Chapter 8
JERACE'S POV
"Ano ba kasing ginagawa natin dito?"
Kanina pa tanong ng tanong 'tong si Chenny. Nakaupo kami sa isang bench malapit sa gate para makita ko agad si Drain kapag pumasok siya..
" Aabangan ko nga si Drain."
"Kanina pa tayo dito no? Baka naman kanina pa 'yun nakapasok." Inayos niya ang buhok.
" Reklamo ka ng reklamo, dapat hindi ka na sumama!"
Ngumuso siya. "Eeh, gusto kong makita si Axel."
Inirapan ko na lang at sumulyap agad sa gate. Namilog ang mga mata ko nang makita ko siyang pumasok roon! Ang guwapo niya sa uniform!
" My gosh! Baby!" Tili ko agad.
Nagulat si Chenny at tumingin kung saan ako nakatingin.
" Hala, ang pogi nga ni Sir Drain!"
Inis ko siyang tiningnan. "Pogi siya?"
" Yup! " Kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi niya.
" Crush mo?" I raised a brow.
"Hmm me-" napatigil siya at agad na tumingin sa'kin. Masama na ang tingin ko kaya mabilis siyang umiling. "Hindi ah! Si Axel lang gusto ko no!"
I smiled at her sweetly. "Buti naman."
Nilingon ko si Drain at nanlaki ang mga mata ko nang lagpasan niya na kami! Grabe ang bilis maglakad!
" Tara na!" Hinatak ko si Chenny na nagulat pa.
" Aray ko naman! 'yung damit ko!" Reklamo niya.
Iniwan ko sa likod si Chenny at sumabay agad kay Drain. Hindi niya man lang ako sinulyapan at diretsyo lang sa paglalakad.
" Hi? Good morning! Ganda ng umaga no?" Tinaas ko pa ang dalawang kamay para ipakita ang ganda ng araw!
"Yeah. "
Napakamot ako sa noo ko! Badmood ba 'to? Ang tipid ah!
" Tipid na tipid ka naman." Tumawa ako. " Kumusta ka?"
" Parang hindi tayo nagkita kahapon ah." He smirked.
" Syempre, kahapon pa 'yun no! Iba na ngayon."
Umiling lang siya at hinigpitan ang hawak sa strap ng bag niya.
"Grabe. Sasagutin lang kung ayos or hindi! Alam mo mas matino ka talagang kausap sa chat. " reklamo ko.
" I'm fine. " He chuckled.
Inirapan ko siya. Sasagutin rin pala!
" Uy." Hinila ni Chenny ang bag ko.
" Ano?" Asik ko kaya agad siyang bumitaw.
" Ano ako, third wheel rito?" Tinarayan niya ako. " Saka 'yun ang building mo oh"
" Hatid natin siya. "
" Ay, babae na pala ang naghahatid ngayon." Ngumisi siya sa'kin kaya humarap na agad ako kay Drain.
" Sinong naghatid sa'yo?" Wala akong maitanong eh!
" Why? You'll replace, Mang Gara?"
Nasamid ako at natawa. " Yiee! Tanda niya 'yung sinabi ko kagabi!"
" Tsk, I just remembered it."
" Ganoon na rin 'yun no!" Ngumisi ako.
Tumingil siya saglit kaya nagtaka ako. Kumunot ang noo niya at tumingin sa'kin.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2)
Romance"Drain!" malakas na tawag ko sa gitna ng maraming tao. Hindi siya lumingon at dire-diretso ang lakad. Nakagat ko ang labi ko. Ayaw mong tumingin ah? "Baby!" I shouted. Ngumisi ako nang tumigil siya at tamad na lumingon. "What do you want?" Inis n...