Chapter 8

5 0 0
                                    


SURPRISE

"LET IT GO,NAT. Siya na nagsabi na wala siyang alam sa usok na 'yon,diba?" Muling sumubo si Zella ng chip habang pinapanuod si Natasha na gumulong-gulong sa kanyang kama. Kasalukuyan silang tumatambay sa kwarto ni Natasha ngayon dahil wala silang pasok sa araw na ito.

"I can feel it. Para bang——urgh!" Napahilamos na lamang ng palad si Natasha. Hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag sa ibang tao ang kanyang kutob.

"Okay." Tumayo si Zella tsaka nagsalamin. "Why don't you go to his house?"

"What?" Naguguluhang tumingin si Natasha kay Zella.

"Puntahan mo siya. Ask him again." Ani Zella habang nagsusuklay ng kanyang hanggang balikat na buhok.

Sandaling napaisip si Natasha sa sinabi ng kaibigan. Ilang minuto niyang pinagisipan kung pupunta ba siya o hindi pero sa huli ay tumayo din ito.

"Let's go." Tawag niya sa kaibigan at kinuha ang susi ng sasakyan nila. Iniwan ito ni Morfe sa hindi niya sinabing dahilan. Wala na siyang pakialam kung tanging itim na bodycon dress at itim na leather jacket na lamang ang suot niya.

"Honestly, I feel at ease this time 'cause I'm going there with you." Ani Natasha ng makasakay sila sa sasakyan.

"What are you talking about? I'm not coming with you." Kunot-noong sabi ni Zella na mas ikinakunot-noo naman ni Natasha.

"W-What?No,you're coming with me. Ikaw na nagsabi na pupunta tayo doon." Matigas na sagot ni Natasha.

"I said 'you'. And that means only you." Natatawang sambit ni Zella.

"You're unbelievable! You can't do this to me, Zella. I'm your bestfriend!" Pagmamaktol ni Natasha sa kaibigan.

"Duh, I have nothing to do with your business and soon-to be-hot-boyfriend. Now,drive." Hindi na umapila si Natasha at nagdrive na lamang.



NAKANGUSONG NAKATINGIN si Natasha kay Zella habang bumababa ito sa sasakyan. Ibinaba niya ito sa Subsix District dahil dito ang sinabi ng kaibigan.


"Have fun!" Zella bid her goodbye with a grin.


"I hate you." Pabirong umirap si Natasha at pinaandar na ang sasakyan.


Ilang beses siyang napabuntong-hininga habang nagmamaneho papunta sa bahay nila Daimler. Napakagat-labi siya ng madaanan niya na ang pamilyar na daan na dinaanan nila ni Daimler dati. Ibig sabihin nito ay malapit na siya.

There is no turning back. Napatitig siya sa dalawang palapag na bahay sa kanyang harap. Should I text him first? Hinawakan niya ng mahigpit ang manubela. What if he was really telling the truth?

"Urgh!" Napasandal siya sa upuan at napasabunot sa sariling buhok. Umayos siya ng upo ng may maalala siya. Blanch——Is she still here? Huminga siya ng malalim at lumabas ng kanyang sasakyan. You can do this, Nat.

Kumatok siya ng tatlong beses sa pinto. Hindi maipagkakaila na nanlalamig ang kamay ni Natasha at hindi niya alam kung bakit. "Daimler?"

Muli pa siyang kumatok ng dalawang beses pero wala paring nagbubukas sa pinto. Pinihit niya ang doorknob at nagulat siya ng bumukas ang pinto. Its not lock.

Dahan-dahan siyang pumasok sa loob. "Daimler?" Pinakiramdaman niya ang buong paligid pero parang wala ngang tao sa bahay.

Natagpuan niya ang sarili sa sala. Mukhang wala ngang tao sa bahay. Humarap siya sa kanyang likuran handa na sanang umalis ng mabunggo siya sa dibdib ng isang nakaitim na lalaki.

Taming the BeastWhere stories live. Discover now