Pls be patient huhu. I was having a hard time these past few days at talagang hirap akong magsulat. Pasensya kung hindi ako araw-araw nakakapag ud. Hope u'll understand.
Chapter 39
JERACE'S POV
Pinikit ko ng mariin ang mga mata. Hinilot ko ang sintido at pilit na kinalimutan ang pangyayari kagabi.
Bakit ba kasi nakasama-sama pa ako kay April?!
At bakit pa niya kailangang lumapit sa akin?!
Inalala kong muli ang nangyari kagabi. At ang mga napag-usapan namin ni April.
Agad kong pinulot ang nalaglag na purse at binuksan ang pinto ng kotse.
"Teka! Papasok!" Mabilis na nakapasok si April sa front seat.
"May kotse ka diba?" Baling ko sa kaniya.
Umirap siya at binigay ang buong atensyon sa akin. "Yup! May dala nga ako. Pero mamaya! Pag-usapan natin 'yong nakita ko!"
Napapikit ako sa iritasyon at tumingin sa unahan. "Puwede ba, April? Wala lang 'yon."
"Sus. Halatang kabado ka! Ba 'yan,nakakahiya ka!"
"What?!" I quickly looked at her. "Natural lang na kabahan ako. Sinong mag-aakala na makikita ko siya roon?" I rolled my eyes. "Kailan pa sila nakabalik? Why you didn't tell me?"
Inismidan niya ako. "Ang alam ko, last month pa siya nakabalik. Pero siya lang. Hindi kasama ang parents niya. At bakit ako sinisisi mo ah?" Sininghalan niya ako. " I thought you didn't care? Diba? Sinabi mo 'yon?!That's why I didn't bother to tell you. "
Napanguso ako. "Bakit raw siya umuwi?"
"Ewan, tanong mo."
"Seryoso ako, April!"
"Seryoso pero ginago."
"Ano ba?!" Singhal ko.
"Galit na galit? Atat malaman eh. Napapala ng mga indenial." Huminga siya ng malalim. "Ang alam ko, siya na ang bagong CEO ng company ng Daddy niya. Iyong Red Anderson's Inc? About 'yon sa mga wine diba? Tapos may mga restaurants na rin sila. Siya na ang namahala no'n last year. Syempre kailangan niyang umuwi para mas maayos ang pamamalakad."
Napatango ako. So, grabe na pala ang narating niya ngayon. Kaya pala parang hindi ko na siya kilala.
May magandang epekto pala ang ginawa niyang pagpili sa mga magulang niya.
Ang alam ko, ang mahilig sa mga restaurants ay si Tita Erin kaya nagtayo rin sila.
Huminga ako ng malalim at napatingin sa labas ng sasakyan. Nangunot ang noo ko nang makitang lumabas ang pamilyar na lalaki.
S-Si Axel!
Lumapit siya kay Drain at saka sila nag-usap. Agaran ang pagyuko ko nang makitang lumingon rito si Axel at tumawa.
May pagyuko pa ako kahit alam ko naman na tinted ang sasakyan ko.
"Bakit?" Tumingin rin si April. "Nandiyan pala ang magpinsan."
"Alam mong nakauwi na sila! Pero dito mo pa talaga naisipang mag inom ah!"
Gulat siyang napatingin sa akin. "Hala! Bakit parang kasalanan ko? Malay ko bang nandito rin sila. Hindi ko kasalanan na nagkita kayo oy! Siguro, tadhana talaga 'yon."
Hindi ko siya pinansin. Pinanood ko ulit ang magpinsan. Nangunot ang noo ko nang may maalala.
Hindi kaya silang dalawa 'yong nasa harap ng coffee shop?
BINABASA MO ANG
The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2)
Romansa"Drain!" malakas na tawag ko sa gitna ng maraming tao. Hindi siya lumingon at dire-diretso ang lakad. Nakagat ko ang labi ko. Ayaw mong tumingin ah? "Baby!" I shouted. Ngumisi ako nang tumigil siya at tamad na lumingon. "What do you want?" Inis n...