa ako. "You guys are actually OA, it's not as if we'll get drunk by drinking one shot of glass." Sambit ko.

"Oo nga. KJ mo talaga kahit kailan, Zeid!" Ani Elise.

"Ikaw ba, Georgia? Wala kang work?" Tanong ni Cloud.

Umiling ako. "Biglaan ang pag-uwi pero nagpaalam naman ako. Kaya in-enjoy ko na,"

"I've seen your billboard in New York. Binisita ko kasi yung tito ko doon tapos bigla kong nakita," pag kuwento ni Andrei.

"Oh? Which one? Madami yon." Ngumisi ako.

"Yung green pa buhok mo! Naka yellow bikini ka. Pang ilan yon?"

The Governor's DaughterWhere stories live. Discover now