Chapter 2

7 1 0
                                    

"Are you alone?"

"Hi, I'm Allison. I'm with her, you are?"

"I'm Axel."

Magshe-shake hands pa sana sila pero hinila ko na agad si Allison papuntang counter.

"Sorry kung hinila kita, tapos kana ba mamili?"

"Oo girl, umalis lang ako saglit may lalaki kana agad ang ganda ha" she chuckled.

"Ex ko sya."

"Oohhh I see, kaya pala ganon reaction mo. Maya mo nalang kwento ikaw na susunod magbayad."

So after namin magbayad, lumabas na kami ng watsons. At kung minamalas ka nga naman nakita ko ulit si Axel.

"Hey, can we talk?"

"Talk about what?"

"Wala kamustahan ganon? Kain tayo?"

"I'm okay Axel, and I ate already na. Wala tayong dapat pag-usapan. Bye Axel"


Tinalikuran ko nalang siya at nagsimula nang maglakad. I heard Allison sighed. Sumunod din naman sya sa akin.

Tahimik lang akong naglakad palabas ng mall. Nasira tuloy mood ko.

"Sorry Allison, nawala ako sa mood."


"Okay lang no, kwento mo nalang sakin if you want. Add mo ako sa fb, Allison Lopez." Allison smiled.

"Sure thankyou."




"Musta orientation?" sabi ni mama.


"Okay lang ma, pinaliwanag lang sa amin yung mga rules at grading system ng school."


"Oh ayon naman pala ang pinag-usapan bakit ngayon kaang umuwi?"

"Pumunta pa akong SM"

"Ikaw na bata ka puro ka na naman gala, ubos pera ka na naman. Isusumbong kita sa tatay mo."

Tinalikuran ko nalang si mama at pumunta sa kwarto.

Ganyan naman si mama palagi, lagi nalang galit sa akin wala naman akong ginagawa. Wala na nga akong ginagawa nagagalit pa, ano kaya kung may gawin na ako, baka sobra sobrang galit na nyan.

In-add ko si Allison sa facebook gaya ng sabi nya.

Ganito lang ginawa ko buong bakasyon. Nasa social media, kain at tulog. Gusto kong mag summer job pero ayaw naman ng magulang ko. Kung sa bahay nga daw tamad na ako, magtatrabaho pa ako? Ganyan lagi sinasabi sakin. Hayyy.

Kinabukasan hinintay ko lang ang email ng school kung anong oras ng pasok at section namin. Nung na-received ko na yung email minessage ko na si Allison.

Messenger
Ellie Caballes
Am sched ako and STEM-Class A ako ikaw?

Allison Lopez
YAS GORL SAME SCHED SAME SECTION!!

Ellie Caballes
Yay, bumili ka na ba ng mga school needs mo?

Allison Lopez
Hindi pa, tara bukas?

Ellie Caballes
Sure, kitakits bukas!



"Magkasama na naman tayo." Allison laughed.

"Well, so tara na sa National Bookstore."

Naghiwalay muna kami ni Allison nang makarating kami sa National Bookstore para mabilis kaming makahabap ng mga bibilhin namin. Kita nalang daw kami sa exit after mamili.

Medyo konti lang naman bibilhin ko ngayon, binder at ballpen lang hihingi nalang ako yellow pad sa kaklase charot. Syempre yellow pad tsaka highlighters at isang notebook for other stuffs at syempre notepad.

Sumilip ako sa may exit wala pa naman siya kaya sa book stuffs muna ako pumunta bago magbayad. Naghanap ako ng mga nakakaakit sa matang basahin. May nakita ako nasa taas naman hindi ko abot, kaya tiyad ako ng tiyad pero hindi ko talaga maabot nakakainis!

"Ako na kukuha" he said laughing.

Si Asher, schoolmate ko since Grade 7.

"Ah eh sure s-sige."

Bakit ba ako nauutal? Eh ano naman kung naging crush ko siya nung grade 9? At grade 10? At ngayon? Eh? Ewan! Kausapin ko nalang.

"Saan ka na pumapasok?"

"Kilala mo ako?" he look confused.

Wow.  Hindi nya ako kilala? Eh naging crush nya nga din ako nung grade 8. Kinuha ko nalang libro sa kanya at aalis na sana pero bigla syang nagsalita.

"Joke lang syempre Samantha Ellie, sa SSA ako papasok ikaw?"

Lumingon ulit ako sa kanya at masamang tumingin sa kanya.

"Ellie nalang kasi, SSA din. Ano sched mo?"

"Secret." tumawa sya at tinalikuran ako.

Anak ng tipaklong! Ang kapal! Talikuran ba naman ako? Psh.

Pumunta nalang ako ng counter at nagbayad.

Pagka-exit ko andon na pala si Allison.

"Yan lang pala binili mo bakit ang tagal mo?"

"Napabasa ako sa libro sorry na."

"Okay forgiven." tawa tawa nyang sabi.

Natawa nalang din ako. Pasalamat din ako kasi may close na agad ako bago palang pumasok.

Bago kami umuwi nag milktea muna kami, oh diba akala mo mayaman kung makagastos. Yaman ka ghorl? HAHAHA

Pagkauwi ko as usual nagbunganga na naman ang nanay ko pero hindi ko nalang pinansin. Masyadong maganda ang araw ko para mahaluan ng bad vibes.

Sana masaya ang school year na to.

____________________________________________________
____________________________________________________
:))

Player's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon