>Anica's POV<
Cynthia:"Anica si Vince. Ikakasal na bukas"
Namanhid ang buong katawan ko kasabay ng unti-unti pagbagsak ng malalaking tipak ng ulan sa kalangitan. Hindi ako makakilos.
Nanaginip ba ako. Totoo ba ito?
Unti-unting nanumbalik sa aking isipan ang magagandang alaala namin ni Vince. Nung una ko siyang makita, nung una kaming magkausap, nung sinagot ko siya, nung una naming anniversary at nung unang beses nyang isinuot ang engagement ring sa aking daliri
Akala ko... akala ko panghabang buhay na saya na yun. Akala ko panghabang buhay na kami ni Vince.
"Kuya isa pang Jack and Coke" utos ko sa bartender.
Inabutan nya ulit ako ng isang baso at nilagok ko ito agad. Sumenyas ako ng isa pa. Ramdam ko na ang hilong bumabalot sa aking pakiramdam pero wala akong pakeelam.
Wala na akong pakeelam.
Kasabay ng pagbuhos ng malalakas ng ulan ay ang pagtakbo ng mga tao papunta sa silong.
Kinuha ko ang basong inabot ng lalaki at agad itong ininom. Kinuha ko ang pera sa aking pitaka at iniwan ito sa lamesa.
Naglakad ako sa gilid ng pool. Hindi ko alam kung ako lang ba to o talagang hindi pantay ang sahig, o siguro dala lang ng kalasingan kaya feeling ko lubak lubak ang aking nilalakaran.
Unti unting nagbagsakan ang luha sa aking mata. Tuloy tuloy at kahit pilitin kong pigilan ay hindi na ito sumusunod sa akin.
"Vince, vince siguro.. siguro nga talagang gusto mo ng makawala sa akin" umiiyak kong sabi sabay upo sa gilid ng pool
Inilublob ko ang aking paa sa tubig at tumingala...
"Mommy, mommy hindi ko na kaya. Ang sakit sakit na mommy. Ang sakit sakit na. Bakit ganun... bakit ganun palagi nalang akong iniiwan. Una si Daddy, tapos ikaw, tapos ngayon si Vince. Hindi ko ba deserve na maging masaya? Ang gusto ko lang naman... ang gusto ko lang naman magkaroon ng masayang pamilya...pero...pero Mommy wala na... wala na... yung taong akala ko makakasama ko iniwan na din ako. Mommy ayoko na... ayoko na... kunin mo na din ako mommy... ayoko na mommy..... "iyak ng iyak kong sabi.
Napatitig ako sa pool... At waring may tumutulak sa aking isipan na gawin ang isang bagay. Isang bagay na alam kong mali... isang maling bagay na tatapos sa sakit na nararamdaman ko...
Tumingin ulit ako sa langit at hinayaan ang katawan kong mahulog sa tubig na nasa harapan ko...
------------------------------------------------------------
>Paulo's POV<We are now here partying in the middle of the afternoon. Hapon pa lang pero it feels like nagsisimula na ang night life sa Bora.
CJ and I were chilling on the side of the pool in our hotel. Hindi nyo natatanong, CJ is the son of the owner and he is going to be the owner of this hotel SOON, where I am staying so madalas busy itong best friend ko buti nga nakahanap ng free time to ngayon. They were doing some preparation here because magkakaroon daw ng event mamayang gabi which is madalas nilang ginagawa, kasi mas nakakahakot sila ng customers if madaming paganap sa isang hotel.
"Alam ko na kung bakit gusto mo dito tumambay" sabi ko sabay ngising tumingin kay CJ
"Hoy nagbago na ako" mabilis naman nya na sagot sa akin ngunit napansin ko ang mga malalagkit na titig nya sa isang sexy na babaeng foreigner na tinititigan din siya.
Likas kasi na babaero tong kaibigan ko mula pa noong highschool kami kaya alam ko na ang mga iniisip nito. Sa katunayan nga sa sobrang kilala ko na siya iisipin palang nya alam ko na
"Wala akong sinasabi ha..."tumatawang sagot ko sa kanya..
"Waiter bring us 2 tequilas here" utos ni CJ sa isang waiter..
"Ang aga naman nyan bro" suway ko sa kanya
"Ano ka ba bro.. Minsan lang to. Look o, this is life!! Nakaupo ka dito, chumichillax habang pinalilibutan ka ng nagssexyhang babae" ngisi ngisi nyang sabi sa akin
Napailing ako. "Sabi ko na nga ba kaya mo ako inaya dito dahil jan."
"Ano ka ba bro. Time mo to para magrelax. You have a lot of time and a looot of choice here. Tignan mo o yung hot na babae na yun kanina ka pa tinitignan "sabi nya sabay nguso sa isang babaeng kanina pa nga akong tinitignan.
"Bro, I told you hindi ako naghahanap ng babae dito at " napatigil ako sa pagpapaliwanag ng naramdaman namin ang malalaking tipak ng ulan na unti unting bumabagsak sa kalangitan.
Umalis kami sa pwesto namin at pumunta sa bar na katapat lang ng pool.
"Ang malas naman... mukhang masisira pa ata ang event namin mamaya.." reklamo ni CJ kasabay ng paglagok ng inorder nyang tequila..
Sa di kalayuan, I notice a familiar face na kanina ko pa iniiwasan and yes, si crying lady na naman.
"Tsk. Umiinom na naman siya"
Nakakaramdam na naman ako na may masamang mangyayari sa mga oras na yun. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa babaeng yun hanggang sa umalis siya sa kinauupuan nya at dumiretso sa may pool area.
Pagewang-gewang siya, halata mo na naman sa kanya ang pagkalasing.
"tsk". Napatiim-bagang ako. Nakakaramdam ako ng inis at galit sa nakikita kong kalagayan nya ngayon at hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman.
Siguro dahil sa lakas ng ulan kaya walang nakapansin sa kanya na pumunta doon. Hindi ko inalis ang mga mata ko sa kanya.
Tumingin siya sa langit at waring may sinasabi, umuulan man pero alam ko at ramdam kong umiiyak sya sa mga oras na yun.
Hindi ko alam pero may kaba akong nadarama ng mga oras na yun.
"Hey bro, what's with you?" tanong ni CJ sa akin.
Napatingin ako sa kanya at umiling.
Swooooooosh. (tunog ng malakas na pagkakahulog sa malalim na katubigan)
I turned my eyes on her again,pero... pero nawala na siya.
Kinabahan na ako ng mga oras na yun kusa akong napatakbo papunta sa direksyon nya.
---------------------------------------------------------------
>Anica's POV<Hinayaan ko ang katawan kong magpaubaya sa tubig.
"Anica no!!"
Hindi ko alam kung dahil sa kalasingan kaya naririnig ko ang boses ni Mommy..
"Anica... Anica... Please baby no...."
Mommy..mommy. Ayoko na mommy..
"No Anica, it's not yet your time.. please baby.. Please live, for me..."
Mommy.. I miss you.
"I miss you too baby but it's not yet your time. It's not yet"......
Unti-unting nawala ang tinig ni Mommy, pinilit kong gumalaw ngunit wala na akong lakas. Unti unti ako nanghina at ramdam kong ilang segundo nalang bago ako mawalan ng malay.
Maybe this is my end.... I told my self.
Dahan-dahan kong isinasara ang aking mga mata.
Ngunit isang tao ang nakita ko...
Hindi ko maaninag ang mukha nya..Hinawakan nya ako at hinila pataas.
Unti-unti kong ipinikit ang aking mata.
Naramdaman ko nalang ang katawan kong ibinubuhat at ang tangi kong narinig bago ako mawalan ng malay ay...
" Please live.. please live.....for me...."
~End of Chapter 7~
BINABASA MO ANG
You're my RAIN
Roman d'amourAnica hate rains because for her, something bad happens whenever it rains. Sa tuwing umuulan naaalala niya ang mga malulungkot na karanasan niya sa nakaraan katulad ng pagkawala ng Mommy nya at ang pag-iwan sa kanila ng Daddy niya. She grew up witho...