STRANGER
MULING TUMINGIN SI Natasha sa salamin bago umalis sa bahay. Sinuri niya ang sarili para tignan kung may kulang ba. Napatingin siya sa kanyang leeg at nakitang ang kanyang kwintas nga ang kulang.
Kinuha niya ang suot na jacket at kinapkap ang mga bulsa nito ngunit wala siyang mahagilap. Kinalkal niya rin ang suot niya kahapon pero wala din ang kwintas sa bulsa ng mga ito. Nagsimula ng gumapang ang kaba sa dibdib niya. Tinignan niya rin ang kabuo-an ng buong kwarto niya kung may nahulog. Damn, where is it?
Agad niyang kinuha ang cellphone niya at kinontak si Daimler. Pabalik-balik ito sa paglalakad at sapo-sapo ng isang kamay ang kanyang noo habang nagriring ang kabilang linya. Answer it, Daimler
"Hey."
Napahinga siya ng maluwag ng sagotin niya ito. Siguro'y kakagising palang nito dahil husky pa ang boses.
"Hey,uh, I'm sorry to wake you up."
"No,no its okay. What is it? Something wrong?"
"Yes." Napabuntong hininga siya at tumigil sa paglalakad. Inilagay niya ang kaliwang kamay sa bewang at pinakalma ang sarili. Sa lahat ng gamit bakit 'yon pa? "May nahulog ba ako kahapon sa sasakyan mo? A necklace maybe?"
"The amulet? No I did not see anything. Why? Is it missing?"
Muling bumilis ang tibok ng puso ni Natasha sa sinabing iyon ni Daimler. Hindi ko dapat tinanggal 'yon. I need to find that necklace. Forgive me,dad. Iyon nalang ang kaisa-isahang bagay na ibinigay sakanya ng kanyang ama kaya hindi pwedeng mawala iyon.
"Do you want me to help you find it?"
Muling nagsalita si Daimler sa kabilang linya. Hindi niya namalayang ilang minuto na pala siya natahimik. Dahil bukod sa mga pana at laso, isa pa ang kwintas na ito sa mga bagay na iniingatan niya at importante sakanya.
"No. I can do this. Gotta go. Bye." Hindi niya na hinintay pang muli ang sagot ni Daimler at ibinababa niya na agad ang tawag.
Napahawak siya sa kanyang noo at mariing pumikit. How could you be so careless, Nat?
Bigla na lamang niyang naalala ang tawanan nila ni Daimler kahapon. Noong hinubad niya ang kanyang kwintas at noong ipinakita niya ito kay Daimler. Napamulat siya at nanlaki ang mga mata ng mapagtanto ang isang bagay.
"Everild Woods."
"I NEED TO FIND my necklace."Naglalakad sila Natasha at Ashani sa hallway papuntang classroom nila niyaya kasi sila ni Ashani na magshopping after class pero tumanggi ito. Hindi nila kasama si Zella dahil paniguradong kasama nito si Vasper.
"You can buy tons of neclace, Nat. Why bother?" Maarteng tanong ni Ashani na ikinailing niya.
"No, Ash. This one's different." Wala na siyang lakas para magpaliwanag pa dito kaya iyon na lamang ang sinabi niya.
"I'll help you find it." Pagtango ni Ashani.
Muli ulit siyang umiling. Kaya naman naman niyang magpunta sa Everild Woods ng mag-isa. "I'll call when I need your help. And I already know where it is." Pero hindi maintatanggi na may parte kay Natasha na hindi nga sigurado kung nandoon ang kwintas. Paano kung wala?
"Then where is it?" Bago pa siya makasagot sa kaibigan ay may grupo ng mga babaeng humarang sakanila.
"So, I heard you're dating Daimler Barclay?" Panimula ni Chrystine sa may maarteng boses at nakataas na kilay.