Chapter 5

5 0 0
                                    


WOUNDED

"SO YOU ALREADY met his sister?" Prinoproseso ni Zella sng kwento ni Natasha. Simula ng magkakilala sila ay masyado na silang naging bukas sa isa't-isa. Kaya naman ikwinento ni Natasha ang nangyari kahapon mula ng makasalubong niya si Daimler sa gate hanggang sa nakilala niys si Blanch.

"Yes. Seems like she doesn't like me." Nakangiwing sagot ni Natasha tsaka kumagat sa hotdog na kinakain niya.

"Hayaan mo siya diyan. Maganda ba siya?" Ani Zella habang nagaayos na ng gamit para maghandang para sa susunod nilang klase.

"She's pretty, Zella. Very pretty." Sagot naman ni Natasha tsaka tumayo na.

"Well, I'm sure I'm prettier." Taas noong pagbibiro ni Zella. Hindi naman kasi maipagkakaila na maganda nga si Zella.

Sabay nagtawanan ang dalawa ngunit natigil iyon ng may sumingit sa gitna nila at umangkla sa mga braso nila.

"Do you, girls, have something to wear tonight?" Nakangiti at excited na tanong ni Ashani sa dalawa. Oo nga pala may Back to School Party pala sila mamaya.

Ngumuso si Zella. "I'll choose later.

"How about you,Nat?" Nakangiti paring tanong ni Ashani.

"No—I'm not going. " Umiiling na sagot ni Nat sa dalawa.

Tumigil maglakad si Ashani kaya napatigil din ang dalawa sa paglalakad. "What do you mean you're not going?" Pagkla-klaro ni Ashani kay Natasha. Maging si Zella ay nakakunot na ang noo.

"Uh—I ha—" Hindi din alam ni Natasha ang irarason sa dalawang kaibigan kaya mabilis siyang pinutol ni Ashani.

"Nope. You will attend.. Ako na bahala sa isusuot niyong dalawa. "Ani Zella ng may finality sa boses.

"See you later. Bye." Mabilis na paalam ni Ashani tsaka umalis na na para bang may hinahabol. Sinundan nila ito ng tingin hanggang sa makaalis na siya kaya napabuntong hininga si Natasha.

"You heard her." Ani Zella tsaka pinanlakihan pa ito ng mata. Wala na nga siyang magagawa kundi pumunta mamaya. Mukhang hindi siya papabayaan ng dalawang hindi siya dumalo sa pagdiriwang.

"CLASS DISMISS." Kanya-kanyang tayo ang mga estyudante ng sambitin ito ng kanilang guro. Maaga silang papauwiin para makapag-ayos para mamaya.

Gaya ng nakagawian, dumiretso sa locker sila Zella at Natasha.

"I'll see you later,Nat." Pagpapaalam ni Zella sa kaibigan matapos nilang kunin ang mga gamit sa locker. Sinundan ito ng tingin ni Natasha at nakita niya si Vasper sa hindi kalayuan. Looks like someone is hiding a secret.

Umiling na lamang si Natasha at naglakad na para makauwi.

Hindi niya maiwasang isipin kung sino nga ba ang tinutukoy ng magkapatid kahapon. Naging palaisipan ito sakanya simula ng makauwi siya. The girl. The book. Who will be back?

Nang makauwi siya, dumiretso siya sa ref para kumuha ng tubig na maiinom. Inilapag niya ang baso sa lababo ngunit pagkalingon niya sa kanyang likuran ay laking gulat niya ng makita si Daimler dito.

"H—hey." Hinihingal na sambit niya.

"You're going to the party tonight?" Parang wala lang na sabi ni Daimler.

"Yes. I don't have choice. "Kibit-balikat niyang sagot.

"Okay. See you later then. "Ani Daimler tsaka naglakad na palabas ng pinto.

"Wait—You're leaving right away?Kunot-noong tanong niya. Paano ba naman pumunta ito sa bahay niya para lamang itanong iyon?

"Yes." Nagtatakang sagot ni Daimler dahil sa reaction ni Natasha.

Taming the BeastWhere stories live. Discover now