Father's love

10 4 0
                                    




"Ma, hindi po ba kayo matutulog" Tanong ko kay mama. Mahirap lang kami, nakakapagaral naman ako ang problema lang pang high school ko. Apat kaming magkakapatid, tatlong lalaki ang kapatid ko at ako naman ay nag-iisang babae.

"Hihintayin ko si papa mo kaya matulog kana" Hinalikan ako ni mama, pinikit ko na yung mata ko para matulog sana nang may narinig ako.

"Saan ka na naman nanggaling? Anong oras na" Sabi ni mama kay papa.

"Diyan lang nagkainuman"

"Uminom ka na naman"

"Wala kang pake"

"Anong wala-" Bumangon ako para tignan sila, nakita ko naman na sinaktan ni papa si mama. Bakit kailangan niyang gawin iyon?

"Nakakarindi ka." Pumunta si papa sa kwarto para matulog, si mama naman ay bumagsak dahil sa pagkakasampal ni papa sakanya. Tumulo ang luha ko dahil sa nangyari, nakikita kong umiiyak si mama parang dinudurog ang puso. Wala na siyang ginawa kundi manakit.

"Ma..." Pumunta ako sa kanya at pinunasan ang aking luha para 'di niya ito mapansin, tinatagan ko ang aking loob at dahan-dahang lumapit.

"Bat gising ka pa?" Hindi ko na sinagot si mama bagkus niyakap ko siya nang mahigpit. Hindi ko man lang magawang ipagtanggol si mama dahil sa takot ko, naiinis ako sa aking sarili dahil doon.

"Tara na Pixie matulog na tayo" Tumango nalang ako at Pumunta na kami sa kuwarto, nakita ko si papa na mahimbing na natutulog. Sana palagi na lang siyang tulog para 'di na  makapanakit.

Araw-araw sinasaktan ni papa si mama. Napagpasiyahan ni mama na umalis at sinama ako kaso naiwan 'yung mga kapatid ko sa bahay namin. Wala akong magawa dahil 'di ko rin namang gusto na hindi ko kasama si mama kaya pumayag ako sa kanyang kagustuhan na umalis.

"Ma saan tayo pupunta" Tanong ko habang tinitignan ang kapatid ko. Magkikita pa tayong muli pangako.

"Lalayo tayo dito, hindi na tayo babalik." Tumango na lang ako. Pumunta kami kila Auntie, pag-aaralin niya daw ako ng high school. Sobra akong natuwa dahil mabibigyan ko na ng magandang buhay si mama.

"Pag-aaral kita pero bawal ka mag boyfriend" Tumango ako sa kanya. Hindi ko naman kailangan ng boyfriend kapag mag-aaral at sigurado akong 'di ako magkakaroon habang nag-aaral pa lang ako.

Kala ko tuloy-tuloy na iyon pero ilang buwan ng walang padala si Auntie, natatakot ako na tumigil ulit dahil sayang lang ang taon.

"Ma, bakit wala nang pinapadala si auntie? Wala naman po akong boyfriend" Tanong ko kay mama na agad naman niyang sinagot.

"Baka may binayaran lang siya anak" Tumutulong ako kay mama maglaba, naaawa na ako kay mama dahil yung mga kamay niya magaspang na. At masakit din sa kamay ang ginagamit niyang sabon kaya nabibitak ang parte ng kanyang mga kamay pati na rin sa paa.

"Mag-aral kang mabuti ha?" Tumango ako at nagpatuloy sa pag lalaba. Nag part time job ako para pang aral ko dahil hindi narin nagpapadala si Auntie. Sa madaling araw naglalaba ako para matustusan ko ang pag aaral. Mahirap pero kakayanin para makapagtapos. Gusto kong tuparin ang kagustuhan ni mama, gusto kong makita siyang masaya at hindi umiiyak.

Excited na akong mag-college pero walang pera. Gusto kong umiyak pero wala naman akong magagawa kundi magtrabaho muna bago ipagpatuloy ang aking pag-aaral. Sobrang sakit lang sa damdamin dahil matitigil na naman ako pero 'di na kasi kasya sa budget namin.

"Anak, wala na tayong pera hindi ka makakapag college" Malungkot na sabi ni mama, napayakap na lang ako sa kanya ng mahigpit.

Graduation ko ngayon, nandito na ako sa school susunod si mama. Nang biglang may tumawag, sino naman ang tatawag saakin ngayon?

[Mama is calling]

"Anak patay na ang papa mo" Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Umiiyak siya, paano niya pa nagagawang umiyak kung puro sakit lang ang binigay ni papa? Ayaw kong marinig ang paghikbi niya, galit ako kay papa! Wala na siyang ginawa kundi manakit at alam kong matagal ko itong dadalhin simula pa lang.

