"6 am class arghhh"4 am dapat gising na ako pero dahil hindi ako sanay gumising ng ganon kaaga, 5 am na ako bumangon lol.
I didn't know na traffic pala jusko, 1st day equals late. Sana walang teacher sa 1st subject.
Tinanong ko sa guard kung saan yung room ng STEM-Class A at nasa 3rd floor pa daw yon jusko!! Bakit hindi uso ang elevator dito?
Hingal na hingal akong nakarating ng 3rd floor. Sumilip ako sa room at andon na agad yung teacher namin.
"Hi Ma'am I'm sorry I'm late, traffic po kasi."
"Kailan ba hindi naging traffic sa Pilipinas ineng? Introduce yourself."
"Hi I'm Samantha Ellie Caballes, Ellie for short. Yung iba e naging kaklase ko na dati, at sa mga bago sana maka-close ko kayo. "
"Say something about yourself."
"Like what ma'am? I'm cute po ganon."
Tumawa yung mga kaklase ko. Luh anong nakakatawa don? Sabi say something about myself eh.
"Ang cute mo nga Ellie pakiss."
"Crush na talaga kita Ellie."
Sabi nung ilan sa mga kaklase ko. Natawa naman ako sa kanila.
"Quiet class! Miss Caballes please sit down."
"Hindi pa po ako tapos magsalita ma'am. Second I have Instagram, please follow me guys hihi."
"MISS CABALLES PLEASE SITDOWN, YOU'RE SAYING NONSENSE!"
Nagtawanan kaming lahat. Aga-aga init ng ulo eh.
Umupo ako sa tabi ni Allison.
"Hindi ko alam clown kana ngayon ha. Miss late!" pang-aasar sakin ni Allison.
"Atleast tumawa kayo oh." I said laughing.
"Ang aga-aga sumasakit ang ulo ko sa inyo. Prepare bond paper next meeting, we will be having math problem games. Class dismiss."
Pre-Calculus pala tong 1st subject namin. Agang stress neto panigurado pucha. Taray pa ng teacher, 6 am class pa!
Puro introduce yourself lang ang ginawa namin buong umaga. 6 am to 12 pm lang kasi class namin. Half day lang.
"Allison uuwi kana ba agad?"
"Bakit saan mo ako yayayain? G naman ako!"
"Tara muna sa canteen. Kain tayo."
Pumunta kami sa canteen. Ang astig naman, may video oke na hinuhulugan ng 5 pesos kada kanta.
"Ellie kumakanta kaba? Tara kanta tayo! Syempre kain muna hehe."
Napailing nalang ako. Hindi mo aakalain na may sakit to sa sobrang hyper.
"Ako na ang oorder ano gusto mo?"
"Ikaw charot. Kahit ano Ellie, katulad nalang ng bibilhin mo."
"Wala ka bang allergies?"
"Wala naman."
Pumila na ako sa order lane, nang makita ko si Asher ulit. Kinuha ko tuloy phone ko sa bulsa ko at nagsalamin kung maayos ba ang itsura ko.
"Hi Ellie, ang ganda mo ngayon." si Evan tropa ni Asher.
Dito na din pala sila nag senior high, akala ko lumipat sila. Tropa ni Asher sina Evan, Ethan, Kai at Therence.
"Lagi namang maganda yang si Ellie eh." tumatawang sabi ni Kai.
"Trip nyo na naman ako ha, so dito na din pala kayo nag senior high."
"Oo sayang sabi ni Coach varsity player pa din kami kapag dito pa rin kami nag senior high, sayang din!" sabi ni Ethan.
"Tsaka sinamahan na namin si Asher, baka umiyak pag lumipat kami eh." tumatawang sabi ni Therence.
"Ha bakit? Anong meron?"
"Running for President sa Student Council yon." sabi ni Ethan.
"Oh ayan na pala si Asher." sabi ni Evan.
"Sabi ko mag hanap kayo ng upuan hindi makipag kwentuhan."
Nagulat naman ako kay Asher, bakit ang sugit nun? Hindi man lang ako napansin.
"Sige na Ellie, see you around." sabi ni Kai.
Kumaway ako kanila.
Running for President pala sya, at varsity pa din. Ngayon ko lang nalaman yun ah.
Umorder na ako ng pagkain. Sisig lang tsaka softdrinks tutal pauwi na din naman.
"Ang tagal mo naman gutom na gutom na ako sis."
"Napa chismis pa eh."
"Nakita ko girl, ang dami mong lalaki." Allison chuckled.
"Gaga mga tropa lang yun."
"Ang gwapo nung isa ha, yung matangkad, moreno tsaka singkit."
"Ah Asher Sebastian yon, Asher nalang for short."
"Gusto ko sya maka-close. Na crush at first sight ako."
Nabulunan naman ako sa sinabi ni Allison.
"Oh girl, hinay sa pagkain" she laughed.
"Walang time mag-jowa yun, running for president pala yun sa student council tsaka varsity sa basketball."
"Close kayo? Gosh!! Pakilala mo naman ako sa crush ko. Tutal bago lang din ako here, more friends you know!"
"Ha? Ayoko nga! Ikaw nalang, bahala ka."
"Sige na Ellie, libre kita Milktea."
"Sorry sis, afford ko." I fake laugh.
"Please? Please?"
"Kumain ka nalang muna."
Allison pouted.
Mukhang hindi ako titigilan ni Allison. No choice.
Pero kasi,
Crush ko din ang crush mo Allison.
____________________________________________________
____________________________________________________
:))
BINABASA MO ANG
Player's Heart
Fiksi RemajaSamantha Ellie Caballes. A senior high school multi-tasking student. Who can be Student Council Officer, Dancer and Honor Student. Asher Sebastian Carson. A senior high school student. Student Council Officer, basketball player. One day he will get...