Chapter 2

913 36 4
                                    


Chapter 2

Number

"Gagabihin ako ngayon, anak. Magpaluto ka muna kay Nana. Aasikasuhin ko lang ito.." sambit ni papá sa telepono.

"Okay po."  sagot ko at binaba na ang tawag. I don't know why I am suddenly happy right now. Kadalasan, kapag ganito ang nangyayari ay nagtatampo ako sa aking ama.

Huminga ako ng malalim. Pinindot ko ang buzzer. Senyales na tinatawag ko si Nana. Kailangan kong sabihin sakanya ang naganap kanina. Tumunog naman ang cellphone ko. Mabilis kong dinaluhan iyon at nakitang may isang text. Si Andrei iyon.

Ganito pala ang pakiramdam kapag nakakakuha ka ng isang mensahe galing sa kaibigan.

From: Andrei

hi gorg! nasave ko na number mo kitakits na lang mamayang 2:30 dahil ganoong oras ka daw namin susunduin sabi ni zeid:))

Kumalabog ang puso ko nang mabasa ang pangalan ni Zeid. Talaga, Georgia? Nabasa mo lang ay kinabahan ka na bigla?

Bumukas ang pintuan. Guilty kong tinago ang cellphone ko at hinarap si Nana. Kumunot ang noo niya doon.

"May problema ka ba, hija?" tanong nito sa akin.

Ngumuso ako. Yes, Nana. I have a big problem. Huhu.

"Nana.. kasi.. niyaya po ako nila Andrei sa bahay nila Zeid. Tatambay daw po. Nana.. pumayag po ako.." paalam ko.

Nanlaki ang mga mata ni Nana. "Ano? Nahihibang ka na ba, Cirea Georgia?!" sigaw ni Nana sa akin.

Napatalon ako sa gulat. Napapikit ako at guilty-ing yumuko. "S-Sorry po, Nana.. Gusto ko po kasi maranasan i-iyon." Naiiyak kong sambit.

Nilapitan ako ni Nana at agad niyakap. Sabi ko na, 'e. Dapat hindi na lang ako pumayag. Dapat pinag-isipan ko munang mabuti. Kaya lang, maisip ko pa lang na sinasabi ko na kay Andrei ngayon ang pagbabagong desisyon, nahihiya ako.

"P-Pasensya ka na at nasigawan kita.. Hija, kasi naman.. alam mong magagalit ang papá mo pag nalaman niya ito.. Isa pa, kagabi mo lang nakilala ang dalawang yan. Puro lalaki pa.."

Tumango ako. Naiintindihan ang punto.

"S-Sige po, Nana. Itetext ko po sila Andrei. Pasensya na po talaga." Paghingi ko muli ng tawad.

Kinuha ko ang cellphone ko. Nakatitig lang ako sa numero ni Andrei. Hindi alam ang sasabihin at kung paano sisimulan.

Bumuntong hininga si Nana. "Huwag ka ng umiyak. Mamaya ay nandito na si Gov at pag nakita ka niyang–"

"Papá called me, Nana. Gagabihin daw po siya ng uwi.." sabi ko. "He told me that you should be the one who will cook my dinner later," dagdag ko.

Naramdaman ko ang titig ni Nana sa akin. Pinatay ko muli ang cellphone ko at nilapag sa mesa nang wala pa din akong natitipang mensahe.

Nag-angat ako ng tingin. "Ano bang apelyido ng Zeid na yan, Georgia? Baka mamaya ay mapahamak ka diyan. Pati yung Andrei na yan."

Nana looks serious. I sighed. "Si Andrei po, nakalimutan ko.. pero si Zeid, uh, Salonga po."

Napakurap kurap si Nana. "Salonga? Ibig sabihin.. siya si Ausborn? Iyong anak nila Senyor Arthur?" Tanong niya sa akin.

The Governor's DaughterWhere stories live. Discover now