CHAPTER 24

4K 73 3
                                    

Chapter 24

JERACE'S POV

Hindi pa rin ako nakakabawi sa text ni Drain kahit na kanina pa nagsimula ang game nila. Panay na ang pagwawala at paghiyaw ni April ngunit tulala pa rin ako.

Practice raw lang naman 'yon para sa foundation day ngunit mukhang sineseryoso nila 'yon.

"Oh my! Ang hohot nila!" Irit ni April sabay hampas sa akin.

Dalawang game lang raw 'yon dahil hapon na rin.

Nagsigawan ang mga babae nang maagaw 'yon ni Drain. Syempre isa na ako sa mga sumigaw.

"Shet! Ang pogi niya!" Rinig kong sambit nung nasa likod ko.

Nangunot ang noo ko.

"Huwag kang maingay! Marinig ka ng girlfriend!" Suway sa kaniya.

Napangisi ako. Nakakakilig naman!

"Psh! Sila na ba ah? Hindi ko nga alam na nanligaw si Drain sa kaniya!"

Aba't! Nanlaki ang mga mata ko at mabilis 'yong nilingon. Gulat sila pareho at sabay na nahihiyang nagbaba ng tingin.

"Hi dear. Excuse me lang ah? Hindi naman kasi lahat kailangan mong malaman." Mataray na sambit ko saka sila nginitian at umayos na ng tayo.

Narinig ko pa ang sisihan ng dalawa kaya napairap na lamang ako.

"Anong ginawa mo?" Si April na takang napalingon sa likod namin.

"Ang kakapal ng mukha eh."

"Gaga ka! Cheer na lang natin si babe mo oh!" Aniya at hinila na ako patayo.

Kinabahan naman ako at napatingin sa harap. Lamang ng limang puntos ang grupo nila Drain ngunit ich-cheer ko pa rin siya. Hinanap ko siya at ayun, nakatayo habang nakabantay sa kabilang grupo. Kagat niya ang t-shirt habang tumutulo ang pawis.

Bigla tuloy akong nanghina!

Pisti! Ang hot niya!

Huminga ako ng malalim at hinanda na ang boses at baga ko.

Nagkatinginan kami ni April at sabay na tumango.

"Go! Go! Go! Go, Drain!!!" Malakas na sigaw ni April.

Nakagat ko ang labi ko at natatawang tumingin sa kaniya. Hindi kasi ako sumabay. Napatingin sa amin ang iba. Kami lang kasi ang maingay sa mga nanonood.

Kunot-noong napatingin si Drain sa kaibigan ko kaya namula si April at inis akong hinampas.

"Gaga ka! Bakit hindi ka sumabay!" Hinampas niya ulit ako. Sinangga ko 'yon habang tumatawa. "Punyeta ka! Nakakahiya!"

"Sorry na! Nahiya ako bigla!"

Inirapan niya ako at tumigil na sa paghampas sa akin. "Pag si Drain nainlab sa akin, bahala ka. Walang sisihan ah?"

Ngumuso ako at hinatak ang buhok niya. "Tseh! Akin lang siya!"

"Tae ka! Maiinlab na 'yan sa akin." Tumawa siya nang sumimangot ako. "Gaga! Icheer mo na kasi! Nauna pa ako, tae talaga."

Tumawa ulit ako at nilingon si Drain na tutok na ulit sa game nila. Huminga ako ng malalim. Bakit ba kasi nahihiya ako?

Nagsigawan ulit nang maagaw ng kakampi niya ang bola. Mabilis na pumuwesto si Drain sa pang three points na puwesto at hinintay ang pagpasa ng kakampi niya.

Nang maipasa sa kaniya ay walang humpay ang tili at hampasan ng mga babae. Tumatalon na rin ako dahil kinakabahan ako!

Pinanood ko kung paano siya pumorma habang hawak ang bola saka 'yon pakawalan. Kagat niya ang labi habang inaantay na pumasok ang bola.

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon