CHAPTER 36

4.9K 76 13
                                    

Waah! Tutulog na ako! Huhu sakit ng mga daliri ko

Chapter 36

JERACE'S POV

Hinaplos ko ang buhok niya habang pinagmamasdan ang nakapikit niyang mga mata. Ngumiti ako at hinalikan ang noo niya.

Unti-unti siyang nagmulat. "Hey.."

"Hmm." Ngumiti ako.

Hinagilap niya ang kamay kong nakapahinga sa tiyan niya at hinawakan 'yon.

"Are you okay?" Nangunot ang noo ko. He sighed. "Kanina ka pang tulala. Mukhang malalim ang iniisip mo ah? Care to share, baby?"

Natigilan ako ngunit ngumiti rin agad. Hinaplos ko ulit ang buhok niya at umiling. "Ayos lang ako."

I lied.

I am not okay. Mula nang malaman ko ang tinatago nila Mommy at Daddy ay hindi na ako naging ayos. Palagi akong kulang sa tulog at minsan ay natutulala pa.

Paano ko natitiim na makasama si Drain gayong ako ang dahilan ng paghihirap nila.

Deserve ko ba siya?

Hindi ako makapag-isip ng ayos. Nagtatalo ang lahat sa akin. Gusto kong sabihin sa kaniya. Ngunit natatakot ako na kamumuhian niya ako. At maghihiwalay na naman kami. Ayoko.

Pero sobra-sobrang sakit at guilt ang nararamdaman ko sa tuwing nakakasama ko siya at nakikita kung gaano siya kasaya. Pinagdamot na nila Mommy ang hustisya sa kanila. Pati ba naman ang katotohan, itatago ko pa?

Paano kung hiwalayan niya ako?

At least nasabi mo, Jerace.

Nangilid ang mga luha ko. Agad akong tumingala at unang nakita ko ang kulay kahel na kalangitan. Papalubog na ang araw. Nasa park kami. Malapit sa amin. Nakahiga siya sa lap ko. Ilang araw na ang nakakalipas mula noong nangyari sa office nila Daddy.

"Drain.."

"Hm?"

"Paano kung malaman mo kung sino ang may kagagawan no'ng nangyari sa kapatid mo?" Wala sa sariling tanong ko. Nanatili akong nakatingala.

Hindi siya nagsalita. Dahan-dahan akong tumingin sa kaniya.

Kunot-noo siyang nakatitig sa akin. Huminga siya ng malalim. "Why are you asking?"

Kinabahan ako. "Wala lang. Naisip ko lang kung anong gagawin mo."

"Magiging patas pa rin ako." Umiwas siya ng tingin sa akin. "Kailangan nilang harapin ang batas at makulong. Kung ako nga ang masusunod, ako mismo ang magpapahirap sa kanila." Tiim-bagang na aniya.

Natahimik ako. Kumirot ang puso ko sa nakikitang galit at sakit sa mga mata niya. Nangingilid ang mga luha ko kaya nagbuga ako ng hangin.

Ganoon siya kagalit.

"Gusto mong makuha ang hustisya diba?"

Agaran ang pagtingin niya sa akin. "Of course, why?"

I smiled at him. "I will help you."

"Paano?" He chuckled. "Sari-sari na naman ang napasok sa utak mo baby. Halika na, iuuwi na kita." Tumayo siya at pinagpagan ang damit. Naglahad siya ng kamay sa akin ngunit nanatili akong nakatingin sa kaniya.

"Basta, akong bahala." Ngumiti ako.

Tumaas ang kilay niya. "Okay, pero iuuwi muna kita. Hapon na rin." Lumapit na siya sa akin at halos mapatili ako nang buhatin niya ako.

"Drain!" Hinampas ko siya. Tumawa lang ang loko at mas hinigpitan ang yakap sa akin.

"I love you, Jerace." Bulong niya.

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon