SMOKE
DALAWANG ARAW na ng makilala nila Natasha si Daimler sa Subsix Distict. Sinubukan nila itong hanapin sa social media ngunit wala silang mahanap. Sinubukan din nilang hanapin ang iba pang mga Barclay ngunit ganon din. Hindi na din nila ito nakita pang muli.
"Ang weird. Halos lahat na sa panahon ngayon ay gumagamit ng social media." Wala sa sariling nabanggit ni Zella.
"Maybe he's not into it."Simpleng sagot ni Natasha na nag-aayos na ng gamit sa locker at naghahandang umuwi.
Umayos ng tayo si Zella na nakasandal sa mga locker habang naghihintay sa kaibigan. "Mauna ka ng umuwi,Nat. Sasabay ako kay Mommy. You know,grocery day." Pagpapaalam ni Zella sa kaibigan na siyang tinanguan lang niya.
Naglakad na siya para maghintay ng taxi. Pansin niya na walang masyadong mga tao ngunit marami pang mga sasakyan ang naka-park doon. Ramdam na ramdam ni Natasha ang kakaibang pakiramdam na para bang may nakatingin sakanya kaya inilibot niya ang kanyang paningin.
Tumigil ang kangyang mga mata sa harap ng isang itim na pick up. Napako siya sa kanyang kinatatayuan at mabilis na tumibok ang kanyang puso.
Daimler.
"Going home,Nat?C'mon I'll give you a ride." Nabalik siya sa diwa at napatingin sa pamilyar ng convertible. Hindi niya alam kung ilang minuto na sila nagtitigan ni Daimler.
"Y-yeah. Sure."Muli siyang napatingin sa kinatatayuan kanina ni Daimler ngunit wala na siya doon. Napailing na lamang siya at sumakay sa kotse.
Naging tahimik ang kanilang byahe at tanging kanta lamang sa stereo at ingay sa labas ang naririnig. Hanggang sa bumaba na din siya at dumiretso na din pauwi si Ashani.
Napakunot ang noo niya ng makita ang kulay gray na Suzuki Maruti CVT sa harap ng kanilang bahay. Sinuri niya ito at hindi ito pamilyar kaya pumasok na lamang siya sa loob na nagulat siya ng makita si Morfe sa loob.
"Too early for today?" Tanong ni Natasha habang nagsasalin ng tubig sa baso.
Inayos ni Morfe ang mga papel na nakakalat sa lamesa. "Yup." She answeres popping the 'p' on the end.
Natasha just shrugged her shoulders. "Who owns the car outside?"Tanong niya nagbabakasakali kung may bisita ba sila.
"Ours." Nakangiting sagot ni Morfe na ikinalaki ng mata ni Natasha.
"Really?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Yeah. I just brought it from my co-worker. Hulugan naman ang pagbayad."
Natasha just nod her head because she was still surprised. Maya-maya'y nagpaalam na din siyang aakyat na muna sa kanyang kwarto.
Inilapag niya ang ang kanyang gamit at dumiretso sa banyo para maglinis ng katawan. Hindi parin maalis sa kanyang isipan si Daimler. Why are you so cryptic?
Lumabas siya ng banyo at nahiga sa kama. Are you...hiding something?Napailing nalang siya sa iniisip. Stop thinking like that,Nat. You just knew each other two days ago. Kalauna'y nakatulog din siya sa kakaisip at pagod.
NAGISING SI NATASHA ng maramdaman ang lamig ng hangin sa kanyang bintana. Madilim na sa labas at tanging buwan lamang ang nagbibigay ng liwanag. Tumayo siya para isara ang bintanang siguro'y nakalimutan niyang isara.
"Urgh,I could easily use the door and the stairs. Why the hell did I use that damn window to come in." Halos mapasigaw siya ng may nagsalita sa likod niya pero agad din naman itong napakalma at napaikot ng mata ng makita kung sino ito.