Chapter 1

15 2 0
                                    


"The class will start at June 17 got it everyone?"


"Yes Ma'am!" sagot ng lahat.

"This will be the end of the orientation, again, welcome to San Sebastian Academy. Please go home safe students."

Lahat kami grade 11 dito sa orientation, need lahat ng students na umattend dahil may attendance. Kahit former students kailangan daw umattend dahil may nadagdag sa rules at grading system since SHS na kami, madami dami din ang nakita kong transferees.

Palabas na ako ng room nang may kumulbit sakin.

"Hi I'm Allison Lopez, STEM ka din diba?"

"Yeah, why?"

"Pwede ba tayo maging friends? STEM din strand ko" ngumiti sya sakin.

Ang friendly naman nito, ang ganda pa.

I gave her a 'confused look'.

"Ang fc ko ba? I'm sorry, ikaw kasi nakita kong medyo matino here and you look cute din hehe." sabi nya na parang nahihiya pa.

I chuckled. "Sure, why not? I'm Samantha Ellie Caballes, Ellie nalang for short, so friends?"

Inabot ko ang kamay ko sa kanya at nakipag-shake hands.

"Hay sa wakas may friend na ako! Maganda naman siguro sa school na 'to noh?"

"I'm student here since Grade 7, okay naman sya." I said laughing.

"Oh, I see, tara Mall tayo, if you want lang naman."

"Sige tara."

Tutal wala din naman akong gagawin sa bahay, sumama nalang ako sa kanya. Nag commute lang kami papuntang SM. Malapit lang naman yon sa school, so nag jeep lang kami. Mga 10 minutes lang nakarating agad kami.

Dumiretso kami sa Starbucks. Medyo nakakaluwag ako dahil wala pa naman akong ginagastusan kaya G na dito sa sb!

"Coffee frappe at blueberry cheesecake lang akin Allison." inabot ko yung bayad sa kanya.

"Sure sige hanap ka na ng upuan, ako nalang order."

I nodded and nakahanap naman agad ako ng pwedeng upuan. Maya-maya din ay nakadating na din sya.

"Bago lang ako dito sa Laguna eh, I'm from Rizal. Hindi ko kabisado mga lugar at tao dito."

"May I ask bakit ka lumipat?"

"Wala kasi akong masyadong kasama doon sa apartment ni mama, siya lang kasi ang kasama ko sa bahay, wala akong papa."

"Oh, sorry to hear that. May papa ka, hindi mo lang sya kasama." I smiled.

"Oo nga, so yon eh medyo sakitin ako, pag inaatake ako ng palpitation at asthma wala akong kasama kaya pinapunta muna ako dito sa tita ko."

"Hindi halatang may sakit ka, parang ang hyper mo." tumawa kami parehas.

"Syempre para hindi boring no! Ano pala pinili mong sched?"

Sa school kasi namin 3 days lang yung pasok, kami ang pipili ng schedule namin kung MWF (Monday, Wednesday, Friday) or TTHF (Tuesday, Thursday, Friday). Plus, may online educ kami kaya 3 days lang.

"TTHF, para matagal weekends ikaw?"

"Hala parehas tayo!! Sana classmates tayo." she pouted. Ang cute.

"Email daw nila bukas sections natin, goodluck sana classmates nga tayo."

Nung matapos na kaming kumain we decided na pumunta ng watsons bago umuwi. Window shopping lang daw sabi nya pero hindi ako naniniwala, walang babaeng hindi nalabas ng watsons ng walang bitbit.

"Allison sure ka bang window shopping? Bakit may basket ka ng dala?" I chuckled.

"May sinabi ba ako? Parang wala naman." inirapan nya ako tapos tumawa din.

So I decided na kumuha ng mga pwede kong bilhin. Eto na nga ba ang sinasabi ko, mapapabili na naman ako ubos na naman pera. Ang dami ko ng hawak my gosh!

"Allison paabot naman ako ng basket ang dami ko ng bitbit." sabi ko habang nagtitingin ng eye masks.

"Here."

"Thanks." teka boses lalaki yon ah.

Tumingala ako at nabitawan ko ang mga bitbit ko sa gulat.

"Long time no see Samantha Ellie."

"Axel...."

____________________________________________________
____________________________________________________
:))

Player's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon