Bakit kasama ni Allison si Asher? How?
"Ah si Asher kasama ko, sabay kasi kami lumabas inaya ko na din dito." paliwanag ni Allison.
Hindi pa din ako makapaniwala. Sumama si Asher kay Allison? Close na ba sila? Knowing na suplado si Asher, o sa akin lang talaga siya suplado?
"Later I'll explain." bulong ni Allison.
Natulala pa din ako. Pinipilit mag sink in ang nangyayari.
"Bili lang ako foods natin, Ashi samahan mo nalang dyan si Ellie."
At talagang binigyan pa ng nickname ng gaga si Asher.
Napatingin naman ako kay Asher at NGINITIAN NIYA SI ALLISON!!! TAPOS KAPAG AKO HINDI? Tangina?
Tumungo nalang ulit ako, at pumikit para matulog uli baka nananaginip ako e. Pero naramdaman ko na tumabi sakin si Asher kaya napatingala ulit ako at nakita kong tumabi siya sa akin.
Hinanap naman agad ng mata ko si Allison baka kasi makita niya, ano pang isipin niya, baka sabihin niya inaagawan ko sya ng crush.
Umusod ako para hindi kami masyado magkadikit.
Pero pinagtitripan ata ako ni Asher dahil umusod din siya.
Nanlaki ang mata ko sa kanya at umusod ulit pero muntik na akong malaglag kaya napakapit ako sa lamesa. Halos tumalon ako nang hawakan ni Asher ang kamay ko.
Ano bang nangyayari sakin?
"Don't act weird Ellie ano ba hahaha." tumatawang sabi ni Asher.
Tangina si Asher tumawa! Praise the Lord!
"Ah eh d-dun ka nalang umupo sa k-kabila."
Tumayo naman agad siya at lumipat pero tumatawa pa din.
Umiling nalang ako
Ang tagal naman ni Allison, sabi pagkain lang bibilhin pero ang tagal niya naggrocery na ata.
Tumingin naman ako sa counter at ayun nakapila pala ang gaga, medyo mahaba ang pila kaya naisipan ko nalang na sundan siya, kesa kasama tong isang to.
"Ah Asher, sundan ko lang si Allison, may hawak na tray e baka ngalay na."
Tumingin siya kay Allison na tinitignan ko, tsaka lumingon ulit sa akin.
"Ako na dyan ka nalang."
I nodded.
Tumungo nalang ako at pumikit. Nararamdaman ko pa din ang pagod. Nag-play na din ako ng music para hindi ako mainip.
"Ellie meryenda kana muna." boses ni Allison.
Napaayos naman agad ako ng upo, kasama nga pala niya si Asher.
Ang daming pagkain, hotdog, siopao, slurpee tapos donut.
"Libre mo ba to Allison?" sabi ko sabay kagat sa hotdog.
"Utang yan bayaran mo ah." napaubo naman ako.
Inabutan agad ako ng tubig ni.... Asher.
Awkward kong kinuha yon.
Tumawa naman si Allison.
"Joke lang gaga, libre ko yan!"
BINABASA MO ANG
Player's Heart
Teen FictionSamantha Ellie Caballes. A senior high school multi-tasking student. Who can be Student Council Officer, Dancer and Honor Student. Asher Sebastian Carson. A senior high school student. Student Council Officer, basketball player. One day he will get...