Chapter 08

5 2 0
                                    

Jennie's POV

Nakauwi na ako sa dorm pero wala akong naabutan tao. San naman kaya nagpunta yung dalawa?

Hindi ko na inisip yun kaya naman naghalungkat na agad ako ng damit na susuotin. Pero nung kukuha na ako may biglang nagbukas ng pinto.

Pumasok yung dalawa na tumatawa pa. Ano kaya ginawa ng mga to?

"Hoy! San kayo nag punta?"

"Huh?...Sa ka grupo namin, tama sa grupo namin. Syempre election na sa isang araw e kaya busy na kami."

Nako! Hindi nyo ako maloloko! Binalewala ko na lang yung sasabihin nila. Kaya dumiretso na agad ako sa cr. Pero napansin nila yung itsura ko.
"Hoy! Bat ganyan itsura mo!?" sigaw ni kate.

Hayy! Napansin pa, kunting lakad na lang e makakapasok na ako sa cr. Kaso napansin agad nila. "Ah...hehe" sh*t bat wala akong masabi!

"Hoy magsabi ka nang totoo!"

"Oo na!! Nung pumunta ako sa sinasabi nyong boy's house. Nakita ko yung hinahanap ko kaso ang bansot biglang tumakbo palabas. Kaya napilitan akong lumabas tapos dun nangyari ang buhusan." mahinahon na sabi ko.

"Hay! Nakahanap na naman sya ng biktima. Alam mo jennie, kapag binully ka nung lalaking yun. Maghanda ka nang mahabang pasensya. Mukhang buong sem ka nya bubullyhin e." sabi naman ni chand.

E ano naman kung ibully nya ako. Sanay na ako dyan, kaya naging matapang ako e.

"Wag kayong mag alala. Malakas ata tong kaibigan nyo." sabi ko na sila naman na napailing.

Bakit may nasabi ba ako?

"Ewan ko sayo! Masyado kang bilib sa sarili mo e."

"E kaya ko naman kasi e." pag iinarte ko pa. Pero hindi na ako pinansin, dumiretso na agad sila sa higaan.

Ano naman problema ng mga toh?

Hinayaan ko na silang matulog. Kaya dumiretso na ako sa cr para maligo. Nakakainis! Ano ba kasi yung nilagay nila sa akin? Ang dulas!!!

Natapos akong maligo nang maabutan ko yung dalawa na tulog na. Aish! Hindi man lang ako hinintay!

Bahala kayo, walang gigising sa inyo bukas. Tsaka dumiretso humiga at matulog

Nagising ako nang may tumama sa akin na liwanag sa labas. Ay umaga na pala, bakit ganun? Pag natutulog ka ang bilis lang?

Tumayo na ako para mag ayos. Pero yung dalawa ay may himalang ginawa! Gising na yung dalawa kasi wala na sila sa kama e.

Saan na naman nagpunta yung dalawang yun? Napapansin ko palagi na lang ako naiiwan

Aish! Bawal mag inarte ngayon. Nagmadali na ako mag ayos ng katawan. Sa loob ng isang linggo, medyo marunong na ako mag ayos ng katawan. Natuto ako mag ayos ng buhok,mukha at damit pero pang lalaki hehe.

Lumabas na ako nung natapos akong mag ayos. Naglalakad na ako sa hallway ng makasalubong ko na naman si bansot. Nakuu!! Kung hindi lang sya yung may ari ng school na to baka nasuntok ko na naman toh.

"Good morning Wall" sabi nya. Tumingin naman ako sa likod para alamin kung sino yung tinatawag nya. Pero wala naman tao.

"Oh sino tinitingnan mo?" sabi nya. Ako ba kausap nya?

"Hinahanap kung sino yung kausap mo." sabi ko naman. Pero lalo akong nainis nung bigla syang ngumisi.

"Stupid! Ikaw yung tinatawag ko!" sabi nya. Ako!? Bakit naman ako? Wall ba pangalan ko?

The Dark Eyes Of A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon