DINNER
NAPA-IGTAD SI NATASHA ng magising siya. Inilibot niya ang kanyang paningin at masasabi niyang nasa hospital siya. Napatingin sakanya ang babaeng nasa sofa na nagbabasa ng magazine.
"Z—Zella."Paos niyang tawag dito pero narinig naman siya.
Mabilis na sinara ni Zella ang Magazine tsaka tumayo. "Tatawagin ko lang si Morfelli."Aniya at akmang bubuksan na ang pinto.
"N—No. Water please."Mahinang sabi niya dahil natutuyo na ang lalamunan niya.
Lumapit si Zella sa table at nagsalin ng tubig sa baso tsaka inabot sakanya at naupo sa gilid ng kanyang kama. "How are you feeling?Are you hungry?"
Ininom muna ni Natasha ang tubig bago nagsalita. "No."
Bumuntong-hininga si Zella at tumingin sakanya ng may pag-aalala. "I'm sorry."
Tumingin siya diti ng nakakunot-noo. "For what?"
"I shouldn't left you that—" Mabilis siyang umiling sa kaibigan.
"No,no its not your fault,Zella. It was no one's fault." Pagpapakalma niya sa kaibigan niya.
"Ano ba talagang nangyari?Were you drunk?" Nag-aalalang tanong sakanya ni Zella.
"No. There was a smoke." Pag-aalala niya sa nangyari. "A very thick smoke. It was suffocating me." Pagkwekwento niya sa nakakunot-noong kaibigan.
"What smoke?Nat,there was no smoke.Just you. Just your unconscious body. Nagpunta ako doon dahil sinabi ni Ashani na nandoon ka.Mag-isa." Nagtatakang sabi ni Zella.
Kumunot ang noo ni Natasha sa sinabi ng kaibigan. Ngunit bago pa siya makapagreact ay may pumasok ng nurse sa kanyang silid para icheck siya. Nagtaka pa siya na hindi si Morfe ang nagcheck sakanya ngunit hindi na lamang siya nagsalita tungkol dun.
"You can now go home later,afternoon." Anunsyo ng nurse bago lumabas ng kanyang silid. Wala namang nakitaan sakanya at ang tanging findings lamang nila sakanya ang nawalan lang ng malay kaya hindi na siya magtatagal sa hospital.
"I wa—"
"Natasha!Oh god,I'm so sorry. I shouldn't left you alone. I'm sorry." Naputol ang sasabihin ni Zella ng pumasok si Ashani sa kanyang kwarto at dire-diretso itong yumakap sakanya.
"No,it's okay. Its not your fault,Ashani. I'm okay don't worry."Pagpapagaan niya sa loob ng kaibigan. Sinubukan pa nitong umupo para ipakitang ayos lang siya. "See?I'm fine. There's nothing to worry about."
"Good thing Vasper was there. Kung sana hindi ako hinarang ng walang hiyang Jim na 'yon."Ashani sighed.
Kumunot ang kanyang noo at nagtatakang tumingin dito. "Who's Vasper?"
Ngunit hindi na siya kailangan pang sagutin ng mga ito dahil isang pamilyar na lalaki ang pumasok sa kanyang silid. Hindi niya ito kilala sa pangalan ngunit kilala niya ito sa mukha dahil nakikita niya ito sakanilang eskwelahan.
"Hey. Feeling better?"Bati nito sakanya tsaka ngumiti.
Tumango-tango si Natasha."Yeah. I'm great. Thank you."Aniya at ngumiti ng puno ng sinseridad.
Ilang oras pa ang mga itong nagkwentuhan hanggang sa nagpaalam sina Ashani at Vasper para bumili ng pagkain at si Zella na may kailangan munang daanan dahil iniutos ng kanyang ina.
Bumangon si Natasha para makapag-ayos na dahil isang oras nalang ay maaari na siyang lumabas.
Napatigil siya ng maramdaman niya na para bang may tao sa kanyang likod kaya nilingon niya ito ngunit napailing ng wala siyang makita. Pero halos atakehin siya sa puso ng may tao sa kanyang harap.