Chapter 5 (Part 2)-"Where am I?"

11 1 0
                                    

>Anica's POV<

Pinilit kong ibuka ang aking mata,sobrang sakit ng ulo ko. Yung feeling ng parang may mga karayom na tumutusok sa ulo mo.

Panaginip lang ba yun?. Tanong ko sa sarili ko sabay dali-daling tinignan ang singsing sa kanang kamay ko.

Andito pa din siya. Suot-suot ko pa din. So panaginip nga lang??

Hinilot ko ang sentido ko. Ano bang nangyari kagabi? .Wala akong maalala.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

O_O. Napamulat ako ng ganyan ng makita ko ang suo-suot kong malaking t-shirt. Hindi ko maalala na may ganito akong t-shirt.Hindi ko din maalala na king size bed ang kama ng hotel na tinutuluyan ko. At... at... HINDI ITO ANG KWARTO KO!!!!

Napatayo ako bigla ng marealize ko na nasa ibang kwarto ako.  

"Nasan ako??!!!"pasigaw na sabi ko.

Nakaramdam ako ng kaba.

Nasa ibang kwarto ako at iba na ang suot ko. Hindi kaya?????

Pinakiramdaman ko ang pagkababae ko ngunit wala naman akong masakit na nararamdaman.

Oo tama kayo. Isa pa po akong birhen. At wala akong pake kung di kayo naniniwala kahit 8 years na kami ng boy..ng.. ex ko. Hindi lang halata pero conservative po ako.

Mabalik tayo... Nasan ako?? Inusisa ko ang kwarto ngunit walang bakas ng pagkakakilanlan kung kaninong kwarto to.

Napagdesisyunan kong lumabas ng kwarto. Ipipihit ko na sana ang door knob ng kwarto ngunit kusa ito bumukas at inilabas nito ang isang half-naked slash gwapo slash isang anghel na lalaki. Sa sobrang gulat ko sa kanya eh napatalon ako at muntik ng matumba ngunit may pagka-flash ata itong si gwapo kaya nasalo nya ako.

>tug-tug-tug-tug-tug<

Naramdaman ko ang lakas ng kabog ng dibdib ng lalaking nakayakap sa akin.

0_0   >     0o0   >  

ganyan po ang itsura naging reaction ko.

Nagsimula po sa gulat na humantong sa gulat na gulat..

"Bastos ka!!!!! manyak!!!!"sigaw ko sabay na pagpupumiglas na kumawala sa kanya.

"What???!!!!" sagot naman nyan.

"Pervert!!! Why are you touching my butt??!!!" pasigaw na sabi ko kaniya

"I'm not a pervert, I'm just protecting you for falling on the ground. You should've thanked me instead"

"Wow ha!!!! Ano.." napatigil ako ng marealize ko kung sino ang lalaking nasa harap ako."Teka ikaw yung sa airplane... yung.. yung.. si Bethany..."

"My name is not Bethany it's Paulo. Bethany is my..."

"Oo na!! oo na!! Girlfriend mo... At teka nakakaintindi ka ng tagalog?"pag-usisa ko sa kaniya

"Yes. at nakakapagsalita din ako ng tagalog" sagot nya.

Ang walangya. Nakakapagtagalog naman pala. Pinahirapan pa ako mag-english nun. Pero teka... teka... anong ginawa nito sa akin??

"What did you do to me??!!! Manyak ka talaga anong ginawa mo sa akin? Akala ko mabait ka,papanyo panyo ka pa yun pala may masama kang balak sa akin" Sabi ko sabay atras ng marealize ko ang maaari nyang ginawa sa akin.

Imbis na sumagot eh,naglakad sya paabante sa akin. Kada atras ko kasunod naman ng pag-abante nya hanggang sa wala na ata ako maatrasan.

Dahan-dahan kong kinapa ang nasa likod ko at napashit nalang ako sa isip ko ng makapa kong upuan nalang ang nasa likod ko.

"Don't touch me!!" mahinang sabi ko sabay pikit. Ngunit lumipas ang ilang segundo ngunit wala namang nangyari.

Unti-unti kong binuksan ang aking mata at nakita ko ang natatawang lalaki sa harap ko na naka suot na ng tshirt na kapareha ng suot ko na kinuha nya sa upuan na nasa likod ko"Hahahaha. Disappointed ka ba?" pang-aasar na tanong nya sakin.

Shit lupa. Kainin mo nalang ako please?? Panalangin ko.

"Wow!!! ako!!! ako!!! disappointed??!!! kapal!!! hindi kita type. baka nga kung ano ng ginawa mo sa akin eh. Bakit ba ako nandito?? Sino ka ba??? Where am I???"sunod-sunod na tanong ko sa kanya para di na nya mapansin ang pagkapahiya ako.

Tumawa ang gwapong lalaki sa harap ko. 


" Oh easy! Can you calm yourself? If I have something to do with you I would not mind bringing you here and... "

" and what? "tanong ko.

" wala. Wala ka bang naaalala? "pagtatanong nya sa akin

Teka. Ano nga bang nangyari? Ang naalala ko nagpakalasing ako and may kumuha sa aking lalaki sa bar and.. and tinapon ko ang singsing ko?Pero panaginip lang yun kasi nandto pa din ang singsing ko.

" I thought I lost you..... ". biglang nagflashblack sa isip ko ang nga salitang yan. Hindi ko alam pero parang nangyari at narinig ko talaga yan..

"Nagpakalasing ka and I just saved you from an asshole guy. So you should be thanking me instead of accusing me" sabi nya sabay tayo at aakmang lalabas ng kwarto

Nakafeel naman ako ng guilty sa sinabi nya. Tama naman sya kung may ginawa sya sa akin edi sana may nararandaman na akong masakit pero wala naman at mukhang maayos naman ako.

"wait!" pag-awat ko sa kanya na dahilan naman para tumigil sya sa paglabas.

"sorry and... and.   thank.. thank you..." mahinang bulong ko.

"ano ulit?" tanong nya na may pang-aasar.

"ah wala basta! nasabi ko na" sabi ko sabay irap

"wow! so kasalanan ko pang mahina ka magpasalamat?grabe. ganyan na ba mga tao ngayon tinulungan mo na nga tapo....

"THANK YOU. THANK YOU THANK YOU. o ano oka na ba?" pagsabat ko kanya.

Napangiti sya.

"tska don't worry wala din akong balak sayo mas gusto ko mga cup c instead of cup a" dagdag nya sabay tawa

😳😳😳😳😳😳😳😳😳😳😳😳😳😳😳😳
😣😣😣😣😣😣😣😣😣😣😣😣😣😣😣

binato ko sya ng unan. ngunit bago ko pa mabato iyon ay naisara na nya ang pinto. Walanghiyang manyakis yun.

"hayyyy! ano bang pinaggagawa mo Anica!" saway ko sa sarili ko.

Ngunit napangiti ako ng bahagya. Kahit papano, kahit saglit. Nakalimutan kong nasasaktan pala ako...

>End of Chapter 5 (Part 2)<

You're my RAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon