Ngayon na yung opening ng clubs, orgs and etc. May handa na din kaming sayaw para i-present mamaya. Si Migs ang pinapili ko ng kanta, loyal by Chris Brown nalang daw para maganda sa tenga yung beat, pumayag naman ibang members."Ellie." tawag sakin ni Allison, hingal na hingal.
"Oh bakit hingal na hingal ka saan ka galing? Bawal ka mapagod diba?"
"Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala."
"Sana kasi nag-chat ka nalang." inabutan ko siya ng tubig.
"Sabi ng adviser natin may meeting daw mamaya lahat ng President ng room sa office ni SD, mamimili na ata ng other officers."
"Anong oras daw?"
"3 pm."
"3 pm din sayaw ko sa club. Pwede bang ikaw nalang muna um-attend?"
"Ha bakit ako? Anong alam ko sa school na 'to bago pa lang naman ako dito."
"Parang hindi ka um-attend ng orientation duh, tsaka nandon si Asher, its your chance."
"Ay oo nga pala! Siya ang President hihi" kinikilig na sabi ni Allison.
Crush na crush nga nya talaga si Asher tsk. Malala na to.
"Oh ano? G ba yan?"
"Sure, sige balik na muna ako sa classroom, ang init eh."
Tinanguan ko lang siya at bumalik na sa pwesto namin.
Naglilista lang ako ng mga gustong mag audition sa club, habang yung iba nagpeperform sa harap ng kung ano anong sayaw.
"Huy Ellie!" sigaw ni Kai.
Si Asher tsaka mga tropa niya.
"Uhm hi." nahihiya kong sabi.
"Ang ganda mo pa din kahit naka—" hindi na natapos ni Evan ang sasabihin niya dahil nagsalita si Asher.
"Kumusta club nyo? Madami bang nag au-adution?" sabi ni Asher.
"Ah eh O-oo, madami ito listahan oh."
"Tara na."
Hindi niya pinansin yung sinabi ko at naglakad na papunta sa katabi naming booth. Ni hindi man lang niya tinignan yung inabot kong listahan. Napa-upo nalang tuloy ulit ako.
"Pasensya kana sa aports namin Ellie, red days ata kaya masungit." kamot ulong sabi ni Kai.
"Nautusan pa ni SD na mag-ikot at tignan lahat ng clubs kung ano nang nangyayari." sabi ni Ethan.
"Okay lang yob ano ba kayo, sige na sundan niyo na si Asher."
Nag wave lang sila sakin at umalis na.
Big deal pa din kaya yun kay asher? 3 years na ang lumipas eh.
"Ellie bihis kana tayo naman toka sa sayaw." sabi ni Migs.
3 pm na kasi. Kanina naka-plain white t-shirt at black pants lang ako. Ngayon magpapalit ako ng hoodie crop top, pambaba ay cargo pants tapos sneakers lang para magaan sa paa gumalaw.
"Ready na ba kayo guys? Re-call tayo steps." sabi ko sa mga kasama ko.
I'm about to dance pero kanina ko pa napapansin na may nakatingin sa akin, si Axel. Tumingin ako sa gawi nya at sinamaan siya ng tingin.
"Okay guys, 1 and 2 and 3 and 4 and 5 and 6 and tak tak tak."
Buti nalang at mababait ang napunta sa aking members, madali silang sabihan at mabilis nilang nagegets yung steps.
"Nice one, sabay na sabay kayo sa beat." a familiar voice said.
"Mag-ayos na kayo ng sarili guys, tayo naman magpe-present." sabi ni Migs at tumango sa akin.
Maglalakad na ako papunta ng canteen ng magsalita ulit si Axel.
"Ellie eto tubig oh." tinignan ko lang siya at tatalikod na sana ulit pero nagsalita sya.
"Hindi ko pa naiinuman yan, swear."
Ang kulit ng bungo, sabi ko huwag na ako kausapin eh.
"So? Ano tingin mo sakin walang pambili?"
"Hindi naman yon ang—"
"Excuse me, kung magkekwentuhan kayo wag sa daan please." si Asher.
"Ang bastos mo yata bro? Ang laki ng daan sa gilid sa gitna ka pa namin dumaan?"
"I said excuse me, didn't you hear that?"
"A-Asher okay lang pasensya kana."
Tinignan lang ako ni Asher at naglakad na ulit paalis.
"Gago yon ah."
"Ikaw ang gago."
Hindi na ako nakabili ng tubig, bumalik nalang ako sa booth namin dahil kung bibili ako baka matagalan pa.
Hanggang sa nakasayaw na kami. Hindi lang loyal ang sinayaw namin, dahil madaming nag-request ng isa pa, nakatatlong sayaw ulit kami. Kung hindi lang dahil nagpapa-audition hindi namin pagbibigyan mga nagrerequest.
Ganon lang ang ginawa ko maghapon. 5 pm na, kaya nag-aayos na kami ng gamit para makauwi na. Naisipan ko namang i-chat si Allison.
Messenger
Ellie Caballes
Sis nasan kana? Umuwi kana ba?Allison Lopez
Hindi pa wait mo ako sa labas ng gate, sa 7 11. I'll be there in 15 minutes.Pagkatapos ko mag-ayos ng gamit at magpalit ng damit, pumunta na ako sa 7 11, ang pambansang hintayan sa Pinas, at hinintay don si Allison. Ayoko sa lahat yung naghihintay pero dahil humingin ako ng favor sa kanya, no choice.
Bumili ako ng iced coffee at kinuha ang earphones ko. Hindi ko naman namalayan na nakatulog na pala ako.
"Ellie, wake up." boses ni Allison.
Pag-angat ko ng tingin, halos malaglag ako sa upuan ko nang makita kong kasama niya si Asher.
______________________________________________________________________________________________________________:)))
BINABASA MO ANG
Player's Heart
Teen FictionSamantha Ellie Caballes. A senior high school multi-tasking student. Who can be Student Council Officer, Dancer and Honor Student. Asher Sebastian Carson. A senior high school student. Student Council Officer, basketball player. One day he will get...