CHAPTER 1

758 188 67
                                    

"Tama na po!" malakas na iyak ng batang Storm sa kaniyang ama na paulit-ulit na pinagpapalo ng dulo ng sinturon nito.

Ramdam na randam niya ang hapdi ng sinturon at ang sakit ng bakal na lock noon na tumatama sa kaniyang likod! Ni hindi niya na mabilang kung ilang ulit na siyang hinahampas niyon. Nakalimutan na nga niya kung ano ang kasalanan na nagawa niya.

"Wala ka talagang kwenta! Magsama kayo ng ina mo!" sigaw nito sa kanya pagkatapos nitong isuot muli ang belt.

Naiwan siya doon na hindi makagalaw sa sobrang sakit ng likod niya at ng puso niya.

Hindi lang ito ang unang beses na sinaktan siya. Hangga't nakikita siya nito ay sasaktan at sasaktan siya nito kahit wala naman siyang ginagawa.

"Tahan na." May naramdaman siyang humagod ng sumasakit niyang likod dahilan para mawala ang nararamdaman niya. "Magiging ok din ang lahat." Pagpapatahan sa kaniya ng isang boses ng batang babae.

Unti-unti niyang inangat ang paningin at nakita ang isang batang babae na may mga pasa sa mukha at buong katawan na nakangiti sa kanya habang hinahagod ang likod niya. Lumuluha ito pero nakangiti ito sa kanya na para bang wala itong nararamdaman na sakit.

Pakurap-kurap na minulat ni Storm ang kaniyang mga mata na may hilam na luha.

Isang panaginip.

Pero panaginip ba talaga yun o isang nakalimutang alaala?

Umupo siya mula sa pagkakahiga at tiningnan ang orasan sa katabing bedside table.

3:45 am. Maaga pa. Pero mukhang hindi na naman ulit siya makakatulog.

Bumangon na siya sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto. Nagtungo siya sa kusina at nagtimpla ng kape. He then went to his terrace just outside his kitchen.

Madilim pa ang paligid. Malamig ang simoy ng hangin. Napatingin siya sa kawalan habang iniisip pa din ang napanaginipan niya.

He's definitely sure that it was not just a dream. It is a part of his forgotten memories of his childhood. Mga alaala na ginusto niyang kalimutan noon pero bumabalik na ngayon.

He sighed and touched his back. The pain of it was real. He can still feel it after so many years. Dahil sa nangyari noon kaya namuhay siya na malayo sa pamilya niya. Malalim ang galit niya sa mga ito lalo na sa kaniyang ama.

He was just eight years old back then but he can still recall the punishments that he received from his father. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang pakikitungo ng kaniyang ama sa kaniya noon. Bata pa lang siya at walang kamuwang-muwang.

Hindi niya namalayan na kumuyom ang kaniyang kamao.

But there is something weird. That girl. Yung batang babae na umiiyak na katabi niya. Ngayon lang iyon nasama sa panaginip niya. Parang kilala niya ito dahil napakalma siya nito sa panaginip niya. Kagaya niya, marami din itong pasa at sugat sa katawan.

Di kaya ang ama niya din ang may gawa noon?

He doesn't remember who she was in his memory. But he can feel that she's someone important in his life. He needs to find out who this girl is.

WALA sa mood pumasok si Storm kaya naman hindi na siya pumunta ng opisina. Baka masigawan niya lang ang mga tao doon. Pero kahit na hindi siya palaging pumapasok, ginagawa niya pa din ang trabaho niya bilang CEO ng Torabilla Toy Company.

A Little BraverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon