Jennie's POV
ISANG magandang umaga ang bumungad sa akin. Maliwanag ang paligid, magandang tanawin at syempre magandang nanay ko.
"Hoy babae tumayo ka na dyan." nakuu! Iyan na naman ang nanay ko. Kala nasa kabilang baryo ang kausap kung makasigaw e.
"Ito na ma! Excited ka naman umalis ako noh." oo aalis ako. Luluwas ako para makapag aral sa pinapangarap kong school. Ang Shine International School. Alam ko naman na puro mayayaman at magaganda ang mga nag aaral dun at hindi ako nababagay sa ganaung lugar.
Pero walang tatalo sa fighting spirit ko. Pangarap ko ang makapasok dun, sasayangin ko pa ba ang chance ko.
Nabigyan kasi ako ng full scholarship. Nag pursige ako para lang makapasok sa ganung school. Atleast wala nang poproblemahin si nanay. Ay oo nga pala, nanay ko na lang ang nag aalaga sa aming maglapatid. Isa lang ang kapatid ko at lalaki pa. Kaya naman ang kulit kulit.
Anyway, mamaya pa ang alis ko. Siguro mga tanghali siguro. Ewan, hindi pa kasi ako handang iwanan yung nakasanayan kong lugar. Napamahal na kasi sa akin to e.
Okay tama na ang dramahan, mag aayos na ako para naman magkalaman ang tyan ko. Gutom na talaga ako e.
Natapos na ako maligo at kung ano ano pang gawain sa katawan. Kaya naman pumunta na agad ako sa lamesa para mag almusal.
"Ma nagugutom na ako." sigaw ko kay nanay. Ganyan naman lagi ako sa kanya. Kung baga lambing ko lang sa kanya ang sigaw ko. Minsan nga kinikilig pa sya e. Ewan ko ba kala mo teenager pa si mama e.
"Oh ito na nga. Excited ka naman kasi kumain. Nag ayos ka na ng katawan?"
Ito na naman si nanay e. Kasi hindi daw ako naglilinis ng katawan ko. Kaya naman nababahuan si nanay ko. Tingnan mo ng kahit nanay mo kinababahuan ka. Dabest ka nanay.
"Opo naman, anong akala nyo sa akin hindi naglilinis ng katawan." sabi ko.
"Ano ba sa tingin mo? Naglilinis ng katawan? Kasi palagi ka na lang nakikipag basag ulo." luh? Pinasok na naman ni nanay yung pagiging basag ulo ko.
Oo isa akong leader ng gang dito. Gulat kayo noh? Babae tapos leader ng gang. Pero yun talaga ang totoo. Tapos aalis pa ako sa lugar na to kaya hindi ko mababantayan sina nanay. Kaya naman inutusan ko yung mga tauhan ko na bantayan sina nanay.
"To naman si nanay. Hindi ka ba proud na makakapag aral na ang anak mo sa maynila"
Pagkasabi ko nun bigla na lang magbago yung itsura. Naging malungkot ang kanyang itsura.
"Oh bat ganyan itsura mo nay?" sinisugarado ko sa inyo. Magdadrama yan.
"Kasi naman mapapalayo ka na sa akin." oh diba mag dadrama na sya. Wirt matching paluha luha pa yan. Kaya naman nilapitan ko sa nanay.
"Wag kayong mag alala nanay. Magiging mabuti din ako dun. Wag na kayong mag alala. Lalo akong hindi makakaalis" pag comfort ko kay nanay.
Kaya naman tumahimik na sya at sabay kaming kumain. Mamaya pa naman akong tanghali aalis e.
Nagsimula na ang tanghali kaya naman oras na para umalis.
"Nanay, aalis na ako ah. Alagaan mo si butchoy. Ikaw din alagaan mo sarili mo." sabi ko kay nanay.
"Ano ka ba dapat nga ikaw yung mag ingat e. Maynila yun anak, wala ka pang alam sa lugar na yun." napaisip din ako sa sinabi ni nanay.
Ano kayang mangyayari sa akin kapag nakapunta na ako sa maynila? Magiging mabuti ba ang pagpunta ko dun o masama?
BINABASA MO ANG
The Dark Eyes Of A Girl
Teen FictionSya si Jennie Kane Chart. Isang babaeng mahirap at makikipagsapalaran sa maynila. Pangarap nya ang makapag aral sa isang sikat na school. Kaya nag sumikap sya. Kaso nung nakapag aral na sya sa maynila. Maraming nagbago, naging impyerno ang buhay ny...