One month na akong pumapasok as a Senior Highschool Student. Puro lecture palang kami last month, paniguradong ngayong month ang puro exam."Guys pinapaakyat tayo sa auditorium, may announcement daw sabi ni SD" sabi ng kaklase ko.
SD means, school director.
Nag-ayos muna kami ni Allison, nag powder muna kami at naglagay ng liptint bago umakyat.
"Ano na naman kayang chika ni SD." sabi ko.
Sa medyo unahan kami umupo ni Allison, para marinig at don naka focus ang atensyon namin. Dahil paniguradong magchichikahan lang kami nitong ni Allison kapag sa hulihan kami pumwesto.
"Good day students. Kaya pinatawag ko kayong lahat para sabihin na ngayong month magbubukas ang mga club, organizations and etc. Kaya need nyo na mag-elect ng officers sa bawat room. And the president will be responsible sa pag eenlist ng classmates nya. Is thst okay students? Is there any questions?"
Nagbulong-bulungan ang mga nasa paligid.
"SD, kailan po ang botohan sa Student Council?" sabi nung isang student.
"Very good question Mr., may napili na akong President for our school. I will announce that next week, so sa mga gustong tumakbong Vice President, Secretary, Treasurer kindly go to my office. And also we need representative to each strands, punta nalang kayo sa office ko para malista kayo. And next week kayo magpapakilala here in front."
Nagbulong-bulungan ulit sa paligid, yung iba mukhang masaya dahil magbubukas na yung mga orgs na pwede nilang salihan.
"Go back to your classroom students, thank you all for your time."
"Ellie san ka sasaling org?"
"Member na ako ng Dance Club Allison." nahihiyang sabi ko.
"Wow bakit hindi mo sinabi sa aking dancer ka pala!"
"Eh hindi ka naman nagtanong."
"Duh." Allison rolled her eyes.
"Ellie, may meeting daw tayo maya sabi ni Coach." sabi ni Migs, co-dancer ko.
"Ano oras daw?"
"Hapon pa daw sya available eh, mga 4 pm siguro."
"Luh, eh uuwi na ako ngayon eh, edi babalik na naman ako?"
"Ganon na nga, alis na ako pre, see you later!"
Badtrip. Hindi pa bukas nalang o ngayon na o kaya sa weekends. Babalik na naman ako mamaya, hassle.
Bumalik na kami ni Allison sa classroom. Dumating naman agad ang adviser namin.
"Good morning Miss." sabi naming lahat.
"Morning, please sit down."
Umupo naman kaming lahat.
"So today, mag e-elect na tayo ng classroom officers. The nomination for President is now open."
Tumaas naman ang kamay ng isa kong kaklase.
"Ma'am I nominate Ellie for President." sabi nya habang tumatawa.
"Hoy bakit ako?"
Pucha. Ako bakit ako ang President? Hayup, mas hassle to sa sched eh.
"Ms. Caballes come here in front."
"Any nominees for President?"
"Ma'am I close the nomination for President."
"I second the motion."
Tangina. Anong trip ng mga kaklase ko?
"So Miss Caballes you're the President now. Ikaw na bahala pumili ng Vice President and other co-officers mo. Tutal since Grade 7 ka naman na dito, alam mo na ang rules ng school."
Tumango lang ako sa Adviser namin.
"So si Ms. President na ang bahala sa inyo, alis na ako."
Pagkalabas ni Miss ng classrom, sinigawan ko mga kaklase ko.
"Gago bakit ako President nyo? Pangit trip nyo ulol!"
"Kaya mo yan Ellie, para masaya room natin."
"Alam nyong dancer ako pucha."
Nagtawanan silang lahat. Wala na naman akong magagawa dahil ako na nga ang President ng classroom na ito.
"Wow nung una, Miss late ngayon Miss President. Ang galing mo talaga Ellie! I'm so proud!!" sabi ni Allison, umaaktong yayakapin ako.
Napangiwi nalang ako sa sinabi ni Allison.
Pumili na din ako ng makakasama kong Officers. Yung mga tropa ko nalang din sa classroom ang in-assign ko. 2 lang naman kailangan ko, Secretary at Treasurer lang. Pag madami akong kinuha magkakagulo lang, okay na yung tatlo kami para magkakasundo.
Si Natallie as Secretary, masipag sya mag-aral tsaka medyo nakakatakot magsalita kaya sya nalang Secretary ko.
Si Aaliyah as Treasurer, sya naman e mahilig sumali sa mga pageant, co-dancer ko din sa club. Siya ang nag motivate sa akin noon na sumali.
Parehas ko silang tropa since grade 7. Kaso medyo busy sila parehas ngayon kaya si Allison lagi ang nakakasama ko.
Umuwi na kami after class.
Pero dahil may meeting daw sa club mamaya kailangan kong bumalik na naman.Natulog muna ako dahil matagal pa naman, 4pm pa.
"Oh san ka na naman pupunta, lakwatsa hapon na hapon?" si maka na naman as usual.
Bakit dapat ba madaling araw gumala? Tsk.
"Meeting sa Dance Club ma alis muna ako."
"Sabi ko naman sayo, huwag ka ng sumali dyan! Bukod sa gastos, lagi ka na namang uuwi ng gabi. Tapos overnight overnight pa kayong nalalaman! Mga wala ba kayong bahay!"
"Ma naman, alam mo namang gusto ko to tsaka payag naman si papa ah. Kaya ko naman pagsabayin ang pag-aaral at pagsasayaw."
"Ewan ko sayong bata ka wala ka talagang kwenta! Sige lumayas kana huwag ka ng babalik!"
Umalis ako ng bahay na umiiyak.
Pati sa jeep umiiyak ako, nakakahiya tuloy sa mga nakasakay.
Ang sakit lang talaga na hindi ka magawang suportahan ng magulang mo sa bagay na gusto mo.
Yung sa halip na sila ang number 1 fan mo, sila pa ang unang magda-down sayo. Partida, solong anak pa ako.
Laylay balikat tuloy akong bumaba ng jeep. Pinahidan ko ang luha ko at nakatungong naglakad nang may biglang humila sa akin.
"Umiiyak kaba?"
Napa-angat ako ng tingin at nanlaki ang mata ng makitang si Axel ang nasa harapan ko.
"Anong ginagawa mo dito?!"
____________________________________________________
____________________________________________________
:))
BINABASA MO ANG
Player's Heart
Fiksi RemajaSamantha Ellie Caballes. A senior high school multi-tasking student. Who can be Student Council Officer, Dancer and Honor Student. Asher Sebastian Carson. A senior high school student. Student Council Officer, basketball player. One day he will get...