Chapter 10

3 1 0
                                    

Aluzer's POV

Nagising ako nang maramdaman ko na parang lumilindol sa kama ko. Tiningnan ko naman agad yung oras.

Shit! Hatinggabi pa lang.

Pero patuloy pa rinang pag galaw ng kama ko. Lumilindol ba? Panigurado ko hindi.

Tumingin agad ako sa baba ng kama ko kasi double deck yung kama namin. Syempre ako nasa taas. Pag tingin ko sa baba, nakita ko si kenz na may kasamang babae at alam nyo na.
Sa halip na tingnan ko sila ay sumigaw na lang ako.

"Hoy kayong dalawa! Kung mag gaganyanan lang kayo dun kayo sa sahig. Nakakaistorbo kayo pota!!!" nagulat naman sila sa sigaw ko. Pano ba naman enjoy na enjoy nila yung ginagawa nila.

Kilala ko si kenz, sya yung taong mapaglaro sa babae. Pagkatapos nyang makuha itatapon na lang nya na parang basura. Si enzo naman, masayahin lang yang tao. Bale sya yung laging may energy sa amin. Tapos ako? Kuntento na ako sa buhay ko. May girlfriend na ako e. Tsaka ni minsan hindi ako nakipag siping sa ibang babae. Nakakahiya man sabihin pero virgin pa ako. As in lahat, wala pa akong nakakahalikan na babae. Oo wala pa!!

Wala naman akong pakialam e. Gusto ko lang naman ibigay yun sa babaeng mapapangasawa ko sa future. Amp! So gay!!!!

Mukha naman bumababa na yung dalawa kasi hindi na umaalog yung kama. Tanging naririnig ko na lang ay yung ungol nila. Sh*t! Ang ingay nila!!!

Pinalsak ko na lang yung earphones ko para hindi ko na sila marinig. Hinayaan ko na lang na lamunin ako ng antok hanggang sa natuluyan na.

Nagising ako nang may tumama sa aking liwanag. Pansin ko naman agad si enzo na tahimik na nag aayos ng katawan. By the way, sya rin pala ang palaging malinis sa katawan. Well, ako? Slight lang! Hindi naman mahalaga ang pupuntahan bakit pa ako mag aayos ng katawa.

Kaya mas maraming admirers yan kaysa sa amin dalawa ni kenz e. Syempre may girlfriend na ako, tsaka pinabawalan ni Sam na may dumikit sa akin kasi sa kanya lang daw ako.

Pero nitong mga nakaraang araw, napansin ko na nagiging madalas na ang paglabas nya ng campus. Tsaka tuwing tinatawagan ko sya palaging busy. Hindi ko alam! May unti unting pumapasok sa isipan ko. Pero hindi ako naniniwala hanggat hindi ko nakikita.

Bumababa na ako sa kama at dumiretso sa cr para maligo. Pero sa hindi inaasahan na pagkakataon, biglang pumasok sa isipan ko yung si jennie. Ano kaya pwedeng gawin sa kanya ngayon?

Natapos akong maligo na patuloy pa rin sa pag iisip. Wala kasi akong maisip na paraan e. Mamaya na nga lang! On the spot ko na lang sya paparusahan.

Nakapag ayos na ako ng katawan. Nakapolo ako ngayon ng Blue na nakabukas ang dalawang butones. Well, as always! Gwapo pa rin!!!
Nag eenjoy pa lang ako tingnan ang aking sarili ng may sumigaw sa akin.

"Boss!!! Tsaka muna tingnan yan mukha mo! Hindi na magbabago yan! Tanggapin mo na lang na mas gwapo ako sayo!" sigaw ni enzo na nasa pinto. Aba! Nagsalita ng gwapo amputa!!

Tiningnan ko naman sya ng masama. Natinag naman sya, ganyan ang panglaban ko sa kanilang dalawa. Kapag seryoso ako hindi nila ako iniistorbo buong araw. Napa-tss na lang ako sa kanya. Tsaka biglang naglakad papuntang labas.

Hinayaan na namin si kenz matulog. Mukhang pagod ang dalawa amp! Magkayakap pa rin e!

Inaamin ko na hinahanap ko yung ganung feeling pero hanggat kayo kong tiisin titiisin ko. Ewan ko! Bigla na lang kasi pumapasok sa isipan ko yun. Kung ano ba pakiramdam nun? Masarap ba? Sh*t!!!

Hindi ko na lang inisip yung ganung bagay.

"Booooooooosssssssssssss!!!!!!" nagulat naman ako sa sigaw nya. Kaya nasuntok ko sya sa mukha.

"Arghhh!!! P*ta yung mukha ko!!!!" sigaw nya. Bat naman kasi nanggugulat!?

"P*ta naman kenz wag ka nang sisigaw nang ganun!!" sigaw ko sa kanya.

"Argh!! Ako pa pala may kasalanan ngayon!" sinamaan ko agad sya ng tingin. "E boss kanina pa kasi kita tinatawag pero walang response. Naka sampung tawag na ako sa inyo pero wala e. Hindi umeepekto sayo yung charisma ko sayo" sabi nya. At ano daw? Sa akin eepekto charisma nya? Ano ako bakla!!??

"Hindi eepekto yan kasi hindi ako bakla." madiin na sabi ko. "Baka ikaw, baka tuwing gabi pinagnanasaan mo na ako" mapang asar na sabi ko.

"Gag*!! Hindi ako bakla! Baka si kenz HAHAHA" sabi nya. Tumawa na lang kami. Ganyan kami magkasundo dalawa.

Nakarating na kami sa campus na puro tawanan lang. Pero agad na nahigip ng paningin ko si jennie na mukhang nagmamadali. Tumatakbo kasi sya papuntang sa direksyon namin. Kaya nakaisip naman agad ako ng gagawin ko sa kanya.

Nung akmang lalampas na sya sa amin. Bigla kong hinarang yung paa ko sa tinatakbuhan nya kaya tumaob sya sa sahig kasabay ng pagtilapon ng mga gamit na nasa kamay nya.

Tatanga tanga kasi!

Pasimple ako tumawa, laya sumabay na rin ang mga nasa gilid. Nakita ko naman agad syang tumingin sa gawi ko.

Nakita ko yung mga mata nya na labis ang pagkagalit. Hindi ko maitatanggi na kinilabutan ako dun. Dali dali nyang pinulot yung mga gamit nya tsaka umalis.

Pero pag alis nya, may nalalag sa libro nya. Isang papel na maya nakaguhit na rose. Pero pansin ko na hindi basta pangkulay lang ang ginamit na pangkulay dito. Inamoy ko naman agad sya at dun ko napagtanto na dugo sya!

Sh*t! Bakit may ganto sya? Mamamatay tao ba sya? Bigla ako kinilabutan sa inisip ko. Napagpasyahan ko na lang na umalis sa lugar na yun. Pero napatitig na rin si enzo sa papel na hawak ko.

"Hoy! Natulala ka na dyan" sabi ko. Pero hanggang ngayon nakatingin pa rin sya sa papel na hawak ko.

"Hoy!!!!" ngayon sumigaw na ako na malakas. Mukhang bumalik naman sya sa sarili nya.

"Ay! Ano yun boss?" napa tss na lang ako sa kanya. Tsaka naglakad papuntang room

As always sigawan na naman sa room. Para ngayon lang kasi sila nakakita ng gwapo sa mundo. Sikat kasi kaming tatlo dito sa school na to. Eh natapat sa akin yung gantong mukha kaya isinisigaw nila ako.

Pero napansin ko naman agad si enzo na balisa at hindi mapakali. Kanina pa sya walang imik simula nung nakita nya yung papel na to. Hindi kaya may alam sya sa papel na to?

Akmamg magsasalita ako ay bigla syang umalis at sinabing... "Boss cr lang ako ah" tsaka mabilis na tumakbo. Weird ampota!!

Sinisigurado ko na hindi na to mababalik kaya jennie tong papel na to. Pero hindi maalis sa isip ko kung ano ang meron sa papel na to at kung bakit yung reaction ni enzo nung makita nya to.

Ano bang meron sayong babae ka? Sino ka?
-----------------------------------------------------------

Pls! Vote and comment. Thank you guys!!

The Dark Eyes Of A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon