CHAPTER 12

3.9K 68 0
                                    

Chapter 12

JERACE'S POV

"Wrong sent 'yun! Bakit pupunta pa rin tayo?" Reklamo ni April.

Hindi ko siya pinansin at inayos na lamang ang mga gamit at pinasok sa bag. Lunch break na at napagdesisyunan kong pumunta sa building ni Drain. Doon ulit kami kakain.

"Je!"

Kunot-noo ko siyang nilingon. " Ano?"

" Pupunta talaga tayo? Paano pag magkasabay 'yung dalawa?"

" Edi magsabay sila. Gusto ko lang naman siyang makita." Sinukbit ko ang bag ko at nauna ng lumabas.

" Hay nako. Wait!" Inayos niya pa ang bag niya saka sumunod sa'kin.

Naglalakad na ako pababa ng hagdan. Nasa likod ko si April na kung anu-ano na naman ang sinasabi. Hindi ko siya pinapansin.

"Bakit ba ganiyan? Akala ko ba boyfriend mo na 'yun?"

Napaikot ako ng mga mata. "Ikaw na rin nagsabi diba? Ayaw nga no'n sa'kin."

Tumawa siya. " Ay inamin niya na?"

" Tigilan mo na ako, April ah."

Napatigil ako sa paglalakad nang may humarang sa'min. Tatlong babae at mukhang mga matataray. Hindi ko sila kilala pero kung makatingin sila sa'kin ay parang may ginawa akong masama.

" Excuse me?" Sambit ko at lalagpasan na sana ngunit tumawa 'yung maikli ang buhok.

" Excuse me raw oh?" Ginaya niya ang boses ko. " You're Jerace right?"

Nangunot ang noo ko. Natigilan rin si April sa likod ko at nakatingin na sa tatlong ito.

"Yes, why?"

" Ito pala 'yung desperada." Sambit noong isa. Tumaas ang kilay ko. "Lapit ng lapit sa Drain natin at may balak pa yatang agawan si Ate Ash e!"

" Excuse me?" Mataray akong umayos ng tayo.

Hindi nila ako pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa mga linyahan nila.

"Kaya nga. Kaya tama lang na turuan 'tong batang ito."

Humakbang sila palapit sa'kin. Hindi man lang ako nakaramdam ng takot sa kanila.

" Layuan mo na si Drain. Dahil kay Ate Ash na siya."

" Iyan ba ang pinunta niyo rito?"

" Oo! At pag hindi mo 'yun ginawa, makakatikim ka!"

I laughed hard. " Really? Oh, I'm so scared!"

Sumama ang mukha noong isa at inis akong tiningnan.

"Huwag mo akong tinatawanan!"

" Psh! Nakatatawa ang rason niyo. May fansclub na pala sina Ash dito, ba't hindi ko alam?" Tumaas pa ang kilay ko.

"Pakialam mo ah? Basta layuan mo silang dalawa!" Gigil siyang lumapit sa'kin ngunit agad ko nang naitulak. Nahawakan siya nung dalawa at itinayo.

"Wait lang ah. Hindi kayo ang magsasabi sa'kin niyan. Sila lang." Pinagpagan ko ang kamay ko na naihawak ko sa damit niya. "Ang korny niyo. Nag-effort kayo talaga ah? Thanks! Ganda ko naman."

Tumawa si April sa likod ko. Tiningnan ko ang oras sa wrist watch at inis silang tiningnan.

"May sasabihin pa ba kayo? Dm niyo na lang ako ah? Late na ako e. " Inayos ko ang bag ko at nilagpasan sila. Hindi na naman sila humarang at tumabi pa.

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon