Lies and Cries

3 1 0
                                    




Papasok pa lang ako ng school rinig na rinig ko na ang mga pinaguusapan nila. Hindi ko na lang sila pinansin at naglakad na papuntang room, nasa dulo yung room namin kaya ilang minuto pa bago ako makakapunta doon. Bigla akong nagulat ng may marinig ako na hagulgol, tatakbo na sana ako pero na-curios ako kaya pumunta ako sa likod ng building kung saan doon ko narinig.

Tinapik ko siya ng mahina at nagsalita.

"Ano pang ginagawa mo dito? Magsisimula na yung klase" Sabi ko sakanya at umupo sa tabi niya. Tinatagan ko yung loob ko, ganto kasi napapanood ko sa nakakatakot, malay mo multo pala itong katabi ko.

"Pagod na ako HAHAHAHA!" Pilit na tawa nito kaya napangiwi ako.

"Ano bang nangyari sayo? Puwede mo naman ako pagsabihan." Kilala ako sa room namin bilang tagapakinig sa problema nila pero isa lang ang hindi lumalapit saakin, itong katabi ko. Nung nakita ko 'yung mukha niya napabuntong hininga ako, kaklase ko pala.

"Bakit ka pa makikinig? Diba isa ka sa naiinis saakin, kasi ako yung nag top one HAHAHAHA! Nataasan kita eh, magiging masaya na sana ako pero nakakaguilty din. Binubully na nga ako." Totoo lahat ng sinabi niya. Naiinis ako sakanya kasi ako 'yung top one sa klase pero nataasan niya ako, alam niyo kung bakit? Kasi nga sumipsip! Halata naman ng lahat na mataas 'yung nakukuha ko kesa sakanya pero nakakagulat lang kasi siya yung naging una. Hindi na sana ako maiinis kaso in-open niya pa yung topic na 'to.

"Alam mo ba kung bakit ako sumipsip?" Seryosong tanong niya. Hindi ako nagsalita at nakinig lang.

"Palagi kang top one sa klase, hindi ako naiinis sayo kundi sa sarili ko! Alam mong mahirap kami, alam mo ba kung anong natatanggap ko pagdating sa bahay? Kapag nalaman nila na hindi kita maabutan, hindi kita mataasan HAHAHA! binubogbog nila ako! Wala akong kakampi, sinasabihan ng masakit. Pito sila at isa ako, hindi ko sila kaya. Sino bang gugustuhin na sabihan ng salot? Walang kuwenta? Sana pinalaglag nalang kita? Palamunin? 'Yung magulang ko ayaw sakin, mga kapatid ko." Bigla akong nasaktan dahil sa sinabi niya. I judged her without knowing the truth, her reason. Wala akong masabi kasi pati ako naiiyak na.

"'Yung kuhanan ng card kahapon. Isang beses ko lang nakitang ngumiti si mama kahapon kasi nga top one ako pero nung narinig niya na sumipsip ako... hindi niya alam na kahit labag saakin 'yun ginawa ko parin para maging masaya siya, sila. Binugbog ako, pinunit pa sa harap ko yung certificate na aking nakuha, masakit pero tiniis ko yung mga pangbu-bully niyo saakin kesyo na sipsip kaya naging una sa klase, lumalapit sa guro para mataas yung grado. Tiniis ko lahat pero ang makukuha ko lang pala kahihiyan at bugbog. Hindi nila tanggap na nagawa ko yun, ang hindi nila alam na para sa kanila yun, para maging proud sila kahit isang beses lang, maappreciate nila." Natutop ako dahil sa sinabi niya. Kala ko kasi wala lang sa kanya yung mga pangbu-bully, antapang niya ih, hindi siya nakikinig sa sinasabi ng lahat sakanya. Nagsisi tuloy ako kung bakit hindi ako tumingin sa mata niya. She's tired already at hindi ko yun napansin sa kanya kahit ni isang beses man lang. Masiyado siyang magaling magtago at magpanggap.

Nasaktan ako sa katotohanan na ang bilis kong nanghusga kahit hindi ko alam yung dahilan, nasasaktan siya ng hindi ko alam.

-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-
A/N: Iwas sa pagiging judger HAHAHAA!
x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x

Oneshot Stories Where stories live. Discover now