Jennie's POV
Ibat iba ang mga naririnig ko sa kanila simula nung dumating yung tatlong lalaki na yun.
"Iyan na lalapitan ka na audrey" sabi nung katabi ni unggoy. Yung babaeng makapal ang make up. Unggoy na tawag ko sa kanya para madali.
"I know" confident na sabi ni unggoy.
Tiningnan ko naman yung lalaki na papalapit nga kina audrey. Pero pagkalipas ng ilang segundo hindi nilapitan si unggoy nung lalaki.
"Yan kasi assuming" bulong ko. Napatingin naman sa akin si kate.
"Mukhang parehas tayo ng iniisip ah haha"
"I think so haha" sabi ko na lang. Oh by the way, iniwan na pala kami ni sir kasi may aasikasuhin pa daw sya sa office. Kaya ngayon mga tambay lang kami sa room.
"I know pala ah" narinig kong sabi nung babaeng katabi ni unggoy.
"Shut up Wince!!!!" ay mukhang nagalit ata. Buti nga sayo!! Bagay lang naman sa kanya yan e.
Mukhang ngang nagalit si unggoy haha. Nag walk out sya e. Pano ba naman lahat sa kanya nakatingin. Napahiya siguro sya.
Anyway, nagpakilala na kanina yung tatlong lalaki. Yung nasa dulong upuan ay si enzo tapos yung katabi nya ay kenz yung pangalan tapos yung leader ata nila ay si..... Sino ba yun? Nakalimutan ko na. Shit! Bat ba pinapakialaman ko yun. Diba wala naman akong pakialam. Okay! I admit it gwapo sila, matangos ang ilong, maputi, mapulang labi, tapos yung mga mata nila kakaiba. Ewan kakaiba yung nararamdaman ko sa mata nila. Parang ang dilim, parang lagi silang manununtok.
Buti pa sila ang gagandang gwapo habang ako.....walang pinagbago. Isang babaeng mahirap, madumi ang katawan kaya tinatry kong maglinis ng katawan e, tapos kababaeng tao ang hilig makipag basag ulo.
Hayy yaan ko na nga. Pag aaral naman ang pinunta ko dito e. Hindi pag papaganda.
Tsaka ko na lang sasabihin ang pangalan nung isang leader nila ata. Hindi ko maintindihan. Hindi ko tinatanong si kate kasi mukhang malalim ang iniisip kaya bigla ko syang ginulat.
"Uyyy!!!!" sigaw ko sa kanya.
"Ayy shit!!" nabigla ata sya sa sinabi ko. Sinampal nya ako e. Ganun ba talaga kapag nagugulat?
"Ayy sorry jennie. Hindi ko sinasadya" may pag aalalang sabi nya.
"A-ah okay lang hehe" sabi ko na lang.
"Sorry talaga. Ikaw naman kasi ginugulat mo ako"
"Ang lalim kasi ng iniisip mo e. Ano bang iniisip mo?"
"A-ah wala to" sabi nya na lang. Hinayaan ko na sya sa iniisip nya. I learned a lesson to her. Don't scared her when she's in a deep thinking.
Tumingin na naman sya sa bintana at pinagpatuloy ang kanyang iniisip.
Kate's POV
Nagulat ako sa biglang dumating kanina. Nung nakita ko si kenz ay bigla ang namutla. He's my boyfriend but in a way na secret lang. Ayoko kasing malaman nina mom na meron akong boyfriend. Sabi kasi nila kapag college lang daw ako pede magka boyfriend. Pero nung dumating si kenz hindi ko na napigilan yung feelings ko.
Pati mga kaibigan nya hindi alam na may girlfriend sya. Anyway, he's so sweet, loving and caring. Lahat ginagawa nya sa akin. Kaya nga sya pumayag na secret lang e. Nung una tutol sya pero napapayag ko din sya.
Tungkol naman kay jennie, haist! Kung ano ano kasing iniisip ko nasampal ko tuloy sya. Ganun kasi ako kapag nagugulat hehe. Tiningnan ko naman sya na nakaharap na pero nakita ko yung pisngi nya. Shit! Napalakas ata! Namumula sya!
"Jennie tara sa clinic" nasabi ko na lang.
"Ha? Bakit? May masakit ba sayo?" pag aalalang tanong nya.
