Jennie's POV
Nagising na ako. Gaya ng nasabi ko kahapon, hindi ko sila gigisingin. Bahala sila! Matapos ko silang gisingin kahapon tapos maiiwan lang pala ako sa labas.
Kaya't naligo na ako at nag ayos ng katawan. Btw, marunong na akong maglinis ng katawan. Kaso hindi pa sa damit. Prefer ko pa rin talaga yung damit na panglalaki. Ewan ko ba kung bakit iyun.
Nung natapos na ako ay tsaka ko pang sila ginising. "Hoyyy!!! May sunog!!!" sigaw ko. Napatayo naman agad sila, dala dala ang mga kumot at unan. Pinigilan ko naman tumawa.
"Nasaan ang sunog!" kate.
"San ang sunog! Tara na lumabas na tayo" chand.
Hindi ko na talaga napigilang tumawa kaya tumingin sila sa akin na may pag dududa. "HAHAHAHA Nakakatawa talaga kayo!!!!" tawa ko sa kanila. Nakita ko naman yung expression nila na may pagka asar.
"Aba! Bumawi lang naman ako sa inyo kahapon noh! Matapos ko kayong gisingin kahapon!"
Napatahimik naman silang dalawa nang sabihin ko yun. "Oh sya maligo na kayo! Malalate na naman tayo!"
By the way, yung nangyari kahapon ay hindi ko pa rin nakakalimutan yun. Babawian ko talaga yung mag jowang yun. Akala nila gamun ganun na lang yun? No way!
Kahapon kasi hindi ko na nakuta yung dalawa at busy sila para tumakbo bilang council. Oo kasali silang dalawa tapos ako ito. Support na lang sa kanila.
Simula kasi nung napatawag ako ay dumiretso na ako sa dorm at hindi na pumasok sa kasunod pang subject. Pinanghinaan kasi talaga ako. Ayoko kasi talaga yung pinaglilinis!
Tapos ngayon pa mangyayari yun! Sana lang walang pasaway na estudyante. Baka hindi ko sila matantya at masuntok ko sila ng wala sa oras.
Natapos na silang dalawa at nag ayos ng damit. Napansin ko naman ibang iba ang damit nila kaysa sa akin. Girly talaga yung mga suot nilang dalawa pero yung sa akin boyish. Kaya siguro nasasabihan lagi ako ng tomboy. Pero FYI, i'm a girl!!! Di nga lang halata hehe.
Kaso ang kinatatakot ko ang mapansin talaga nila ang suot ko. Kapag ganun kasi ay pipilitin nila akong mapasuot nun which is ayoko talaga. Hindi ako kumportable sa suot ng mga babae.
Nakahinga naman ako ng malalim nung hindi nila napansin yung suot ko ngayon. Ang suot ko kasi ngayon ay nakapolo tapos naka pants. Isipin nyo na lang na pormahan sya ng mga lalaki. Kahapon kasi medyo okay pa yung suot ko. Naka tshirt lang ako kahapon e tapos naka pantalon.
Iba lang talaga ngayon. Panglalaki talaga sya. Anyway, ito na kami naglalakad papunta sa room na tahimik. Mukhang galit ata sila sa akin hehe. Kaya binasag ko na ang katahimikan.
"Uh guys!" sabi ko. At aba! Pati ba naman yun ikakagulat din nila?
"Ano ba yan Jennie! Manggugulat ka na lang ba lagi!?" okay galit na talaga sila.
"Luh? Hindi naman ako nanggugulat ah. Para kasing ang lalim ng iniisip nyo e. Wala tuloy akong kausap" sabi ko sa kanila. Kita ko naman sa mga mukha nila ang guilt.
"Wag mo na kaming problemahin. Nakakapagod kasi yung ginawa namin sa kahapon" sabi ni kate.
"Oo nga, try mo kayang humabol din para magkakasama na tayong pagod." sabi naman ni Chand. Ay ano ka dyan! Mas pipiliin ko na lang na mag aral kaysa humabol bilang council noh!
"Naku! Wag na kayo na lang!" nasabi ko.
Maya maya lang ay nakarating na kami sa room at sabay umupo sa dulo. At ngayon lang namin makakasama si chand sa room kasi ngayon lang sya pumasok. Marami daw kasi sya ginawa kahapon.
BINABASA MO ANG
The Dark Eyes Of A Girl
Teen FictionSya si Jennie Kane Chart. Isang babaeng mahirap at makikipagsapalaran sa maynila. Pangarap nya ang makapag aral sa isang sikat na school. Kaya nag sumikap sya. Kaso nung nakapag aral na sya sa maynila. Maraming nagbago, naging impyerno ang buhay ny...