"Punta tayo anak sa libing ng papa mo" Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi niya. Kung babalik man ako dahil sa aking kapatid pero kung kay papa parang gusto ko na lang maiwan sa bahay.

"Mama graduation ko ngayon hindi ako makakapunta" Pagkasabi ko, pinatay ko na ang tawag. Tinuloy ko parin umattend Sino ba siya? hindi naman siya ang nagpa-aral sakin sabi ko sa loob-loob ko.

Pagkauwi ko ng bahay nakita ko si mama na nag-iimpake ng mga damit namin.

"Ma, saan tayo pupunta?" Tanong ko habang naglalakad palapit sa kanya.

"Diba anak sabi ko sayo hindi na tayo babalik dun pero kailangan natin bumalik" Sabi ni mama. Talagang gusto niyang pumunta doon? Nakakainis. Hindi man lang natauhan si mama sa pananakit niya at patuloy siyang bumabalik kay papa.

Wala na akong nagawa dahil hindi ko naman kayang hindi sundin si mama. Nakalipas ng ilang oras nakarating na kami sa dati naming bahay. Andun sila kuya, auntie at mga kainuman ni papa.

Kinuwento nila lahat ng mga sinasabi ni papa at ginagawa ni papa para sakin. Tumulo ang luha ko dahil doon, hindi ko inaakala na gagawin niya ito, para saakin sobrang sama niya pero gusto kong sisihin ang sarili ko dahil sa aking naririnig ngayon.

"Ito na ba yun? 'Yung bata na pinapagmalaki ni Patrick sa picture" Tumango si kuya Jaxon. Natulala ako at tumulo ang aking mga luha, nagawa niyang magbago para saamin.

May binigay sakin si kuya James na alkansiya kaya kumunot ang noo ko, anong gagawin ko dito? May laman naman pero bakit niya ako binigyan nito?

"Inipon yan ni papa para pauwiin kayo at pang college mo, lagi-lagi niyang hinuhulugan 'yan para sayo" Patuloy parin ako sa pag iyak dahil kailangan ko ito pang college. Nagpapasalamat ako kay papa dahil sakanya makaka pagcollege ako, gusto ko sana pa siyang makasama pero huli na ako nang dating, huli na ang lahat.

Si kuya Percy naman ang nagsalita "Palaging sinasabi ni papa na nami-miss ka niya, palagi siyang umiiyak kapag gabi" Lalo akong mapaiyak dahil sa sinabi ni kuya Percy. Ako na walang pakialam sa kanya pero siya meron. Nagui-guilty ako na hindi ako umabot, hindi ko siya nakasama. Wala na 'yung papa ko na mahal na mahal ako, wala na 'yung katabi kong matulog dati, dati kong ka-close. Nasira lang naman iyon ng magsimula niyang saktan si mama.

Tumakbo ako palabas ng bahay, hindi ko na kaya ang sakit-sakit na. Kapag magi-stay ako doon parang 'di ko kakayanin, masyadong marami akong nalaman na parang kutsilyo nakatarak sa puso ko.

"Pa, andaya mo naman hindi mo ako hinintay, kahit nagalit ako sayo nag ipon ako para makapunta dito, para makasama ka pero huli na ako, iniwan muna ako." Nahihirapan akong magsalita dahil sa aking pag iyak. Totoong nagipon ako dahil alam ko sa sarili ko na tatay ko pa rin siya at gusto ko rin siyang makasama pero sa paglipas ng panahon hindi ko na iyon nagawa dahil hindi na rin naman kasya ang pera namin kaya pati ipon ko naubos na.

Umuwi din kami ni mama pag katapos ilibing si papa. Nakapagcollege ako dahil kay papa. Ngayon isa na akong ganap na teacher, ang pangarap ko. Pinatigil ko na si mama sa paglalaba dahil matanda na siya. Mag isa akong nandito  sa puntod ni papa dahil kaarawan niya, kaarawan ng isang pinakamamahal kong tao at nagpatapos sa paghihirap ni mama.

"Papa, miss na miss na kita, thank you. Nang dahil sayo nakapagcollege ako, alam kong proud ka sakin dahil, ito rin ang gusto mo para sakin ang maging teacher. I love you papa" Pinagmasda ko ang puntod ni papa bago umalis.

x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x
A/N: Ang hirap kong in-edit 'to jusko! Makalumang way ng pagsusulat dito sa wattpad HAHAA *sobs HAHAHA charot. Kapagod, pagtiyagaan niyo na lang, unang-una ko 'yang one shot HAHAHAA. Btw totoong story 'yan hihi.
-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-

Oneshot Stories Where stories live. Discover now