"Wala naman pero ikaw meron. Napalakas ata yung sampal ko yan tuloy namula"
"Yaan mo sya, suntok nga nakakaya ko e sampal pa kaya" sabi nya pero nagulat sya sinabi nya at biglang tinakpan yung bibig.
"Ha? Nanununtok? Sinong sumuntok sayo?"
"Ah wala yun hehe. May nakita kasi akong sinusuntok tapos muntik na akong matamaan nung suntok pero nailagan ko hehe" wow! Ang galing naman nya. Pero pansin koay tinatago sya sa akin.
"Hoy magsabi ka sa akin ng totoo. May tinatago ka sa akin noh" nakita ko naman sya na naging balisa at namutla. Gotcha! Huli ka ngayon. Ano kayang tinataho sa akin nito.
"Anong tinatago mo sa akin"
"Sige sasabihin ko sayo pero wala wag mo akong lalayuan ah" bigla naman akong kinabahan. Char! Bat naman ako kakabahan.
"Sige! Ano ba yun?"
"A-ah gang leader kasi ako sa probinsya. I mean ako yung pinakamalakas na makipag laban sa probinsya namin" bulong nya. Bigla naman akong napatingin sa kanya.
Pero sa hindi takot ako sa kanya kundi sa tuwa.
"Oh my gos--" hindi ko na natuloy yung sigaw ko kasi tinakpan na nya yung bibig ko.
"Wag kang maingay. Ayoko may nakakaalam. Tsaka please wag mo akong lalayuan ah. Ikaw lang naman kasi yung kakilala ko e."
"Sino ba may sabi sayo na lalayuan kita. Actually, natuwa nga ako e. May magtatanggol na sa akin haha"
Natawa naman sya sa sinabi ko at parang nakahinga ng maluwag. "Kala ko matatakot ka sa akin e"
"Hindi ah. Ang cool nga nun e"
Pagkasabi ko nun ay biglang naring ang bell. Hudyat na uwian na.
Jennie's POV
NUNG nag ring ang bell ay tumayo na agad kami para maghanap ng dorm.
Although may binigay na sa amin na number kung saan kaming dorm.Yung number na nasa akin ay 369 yung kay kate naman ay 370 so obvious naman na magkakatabi kami.
Nung nahanap namin yung dorm namin ay pinasok na gad namin. At nadatnan namin yung babae na nakaupo sa stidy table."Uh hi?" sabi ni kate.
"Ge pasok" sabi nya. Well mukhang masungit sya.
Pumasok na kami sa room at nag ayos agad ng gamit. Pero nung nag aayos na kami ay bigla may lumapit sa amin. Nakita ko naman yung masingit na babae pero hindi na sya mukahng masungit. Aba! Anong nangyari sa babaeng to? May bipolar disease ata to
"Ang hirap talagang magsungit hehe" sabi nya na kinagulat namin ni kate. Akala kasi namin masungit talaga sya.
"Anyway, I'm Chand Chandria Ched" ay hindi naman halata na mag ryhm ang pangalan nya noh."Ay bakit ganun pangalan mo? Magkakatunog" nasabi ko.
"Paki mo ba!!" kinagulat ko na naman kasi bigla na naman syang nag sungit. "Char!!! Kasi yung magulang ko e. Pinagtripan daw" sabi nya na masaya.
"Baliw" bulong ko. Buti na lang walang nakarinig nun."By the way, I'm Shane Kate Almirez and this is Jennie Kane Chart. Bago lang kami dito." pagpapakilala ni kate.
"What a nice name hahaha" tawa nya tsaka biglang tumayo para tulungan kami.Nung natapos kami ay isa isa kaming humiga sa kanya kanyang higaan. Si kate sa baba ako naman sa taas. Double deck kasi yung kama.
Then, si Chand ay sa kabilang kama.Hinayaan kong sakupin ako ng dilim. Inaantok na din kasi ako. Napagod ata ako sa araw na to.
-----------------------------------------------------------Hehe hello!!!!
BINABASA MO ANG
The Dark Eyes Of A Girl
Novela JuvenilSya si Jennie Kane Chart. Isang babaeng mahirap at makikipagsapalaran sa maynila. Pangarap nya ang makapag aral sa isang sikat na school. Kaya nag sumikap sya. Kaso nung nakapag aral na sya sa maynila. Maraming nagbago, naging impyerno ang buhay ny...