Chapter 15

809 22 1
                                    

              MASAMA ang kutob ko sa kung sino man ang may-ari ng sasakyan na narinig namin ni Liss. Mabilis kong itinago si Lissandra at nag-tungo sa pinto. Alerto ako sa kung ano mang balak ng bumisita sa lupa ko. Duda na talaga ako dahil ito ang unang beses sa loob ng ilang taon na may nag-lakas ang loob na pumunta dito.



Binuksan ko ang pinto, bumungad sakin ang tatlong lalaki na aktong kakatok na sana. Naningkit ang mga mata ko pero kalaunan ay ngumiti ako.



"Ano iyon?" bungad ko.




"Mga pulis kami, gusto lang namin malaman kung may nakita kabang ganitong babae? Natagpuan kasi ang sasakyan nito malapit dito." Nag-salita ang panot na leader siguro ng mga ito, kitang-kita ko ang mga ngipin nitong dilaw na dilaw dahil sa makapal na ngima. Pinakita nito ang larawan ni Liss.



Napangisi ako, pulis daw? Eh bakit mas mukha pang criminal ang mga ito higit sa lahat ay hindi sila naka-uniporme.




"Nako boss, pasensya na pero hindi eh." Sabi ko.




"Pwede ba naming silipin ang bahay mo?" Sabi ng isa pa nitong kasamahan na bato-bato ang katawan. Nag-tiim ang bagang ko, paano ko ba mapapaalis ang mga ito?




"Nako mga pogi, madumi kasi ang bahay ko. May mga tinatahi ako eh." Pina-lamyos ko ang boses ko at pinilantik ang mga daliri. Inawang ko ang pinto para makita nila ang mga mannequin at damit.



Ngumiti ako nang malagkit at lumapit sa may bato-bato ang katawan. Pinalandas ko ang kamay ko sa dibdib nito. "Pero pwede naman kayong mag-stay kung gusto nyo, hanggang gabi pa kung pwede." Pag-katapos ay kinindatan ko ito.




Nandidiri ako nitong itinulak. "Boss, mukhang wala nga dito. Tara na." Mabilis nitong niyaya ang mga kasamahan na umalis.




Pinanood ko itong sumakay sa itim na sasakyan at kinawayan ang mga ito. Nagawa ko pang mag-flying kiss. Malakas akong napa-buntong hininga nang mawala na ang mga ito sa paningin ko. Diring-diri ako sa ginawa ko kanina. Tumalikod ako at sinara na ang pinto.




Nag-dugtong ang kilay ko nang makita si Lissandra na humahagikhik. Kung ano-ano na ngang ginawa ko para protektahan sya, tatawanan pa ako. Lumabas na ito sa pag-kakatago sa sulok at pinipilantik ang mga kamay. Ginagaya nya ang ginawa ko. Lumapit sya sakin at pina-landas ang kanang kamay sa dibdib ko.




"Luka-luka." Sabi ko. Bumulaghit naman ito nang tawa. Natawa na rin ako sa itsura nito, pulang-pula tila kamatis. I guess, I'll have to stop pretending that I'm sick. May kailangan na kaming gawin ni Lissandra bilang pag-hahanda sa kung ano mang maaring mangyare.

Marked By The Beast (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon