Chapter 21

769 21 0
                                    

          NATAWA ako nang mag-tatakbo si Lissandra papuntang kwarto. She’s always thinking about doing naughty things but when I am about to make my move ay takot na takot sya na tila nababahag ang buntot. All I wanted is to treat her with respect and protect her, wala akong balak na pag-samantalahan sya.





Susundan ko na sana ito nang may kumatok sa pinto. I quickly got my American Deringger pocket pistol in the drawer, pwedeng ito na naman ang mga lalaking nag-punta noong nakaraan. Nilagay ko ito sa bulsa ko at inayos ang sarili.




I was stunned when I opened the door. It was Amanda, sa sobrang gulat ko ay hindi ko agad ito naitulak nang hailkan nya ako. I heard the unlocking of the door coming from Lissandra’s room kaya’t nahimasmasan ako at tinulak si Amanda.





“ZYVER! I MISS YOU SO MUCH!” Amanda said at lumambitin sa leeg ko.





Nag-dikit ang kilay ko. What is she doing here and how did she find me? “Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko habang tinatanggal ang naka-angkla nitong mga kamay sa leeg ko.






Nag-tuloy-tuloy ito sa pag-pasok at nakita kong nag-titigan sila ni Liss. Mabilis kong hinila ang kamay nito. “ANONG GINAGAWA MO DITO?!” I’m furious. What does she want?






Tinanggal nito ang pag-kakahawak ko. “I’m just checking on what’s mine.” Pagka-tapos ay ngumiti ito nang matamis.





Umiling ako. “I’m no longer yours Amanda, you lost me years ago.”





“Well, I promise to get you back.” Tumalikod ito saakin at hinarap si Lissandra na tulala.





“Hindi ko alam na nag-hire ka pala ng maid, ang panget naman nito.” She mocked Liss.





Tumalim ang tingin ni Lissandra dito. “I’m not his maid.”





“Oh sino ka naman sa buhay nya?”





Kinagat nito Lissandra ang labi nya, I noticed her teary-eyes. “I’m uh-h…I’m his uhm.”





“See, wala kang posisyon sa buhay nya. Where did you get this girl ba, babe?” Lumingon sakin si Amanda. Hinawakan ko ito sa pulso at hinigit palabas ng pinto.





“You’re not welcome here! Kaya pwede ba patahimikin mo na ang buhay ko!” I shouted at her face.





Ngumisi si Amanda. “Enjoy your last moments with your slut pero tandaan mo ito, babawiin kita.” Tumalikod ito at nag-lakad na palayo.




Mabilis kong sinara ang pinto at nilingon ang pwesto kanina ni Lissandra, ngunit wala na ito. Pumunta ako sa harap ng pinto ng kwarto nito but when I tried to open the door ay naka-lock pala ito. What is running in her mind? I hope that she didn’t misunderstand what she saw.






            I ran into the room after what Amanda told me. She’s right, wala akong posisyon sa buhay ni Zyver, I’m just someone na tinulungan nya. Tinakluan ko ng kumot ang self ko then I poured my heart out. Sobrang nag-huhurt yung heart ko like ouchie. I cried so hard, it’s my first time to fall inlove and it turns out to be an unrequited love. Something na walang kapalit.




Kaya siguro hindi gumagawa ng move sakin si Ver, it was because he still loves Amanda. Everything that he did for me was just because he sees me as a friend, nothing more, nothing less, that thought made me cry more. I guess it’s time for me to go home na.














Marked By The Beast (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon