Jennie's POV
Nung magising ako ay bumungad sa akin ay kulay puti na.... Langit? Nasan ako? Nasa langit ba ako? Bat ang puti.
Tumingin naman ako sa gilid at dun ko lang napansin na nasa bahay pala ako ng babaeng mayaman. Oo mayaman nga sya. Sabi kasi sa akin ay ang mga magulang nya raw ang may ari ng isa sa pinakamalaking mall dito sa pilipinas.
Habang nagmumuni muni ako ay may biglang nagsalita sa labas ng pinto. "Ahh maam, baba na daw po kayo sabi ni madam kate" sabi nya.
"Opo baba na po ako. Mag aayos lang po ako ng katawan."
Nag ayos na ako ng katawan ko ng mabuti para hindi naman ako masabihan ng mabaho. Ay oo nga pala ngayon ang pasukan namin.
Nung bumubaba na ako ay nakita ko maman yung babaeng mayaman. "Oh nandyan ka na pala. Tara na kumain na tayo para hindi tayo malate." sabi ni....kate ba?
"Sige, pero mag dodorm ka rin ba?"
"Ahh balak ko nga sana hindi na e. Kaso naisip ko na mas masaya kapag may kasama ako. Tapos dumating ka pa edi mag dodorm na rin ako. Sasabihin ko na lang kay mom"
"Ahh sige, pero ang swerte nyo noh" nasabi ko.
"Nako hindi naman hehe"
"No i'm serious. Ang swerte mo, buo ang magulang mo tapos mayaman ka pa"
"Aanhin ko naman ang yaman kung lagi naman wala lagi ang mga magulang ko" bigla na lang sya lumungkot. Aishh ang bobo mo kasi jennie e!!!
"Oh i'm sorry. I didn't mean that" yan tuloy napapa english na ako.
"It's okay hahaha" tawa nya. Syempre may halong lungkot yun.
"Tapos ka na ba? Tara na alis na tayo baka malate tayo. First day pa naman" wika ni kate.
"Oh sige, sana magkaklase tayo"
"I hope so"
Nakaalis na kami sa bahay at dumiretso sa pangarap kong school ang Shine Intednational School.
"Ang pangarap kong school" bulong ko.
Pumasok na kami at pumunta sa admin. Nagtanong tanong kami ng mga requirements at tsaka tiningnan kung saan kaming room.
G11-A
1. Jennie Kane Chart
Etc..
.
.
.
.
10. Shane Kate AlmirezYes!! Magkaklase kami. Kaya nagkatinginan kami at biglang sumigaw.
Nagtinginan naman sa amin yung mga tao. Pero ewan ko ba, kahapon lang kami nagkakilala pero parang sobra na yung close namin. Ang gaan ng loob ko sa kanya e.
Sabay kaming pumunta sa room namin. Nakita naman agad namin ni kate yung room namin. This is it! Bat ganun? Kinakabahan ako.
Pumasok kami sa room at naabutan namin ang mga estudyante na parang close na close talaga sila.Nagkakasatan pa nga sila e. Naghanap agad kami ng upuan ni kate ngunit nasa likod. As in likod na likod sya.
"Uyy may bagong tayong pagtitripan oh" sabi nung isang lalaki na nakaupo sa arm chair. Tiningnan ko naman sya.
"Oo nga noh, kaso ang panget naman nya HAHAHA" sabay sabay naman silang tumawa. Sige tumawa lang kayo. Hindi nyo pa ako nakikilala. Mukha lang akong hindi palaban. Gang leader kaya toh!!!
"She's so ugly!!! My god!!! How is she enter in this school!?" sabi naman nung babae. Mukha syang coloring book puro make up ang mukha tapos ang kakapal pa. Ano ba yan!! May ganyan palang tao noh?
Hindi na ako nakatiis, nung aakmang sasagot na ako ay biglang sumabat si kate. "Because the gate is open" mahinahon na sabi nya.
"Oh mukhang may kalaban ka na audrey!!" sabi naman nung nasa dulong lalaki.
"Shut up Clayton!!"
"Oh sabi ko nga tatahimik na" bat ganun? Takot ba sila sa babaeng yan? Wala naman nakakatakot dyan ah.
"I think scholar ka lang dito noh?" and so?
"Ano naman sayo? Porket scholar gaganyanin nyo na? Ano ba naman tong school na to. Ang gaganda nga ang sasama naman ng ugali." sabat naman ni kate.
Okay I like her attitude. Ay puta!! bat ba ako napapa english?
Hindi na namin pinansin yung babae. "Ang sama naman nung babae" nasabi ko na lang.
"Don't mind her. Ang panget naman nya" wika nya.
"Nako kung kilala nya lang ako haha" bulong ko.
"Anong sabi mo?" shit! Narinig ba nya? Hindi ko kasi pedeng sabihin sa kanya. Sya na nga lang yung pumapansin sa akin e. Baka kasi layuan nya ako kapag sinabi ko na gang leader ako.
"A-ah wala yun hehe" palusot ko sa kanya.
"Okay. By the way, sabay na tayong maghanap ng dorm natin mamaya ah. Dapat magakasama tayo sa room. Ayoko nang iba kasama ko."
"Sige ba basta ikaw HAHAHA" natawa naman sya sa sinabi ko.
Bat ba ang gaan gaan ng loob ko sa kanya? Nakilala ko na ba sya dati? Para kasing familiar sa akin sya.
"Uyy Jennie!!!!" sigaw nya.
"Ayy kabayo!! Bat ka ba nanggugulat? Ano ba yun?" sunod sunod na tanong ko. Pano ba naman kasi nanggugulat.
"Kanina pa kasi kita tinatawag pero ang layo ng isip mo. Nasa bahay pa ba yung isip mo?"
"Ah may iniisip lang kasi ako." magsasalita pa sana sya pero dumating na yung prof.
"Okay class, syempre first class kaya naman magpakilala na kayo lahat!!" aba galit ba tong sir namin? Makasigaw wagas
"Okay you first!" turo nya kay kate. Kasi kami yung nasa dulo kaya siguro sya yung natawag.
Tumayo naman agad sya at nagpakilala. "I'm Shane Kate Almirez. I'm 17 yrs. old. Blah blah blah" kung ano ano pa yung sinabi nya.
Ano ba naman tong si kate. Ang sabi magpapakilala lang pero hindi sinabi na mag speech.
Syempre si kate ang una at ako ang katabi. Alam nyo na kung sino ang sunod.
Tumayo na agad ako. Pero nung pagtayo ko pa lang may sumigaw na agad. "Booo!!!!!!!!" hindi lang isa ang sumigaw kundi lahat sila.
"Class quiet!!!" sigaw ng sir namin.
Buti nga sa inyo. "I'm Jennie Kane Chart." pagkasabi ko nun umalis na agad ako sa harapan.
Ang sabi lang naman kasi ay magpakilala e.
"Oh i thought you are also going to speech. Like ms. almirez." natawa naman silang lahat sa sinabi ni sir.
Tiningnan ko naman agad yung reaction ni kate. Nakasimangot naman agad si kate.
Nagpakilala naman agad yung iba. Pero hindi ko an pinakinggan. Hindi naman kasi ako interesado sa kanila.
"Okay we're done?" tanong ni sir.
"Not yet sir!" sigaw naman nung lalaki na nasa pintuan. Tumingin naman lahat sa kanya.
"Oh my gosh!! Andito na sya at magiging kaklase natin sya"
"Oo nga noh! Ang swerte naman natin" iyan ang mga sinasabi nila.
-----------------------------------------------------------😂😂😂😂
BINABASA MO ANG
The Dark Eyes Of A Girl
Teen FictionSya si Jennie Kane Chart. Isang babaeng mahirap at makikipagsapalaran sa maynila. Pangarap nya ang makapag aral sa isang sikat na school. Kaya nag sumikap sya. Kaso nung nakapag aral na sya sa maynila. Maraming nagbago, naging impyerno ang buhay ny...