CHAPTER 33

4.3K 69 5
                                    

Hi po! Pakibasa ng ayos! Baka malito kayo sa transition (whoa? May paganon? Haha!)

Chapter 33

JERACE'S POV

"Where are you going, Honey?"

I looked at her. "Sa cafe lamang po, Mom."

"Ah gano'n ba? Gusto mo bang samahan kita?" Alinlangan siyang ngumiti.

"Hindi na po, Mom. Kaya ko na po. Kukumustahin ko lang."

Bumuntong hininga siya at ngumiti sa akin. "Uhm. Okay, anak. Tawagan mo 'ko pag may kailangan ka."

Tumango ako at inayos ang hawak sa bag. Lumabas si Daddy mula sa dining area at asiwang ngumiti sa akin. Nilapitan niya si Mommy.

"What's wrong? Bakit nandito ka pa, Jerace? Akala ko patungo ka sa Cafe mo?" Takang ani Daddy.

"Hmm." I nodded. "Papunta na nga po ako." Lumapit ako sa kaniya at humalik sa pisngi. Ganoon rin kay Mommy na tinawag na ni Jayren. Ang bunso kong kapatid.

Kailan kaya namin mababalik ang dating samahan? Siguro naman, magiging ayos rin.

Dumiretso ako sa garahe namin at kinuha ang BMW na sasakyan. Sa wakas, puwede na akong magdrive.

Tumunog ang cellphone ko pagkasakay ko pa lamang. Ini-start ko ang sasakyan at sinagot ang tawag.

"Yes, Lou?" Sagot ko.

"Tsssk. Lou na naman."

Natawa ako. "Ayaw mo ba no'n? Ang cute kaya."

"Ayoko, Jerace. Pambabae." He sounded mad.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi para mapigilan ang lalong pagtawa.

"Napakapikon naman. Sorry na, Lou!" Pang-aasar ko pa. "Anyway, bakit ka ba napatawag?"

"Sa cafe ka ba pupunta?"

"Hmm yup. Why?"

"I'll visit you. Hmm, maybe later. Is that okay?" Puno 'yon ng pag-asa.

Ngumiti naman ako. "Oo naman. Hindi naman yata ako magtatagal roon."

"Alright! See you, then?" Tumawa siya. "Take care, Je!"

"Thanks. You too. Bye Lou." Rinig ko pa ang pagreklamo niya ngunit tumawa na lamang ako at pinatay ang tawag.

Huminga ako ng malalim at pinaandar na ang sasakyan palabas ng bahay. Nginitian ko pa si Mang Fred na kausap ang ilang driver namin. Ngumiti rin ang matanda pabalik.

Ganito na ang buhay ko makalipas ang limang taon. Sinong mag-aakala na ganoon kabilis lumipas ang mga taon sa akin?

Ngunit para sa akin. Sobrang bagal. Sobrang hirap.

Matapos ang unang hiwalayan namin ni Drain noon, ay hindi ko na siya muling kinausap. Panay ang tawag at texts niya ngunit hindi ko 'yon pinansin. Nagpalit na rin ako ng simcard ko.

Nag-away kami ni Mommy. Inamin niya sa akin na ginawa niya nga ang bagay na 'yon. Gusto niyang maging masaya ako kaya kinausap niya si Tita Erin ganoon na rin si Drain, na maging mabuti ang tungo sa akin. Kahit paulit-ulit niyang sinabi na ginawa niya 'yon dahil gusto niya akong sumaya, ay hindi ko kailanman natanggap. Bakit hindi ako masaya ngayon?

Nasasaktan ako sa tuwing iisipin na lahat ng pinakita sa akin ni Drain ay hindi totoo. Nakakatawa na tama pala ang mga hinala ko. Nahihiya ako. Hiyang-hiya sa sarili. Ano kaya iniisip niya no'ng mga panahong lunod na lunod ako sa kaniya? Siguro, pinagtatawanan niya na ako.

Hindi naging madali sa akin ang sumunod na mga buwan. Hirap na hirap ako sa pag-iwas kay Drain. Sa tuwing lunch break namin, nandiyan agad siya sa labas ng classroom naghihintay.

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon