Labeo and Pakeo

2 1 1
                                    




Nasa mall kami ng girlfriend ko. May date kami ngayon, magkahawak kamay kami habang naglalakad.

"Krishna" Tawag ko sakanya habang siya ay tumitingin ng mga make up dito sa watson. Tumingin siya saakin at ngumiti saka nagsalita.

"Bakit? Malapit na rin ako matapos dito" Sabi niya saka ibinalik yung tingin sa mga make up.

"Ipapakilala na kita sa magulang ko kung handa ka na?" Sabi ko sakanya kaya napatingin uli siya saakin.

"Waaah ipapakilala mo na ako? Siyempre matagal ko ng gusto. Kailan ba?" Naglakad na siya papuntang cashier kaya sumunod ako sakanya. Buti tapos niya nang mamili, isang oras din kami dito.

"Susunduin nalang kita mamaya sa bahay niyo" Nakangiting sabi ko sakanya na ikinangiti niya saakin saka niya ako niyakap. Habang magkayakap kami nakita ko ang aking pangit na kapatid kaya tinawag ko siya. Inaalis ko muna ang pagkakayakap saakin ni krishna saka ako sumigaw para marinig niya.

"Labeoooo!" Sigaw ko kaya napatingin siya saakin. Huminto siya kaya pupunta na sana ako ng tinignan ako ng masama ni krishna atsaka ako pinaghahampas.

"Sino yun? Bakit ka naga-iloveyou sa ibang babae ha? Diyan ka na, tapos na date natin pakeo. Fvck you!" Napakamot ako ng ulo saka tumingin sa aking kapatid na tumatawa habang paalis.

Paktay na! Bakit ba kasi ganto ang pangalan namin!

x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x
A/N: Labeo all HAHAJA lol
-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-

Oneshot Stories Where stories live. Discover now