Jennie's POV
Pagmulat ng mata ko ay nakita ko ang kisame na puti. Tsaka ko lang naalala na nasa dorm nga pala ako. Kaya't napag isipan ako matulog uli.
Akmang tutulog uli ako ay tsaka ko lang naalala na may pasok kami ngayon.
Bumababa na ako na ako sa kama. Aba!! Ang tindi ng tulog ng mga to ah. Mukhang masarap ang panaginip. Pano ba naman kasi, si kate yakap yakap yung unan nya tapos......nakangiti. Naimagine nyo ba?
Tapos tiningnan ko naman si chand. Ayun maginhawa din ang tulog nya. Ano ba yan! Hindi ba nila alam na may pasok ngayon?
Gigisingin ko na sana sila kaya lang kusa na silang nagising. Aba! May gana pa silang mag inat ha! Aba late na kami noh!!
"Hoy! Ano mag uunat na lang ba tayo? Wala ba tayong balak pumasok?!" sigaw ko. At mukhang nahimasmasan naman sina kate at bigla na lang silang napatayo. Oh ano kayo ngayon!
Maya maya lang ay nawala na sila sa paningin ko.
"Aba! Hoy! Ako naunang nagising kaya dapat ako maunang maligo."
Ang titibay din pala ng mga toh. Matapos ko silang gisingin tapos ako pa maiiwan dito. Dalawa lang kasi ang cr dito. E sa kanila napunta yun.
Sa susunod talaga hindi ko na sila gigisingin.
Maya maya labg natapos na sila. "Jennie! Salamat sa paggising sa akin" sabi ni kate.
"Walang anuman" saracatic na sabi ko. Nakakainis kasi!! Ngayon lang tuloy ako maliligo. Mukhang malalate kami ngayon ah.
"Jennie! Una na kami ah! Tinatawag din kasi kami ng principal" sabi nilang dalawa.
"Sige!!!!!!!!!" sinigaw ko talaga ng malakas. Kaso mga walang konsensya ata yung mga yun. Mga manhid!!!
Natapos na ako sa pag aayos ng katawan ko. Kaya naman umalis na ako sa dorm. Nilock ko na yung pinto namin mg dorm.
Pagkatapos kong ilock ay nagsimula na akong maglakad papunta sa room ko. Pero habang naglalakad ako ay nakasalubong ko yung lalaki na hindi ko matandaan yung pangalan. Pero mukhang badtrip ata tong lalaki na to. Palagi ba naman nakabusangot!!!
Kaya kaysa pansinin ko sya at tinuloy ko na lang yung paglalakad ko. Pero pag hakbang ko pa lang ay bigla na lang akong natumba. Tiningna k naman kung sino yun.
Aishh! Sino ba naman yun!? Ang sakit ah! Pagkakita ko pa lang sa kanya ay bigla na lang umusbong yung galit ko pero naalala ko pala na scholar lang ako dito. Baka mapatalsik ako dito kung labanan ko ito.
Kaya kaysa makipagtalo ako sa kanya ay hinayaan ko na lang sya. At nagsimula na ako maglakad. Kaso nahihirapan na akong maglakad.
Puta ka talagang lalaki ka!!!!!!! Humanda ka sa akin kapag ginawa mo pa sa akin toh. Makakasalubong mo yung kamao ko!!!!
Nung makarating ako sa room ay wala akong nadatnan na kate dun kaya nagiisa ako sa likod.
"Oh kawawa ka naman poor girl. Walang magtatanggol sa iyo ngayon" sabi ni unggoy. Ewan ko kung ako yun ah. Pero base sa tingin nya ay ako nga yung pinapatamaan nya.
"Alam mo kahapon pa ako nanggigil sa iyo e" sabi nya tsaka ako sinabunutan.
Ughh!! Ang sakit ah! Samu't saring kalmot at sabunot ang inabot ko sa kanila.
"Ahhh!! Ang sakit na!!!" sinusubukan kong pigilan sila kaso ayaw nilang papigil. Pag to tumagal wala na akong magagawa.
"Yan ang nababagay sayo! Poor, salut, panget!!!" pasalamat ka sanay na ako sa ganyang panglalait. Kaya sa sobrang panggigil ko na ay hinawakan ko na syang sa braso at akmang ibabalibag ay biglang dumating yung lalaki. Tapos maya maya....
Aba't!!! Ako yung nasaktan, ikaw ang umiyak!! Nag tuloy tuloy lang sya umiyak. Pero may napansin ako, habang umiiyak sya ay nakatingin sa dun sa lalaking bansot!!
"Aluzer sinaktan nya ako" naiiyak na sabi nya.
Pero hindi sya pinansin ng walang hiyang lalaki na yun!!! Nagtuloy tuloy lang sya sa upuan nya. Buti nga sayo!
Pero maya maya lang ay may biglang sumulpot sa harapan namin.
"Sa susunod, hindi mo kailangan manakit ng iba para makaganti sa akin" sabi nya. Ano daw!? Anong gaganti? Sa kanya!? No way!
"Hoy sino may sabi sayo na gaganti ako sayo?" bigla naman syang natinag sa sinabi ko. Kala ata nya ginagantihan ko sya. Hindi ako katulad mong bansot!!
"Eh ano yang ginagawa mo? Alam mo naman girlfriend ko yang sinasaktan mo!" sigaw nya sa akin. Ano!? Girlfriend!? Itong unggoy na to!?
"Ito girlfriend mo? Yang unggoy na yan?" yan lumalabas tuloy yung pagkabitch ko. Pero naagaw yung atensyon namin nung may pumasok sa room.
"Anong nangyayari dito!?" sigaw sa amin ng principal.
Magsasalita na sana ako pero naunahan na ako ni unggoy.
"Sya po kasi nanguna!" sumbong nya. Aba! At ako pa talaga! Gago pala tong unggoy na to e!
"Hoy anong ako!? Hoy sabihin nyo naman sa kanila kung sino ang nanguna" pagmamakaawa ko sa kanila. Pero narealize ko. Bago lang pala ako dito syempre papaburan nila sila unggoy. Aishh! Ayokong matanggal dito!!!
Humanda ka sa akin unggoy ka!!
Nang walang magsalita sa kanila ay bigla na lang nagsalita yung principal. "Come with me Ms. Chart." sabi nya. Natakot naman ako sa sinabi nya. Kahit sino naman matatakot kapag pinatawag ka nang school principa diba?
Nung paalis na ako binigyan ko nang masamang tingin yung unggoy tsaka si bansot. Pero isang nakakaasar na ngiti ang nakita ko sa kanilang dalawa. Humanda talaga kayo sa akin pagbalik ko!!! Wala na akong pakialam! Kung bitch si unggoy mas bitch ako sayo! Tandaan mo unggoy ka hindi mo pa ako kilala. Bukas na bukas mararamdaman mo ang tamis ng suntok ko.
Ngayon sumusunod na ako sa principal. Binasag ko na ang tahimik naming paglalakad. "Oh principal, papaalisin nyo na ba ako dito?" tanong ko.
"Ano ba sa tingin mo?" bigla naman akong kinabahan sa malamig na sabi nya.
"E hindi naman po kasi ako yung nagsimula. Yung babaeng unggoy po yung nagsimula" pero hindi ako pinakinggan nung principal.
"Wag kang magaalala, hindi kita papaalisin dito. May nakatakda lang sayo na parusa" magtatanong pa sana uli ako kaso nakarating na kami sa office nya.
"Ano naman pong parusa yun?" kahit kinakabahan ako ay linakasan ko pa rin ang loob ko.
"You're responsible of the cleanliness of your room, sa madaling salita maglilinis ka nang room nyo. For almost a week. 1 week i think." gumuho naman yung mundo nung sinabi nya yun. Ang pinakaayaw ko kasi yung naglilinis! Maglilinis pa mandudumi din naman!!
Pag uwi ko sa dorm ay paulit ulit na pumapasok sa utak ko yung sinabi nya.
You're responsible of the cleanliness of your room
You're responsible of the cleanliness of your room
You're responsible of the cleanliness of your room
Ahhh!!!! Tumigil ka na! Ganun ba talaga kapag ayaw mo talaga maglinis. Nag eecho yung sinasabi?
Inantok na ako sa kakaisip nun kaya nahiga na ako sa higaan at hindi pinansin sina kate
Siguro ihahanda ko na lang yung sarili ko bukas kung ano ang mangyayari.
-----------------------------------------------------------Don't forget to vote and comment!!!!
BINABASA MO ANG
The Dark Eyes Of A Girl
Fiksi RemajaSya si Jennie Kane Chart. Isang babaeng mahirap at makikipagsapalaran sa maynila. Pangarap nya ang makapag aral sa isang sikat na school. Kaya nag sumikap sya. Kaso nung nakapag aral na sya sa maynila. Maraming nagbago, naging impyerno ang buhay ny...