"Xianne," tawag ni Sarah — cashier sa café na pinagtatrabahuan niya. "Pakidala naman nito sa table 7."
Tinapos muna ni Xianne ang nililinisang table bago pinuntahan ang order.
It's her day-off from the company. At sa tuwing day-off niya ay nagpa-part time siya sa Cherry Café. Mabuti na lang mabait si Miss Cerise, ang may-ari ng café, dahil hinahayaan siya nito na magtrabaho base sa kaya niyang oras. Kailangan niya rin kasi ng extra income para sa panggastos sa bahay.
She picked up the tray which has a mocha cake and brewed coffee. Kaagad niya itong dinala sa table 7 kung saan nakaupo ang isang babae na nakaharap sa laptop habang naka-earphones.
"Sabi ko naman sayo, magpakabit ka na lang ng wifi sa bahay." Aniya pagkalapit at isa-isang inilapag ang mga order sa harap ng babae. "Nakakahiya kay Miss Cerise, Faith."
Faith looked up at her and removed her earphones. "Ba't naman ako mahihiya? Eh, umoorder naman ako pag nakikigamit." Pagdadahilan nito.
Ang kaps talaga ng muks nito! — Lahat naman pala kami.
She chuckled. "Di ba hassle sa'yo?"
"Not at all, babs." Tawag niya kay Xianne gamit ang endearment nilang magkakaibigan. "Mas hassle pag sa bahay. Di ako mai-inspire. Tsaka wala namang gagamit nun buong araw since lahat tayo may work at wala parati sa bahay. Sayang lang ang pera."
"Oo na nga lang." She surrendered. Knowing Faith, hahaba ang usapan nila kapag sumagot pa siya.
Aalis na sana siya nang magsalita ulit ang kaibigan. "Nga pala, babs. Mamaya ang alis ko papunta sa resort."
"Ah. Sige." Sabi kasi ni Faith na doon siya maghahanap ng inspirasyon. Blangko na rin kasi ang isip nito kaya wala siyang maidugtong sa istoryang ginagawa niya.
Faith is a well-known writer under a pen name. Lowkey lang siya at hindi nagpapakilala.
"Edi 'di ka makakasama sa pagsundo kay Tala?" Tanong niya dito.
Faith giggled. "Iwe-welcome ko na lang siya pagbalik ko. Papasalubungan ko na lang para di magtampo."
"Kami rin! Pasalubong din namin!" Xianne playfully said and crossed her arms over her chest.
Faith tsked and looked at her with a flat expression. "Oo na. Alam ko naman na di kayo papahuli."
Natawa siya ng mahina. They really know each other very well.
"Ms. Oliva?" Napalingon si Xianne nang may tumawag sa kaniya mula sa likuran.
Namumukhaan niya yung babae. It's Feb! Secretary ni Storm.
"Po?" Magalang niyang tanong habang lumalapit dito.
Sa tingin niya ay hindi naman nagkakalayo ang edad nilang dalawa. Pero natural na sa kanya na magalang na sumagot kapag hindi niya ka-close ang kausap.
Feb looked at her from head to toe making her conscious. Hindi naman jugdemental na tingin ang binigay nito sa kanya pero nailang pa rin siya.
"What are you doing here?" Nagtatakang tanong nito.
She awkwardly smiled. "Day-off ko po kasi ngayon. Kaya nagpa-part time po ako rito."
Feb nodded like she understands the situation.
"Kayo po?" Pahabol niya.
"Ah! I just ordered Sir Storm's snack. Pati na rin para sa mga employees na ka-meeting niya." Feb answered while waving the circle thing on her hands — yun yung magba-vibrate kapag ready na yung in-order mo. "Mainit na naman kasi ang ulo nun tsaka kumukulo na naman ang dugo. Stress na siguro sa paggawa ng panibagong product."
BINABASA MO ANG
A Little Braver
Romance| COMPLETED | Storm Cloud Torabilla is a famous toy manufacturer and is known to live up to his name. He is a nightmare dressed like a daydream, a thunderstorm that you don't want to mess with. He is all the negative words you can compile into a st...