Chapter 8

4 0 0
                                    


Friday na ngayon, last day din para sa booth.

"Ellie ayos ka lang? Namumutla ka."

"Oks lang ako Migs asan si Coach?"

"Malelate daw, stressed kahapon sa mga nag audition." tumatawang sabi ni Migs tsaka umalis.

Tinignan ko yung listahan kahapon, sobrang dami palang sumali kaya siguro stressed si Coach.

Ganon lang ulit ang ginawa namin buong umaga, lista ng gustong mag audition, yung iba nasayaw sa harap.

Hindi ko pa nakita ngayon si Allison, hindi naman ako pumapasok sa room namin since excuse ako.

Nakita ko si Aaliyah na papalapit.

"Pucha buhay ka pa girl congrats!" pang-aasar kong sabi sa kanya.

"Gaga busy nga kasi sa pageant, sayaw ako ngayon kahit solo."

"Sige ba. Teka lang tawagin ko si Migs."

Tatayo na sana ako pero nahilo ako kaya bigla akong napahawak kay Aaliyah.

"Oh ayos ka lang ba? Buntis ka? OH MY GOD ELLIE?"

"Ang OA mo, pano mabubuntis wala nga akong jowa."

"Charot, okay ka lang ba? Ang init mo, samahan kita sa clinic?"

"Hindi na gaga, na out of balance lang ako, dyan ka na muna. Ikaw nalang maghintay kay Migs, punta lang ako sa canteen."

Inayos ko ang gamit ko at nilagay ko sa bag. Nag liptint muna ako tsaka tumingin sa relo. 1 pm na pala kanina pa ako hindi kumakain kaya siguro nahihilo na ako.

Pagdating ko ng canteen, lalo yata akong nahilo sa nakita ko.

Sina Asher pati tropa niya kasama si Allison.

Hindi ko nalang sila pinansin, tumungo ako para hindi nila ako makita, dumiretso lang ako at bumili ng pagkain.

"Ate sisig po with rice, tsaka mango shake."

"Ate ako din po mango shake."

Nagulat ako sa nagsalita. Si Ethan.

"Umupo kana sa table namin, libre ko na yan."

Nagtago na nga ako nakita pa, kapag minamalas ka nga naman.

"Ipapatake out ko na yon, sa booth na ako kakain."

"Please? andon tropa mo oh si Allison."

Napatingin naman ako sa table nila at saktong lingon ni Allison. Kumaway siya sakin, nginitian ko naman siya.

"O-okay sige. Pero ako nalang magbabayad pagkain ko naman yan." nahihiya kong sabi.

"Libre ko na pumayag ka e, sige na punta kana doon ako na magdadala ng order mo."

Sinunod ko ang sinabi niya. Pumunta ako sa table nila. Napatingin naman ako kay Asher, tinanguan niya lang ako.

"Girl gosh I'm sorry hindi kita na-chat, I'm busy eh." Allison said.

"De wala fo na, ni hindi man lang inaya kumain oh? Aports ba yan?" pang-aasar ni Kai.

"Iba na talaga kapag Vice President tsk tsk" sabi ni Therence.

"Mas inuna niyo pang pag-awayin yang dalawa kesa pa-upuin si Ellie ha. Ellie dito kana sa tabi ko." sabi ni Evan

Tumawa naman sila. Umupo ako sa tabi ni Evan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Player's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon