BLOODLOST
"YES. PAUWI NA AKO." Nagmadali si Natasha sa paglalakad habang kausap si Morfe sa cellphone ng makita niyang halos mag-isa nalang pala siyang naglalakad sa kalsada.
"Okay. Keep safe. I-lock mo 'yong pinto pagka-uwi mo." Bilin pa sakanya bago ibinaba ang tawag.
Pinagkiskis ni Natasha ang mga palad ng maramdaman niya ang lamig dahil na rin gabi na nga. Tahimik ang lugar at tanging takong lamang ng kanyang ankle boots ang naririnig. Pero dali-daling napalingon ang dalaga sa likod ng maramdamang para bang may sumusunod sakanya. Binagalan niya ang kanyang lakad at pinakiramdaman ang buong paligid.
Nang makitang wala namang tao,pinagpatuloy niya ang paglalakad at umiling. Aksidenteng napatingin siya sa kanyang anino ng tumapat siya sa streetlight ngunit napakunot ang kanyang noo ng makitang may isa pang aninong nakasunod sakanya. What the fuck?!
"Hmpp!" Bago pa siya makalingon muli sa kanyang likuran ay may mabilis na tumakip na sakanyang bunganga.
"Ibigay mo sakin ang mga gamit mo!" Mabilis ang pintig ng kanyang puso. Nagiisip siya kung pano ba niya ito lalabanan ngunit nawala ang kanyang lakas ng maramdaman niya ang patalim sa kanyang tagiliran. God,someone help me.
"Bilis!" Mas idiniin pa ng magnanakaw ang patalim sa kanyang tagiliran. Nanginginig niyang iniaabot sa lalaki ang bag niya pero mabilis na bumagsak ang lalaki sa sahig.
"Daimler!" Hindi niya alam kung paano napunta si Daimler sa lugar na ito pero hindi na iyon mahalaga. Mabilis na bumangon ang lalaki at inatake si Daimler habang hawak hawak ang patalim.
"Oh my God!" Napatakip ng bibig si Natasha ng saksakin ng lalaki si Daimler at kumaripas ito ng takbo. Agad-agad namang lumapit si Natasha kay Daimler ng makitang nasaksak ito.
"Are you okay?"
"I'm okay. How about you? Patingin ng sugat mo." Balik tanong niya kay Daimler ar sinusuri pa ang katawan nito.
"No,no I'm okay." Pagtanggi ng binata at humakbang pa patalikod.
"What?You're not. Sinaksak ka ng walang hiyang lalaking 'yon. Come on, I'll take you to the hospital." Muling lumapit si Natasha kay Daimler. Aapila pa sana si Daimler pero itinaas na ni Natasha ang damit na suot nito para tignan ang sugat pero nanigas siya sa kanyang kinatatayuan ng makitang wala namang sugat ito o kahit galos manlang.
Ibinaba ni Daimler agad ang damit niya ng makita ang reaksyon sa mukha ng dalaga. "I told you I'm okay." Itinuro pa nito ang damit. "Punit lang." Tumawa pa ito pero hindi nakaligtas sa pandinig ni Natasha ang kanyang pagpepeke.
"No. You got stabbed. I saw it!"
"Hey, It's nothing. I'm okay." Hinawakan pa ni Daimler ang magkabilang braso ni Natasha para pakalmahin siya pero hindi parin kumbinsido ang dalaga dito. Gulong-gulo siya. Hindi niya maintindihan ang mga nangyayari kay Daimler.
"I-I'm going home now. Mauna na ako. Salamat." Pamamaalam niya at linagpasan na si Daimler pero agad siyang nahawakan nito sa braso para pigilan siya.
"Ihahatid na kita." Namuo ang gulat at kaba sa loob ni Natasha ngunit hindi niya ito pinakita kay Daimler. No, you can't!
"No,its okay. I can manage--"
"Ihahatid kita. Paano kung balikan ka 'non?" Talagang makikitang ayaw talaga magpatalo ni Daimler at wala na siyang magagawa kaya pumayag na lang din siya.