Jennie's POV
Natapos kami ng kumain sa canteen nang mabilisan kasi malalate na kami. Pano ba naman yung mga kasama ko nagkwentuhan pa tungkol dun sa love triangle na yun.
Ano bang meron dun? Normal naman siguro sa mga tao yung love triangle diba? O mali ako? Syempre ako tatanungin nyo e wala pa naman akong experience dyan.
Natapos ang klase na lutang kami. Tsaka yung dalawa, mukhang alam ko na yung pumapasok sa isipan ng dalawang to.
"Hoyy! Kayong dalawa! Alam ko yang nasa isip nyo ah! Tigil tigilan nyo nga yan!" sabi ko.
"E kasi naman bumalik na si Sam" sabi ni chand. Bale si chand kasi yung tiga kwento sa amin. Syempre matagal na sya dito e.
"Oh ano naman meron sa kanya?" tanong ko.
"Kasi sya yung queen dito sa school na to. Tapos ang kapartner nya ay si aluzer na first love ni aluzer" oh ano naman meron dun?
"Alam nyo wag nyo nang isipin yun! Isipin nyo yung pag aaral nyo" well sa aming magkakaibigan, ako yung pinaka palaaral. Pero pagdating sa suntukan, syempre go na go ako dyan.
Mukhang napapayag ko naman yung dalawa sa sinabi ko. Pare-parehas na kami lumabas ng room. Balak kasi namin na mag gala. Pero nung paglabas namin may nambayo sa akin ng....Ano to!?Ang lagkit naman ang p*ta!! Pagkatingin ko may nakita ako dilaw.... Dilaw? Ay ang mga shutang inamers!!! Itlog!!
Tiningnan ko naman agad kung sino ang nambato. Tumingin ako sa mga gilid gilid pero wala akong nakita kasi nababalutan yung mata ko nang itlog.
"Naku! Jennie malala ka na" sabi ni chand. Ano daw!? Malala na ako? Ano ako may sakit!
"Hoy! Wala akong sakit! Pano magiging malala?" napatapik naman ng noo yung dalawa. Bakit? Ano bang meron?
"Ang ibig kong sabihin, mukhang nagsisimula na si aluzer para gumanti sayo. Sya lang naman ang pwedeng gumanyan dito e." sabi nya. Aluzer? Ahh sa bansot!
"Edi yaan mo sya, sanay na naman ako sa bully." sabi ko. Totoo naman kasi, sanay na ako dyan.
"Kahit na! Babae ka pa rin noh" sabi ni kate. Kanina pa pala sya walang imik.
"Hayaan nyo na, kaya ko naman sarili ko e. Tsaka kapag alam ko na sumosobra na sya edi lalaban na ako. Okay?" pag papanatag ko ng kalooban nila. Halata kasi sa mukha nila ang pag aalala. Well hindi naman maiiwasan yun e syempre kaibigan mo.
"Okay, basta kapag may gonawa sya sayo sabihin mo agad sa amin ah" sabi ni chand. Napansin ko lang na sya ang pinaka malalahanin sa amin.
Tango na lang naisagot ko sa kanya. Wala na kasi ako maisip e. Kaya niyaya ko na lang sila sa locker room para magpalit. Sino pa ba magpapalit? Edi ako!
Tandaan mo bansot! MAY ARAW KA DIN SA AKIN!!!!
"O bat ganyan itsura mo? Para kang papatay ng tao! Nako malakas ka pa naman sumuntok!" natawa naman ako sa reaction ng dalawa. Para silang kinakabahan.
"O bat ganyan din mga itsura nyo? Parang kinakabahan?" sabi ko.
Natapos akong magbihis kaya naglakad na kami palabas ng locker room. "Eh kasi naman, nakakatakot ka! Hindi ka pa nga namin nakikita na makipaglaban!" sabi naman ni chand. Well gang leader ata to HAHAHA.
Habang naglalakad ako ay may biglang pumasok sa isip ko. Kasi nitong mga araw may nakita ako na nagtuturo ng martial arts, gusto ko kasi nun. Marami na akong alam sa martial arts pero gusto ko pang madagdagan. Kaya naisip ko na isama yung dalawa kapag nag enroll ako, para makita na nila ako makipag laban.
BINABASA MO ANG
The Dark Eyes Of A Girl
Novela JuvenilSya si Jennie Kane Chart. Isang babaeng mahirap at makikipagsapalaran sa maynila. Pangarap nya ang makapag aral sa isang sikat na school. Kaya nag sumikap sya. Kaso nung nakapag aral na sya sa maynila. Maraming nagbago, naging impyerno ang buhay ny...