CHAPTER 10

240 79 8
                                    

@amarANNEth's note:

Happy 1k reads sa A Little Braver!!! Wooh!

Thank you sa mga nagtyayagang basahin to kahit antagal kong mag-update. Lovelots guyseu! 💕

-----

Storm just finished his brunch meeting with a foreign investor. Kasama niya ang kaniyang sekretarya na ngayon ay diniidikta sa kanya ang mga gagawin sa buong araw habang naglalakad.

His schedule was packed since he was out for three days. Kaya naman nagsisimula na namang uminit ang ulo niya at mairita. Pero pilit niyang pinipigilan ito. And he doesn't know why he's trying to calm himself down.

Mabilis ang lakad nilang dalawa nang makapasok sila ng kumpanya dahil marami pa siyang aasikasuhin.

Nang bigla na lang may bumangga sa kaniya dahilan para mahulog ang mga dala-dala nitong papel!

Lahat ng mga tao sa paligid nila ay natigilan. Halatang naghihintay ang mga ito ng susunod niyang gagawin.

He smirked.

He knew what they were thinking. Too bad, he'll do the opposite.

"Sorry po!" Tarantang saad ng babaeng nakabangga sa kanya na ngayon ay putlang-putla na. Nakayuko ito at nang makita ang mga papel sa paanan niya ay dali-dali itong umuklo at pinulot iyon.

Storm did the same, to everyone's surprise!

He silently shook his head.

If this accident happened before, he would surely lashed out at the girl and fire her. Baka nga sinipa pa niya ang mga papel na nahulog nito.

Pero sa di malamang kadahilanan, eto siya at kalmadong pinupulot ang mga iyon kahit na buong umaga siyang iritado.

Binigay niya ang mga papel sa babae pagkatayo niya. His face remained stoic making the girl in front of him tremble in fear.

"Sorry po. Sorry po talaga, sir." Paulit-ulit na hingi ng tawad nito sa kanya na kulang na lang ay lumuhod ito sa harapan niya at magmakaawa.

Still with the same expression on his face, he spoke making the people around him gasp. "It's ok. Just be careful next time." And with that, he left.

Narinig niya pa ang mga bulong-bulungan ng mga ito bago sumara ang elevator. He toned their voices down and proceeded to his office.

Pinagpatuloy niya ang trabaho pagkarating nila sa kaniyang opisina. Lahat ng nakatambak na papeles ay isa-isa niyang pinag-aralan at pinirmahan. Ang hindi naman aprubado sa kanya ay tinabi niya, kapagkuwan ay ibinigay sa sekretarya para asikasuhin.

Ginugol niya ang buong araw sa pagta-trabaho na hindi niya namalayan ang oras. Kung hindi pa siya nakaramdam ng gutom ay di pa siya titigil.

His gaze went to the wall clock in front of him.

It's already quarter to eight.

Tinawagan niya ang sekretarya gamit ang telepono na nakakonekta sa table nito sa labas.

"You can go now, Feb. See you tomorrow."

Mabilis na sumagot ang nasa kabilang linya. "Ok, sir."

He sighed then leaned on his chair. Pinikit niya ang mga mata pero kaagad din naman itong iminulat nang sumagi sa isipan ang nakangiting mukha ni Xianne.

Shit! I think I'm going crazy!

He left out a deep breathe and reached for his phone. He then unknowingly dialed Xianne's number.

A Little BraverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon