Why?

3 1 0
                                    




"Lagi na lang kami nag aaway ng boyfriend ko" Naiiyak na sabi ng kaibigan ko, ngumiti ako sakanya at may sinabi.

"Okay lang yan magbabati din kayo" Sabi ko sakanya, naglalakad na kami sa hallway para pumasok.

"Sana nga" Sabi niya saka pinunasan 'yung kanyang luha. Si ky kaibigan ko na dati, masaya naman siya dati ng hindi pa dumadating yung jowa niya. Kaya ngayon na dapat nag rereview kami sa test ang ginawa niya ay ang pag iyak dahil nahihirapan na siya sa bf niya. 3 years na sila kaya pinanghahawakan niya yun, ayaw niyang bumitaw.

"Uwi na ako" Sabi ni Ky saka lumakad, sobrang tamlay niya. Ngumiti ako sakanya at masayang nagsabi.

"Tutal wala ng pasok bukas susunduin kita sa bahay niyo, gala tayo" Ngumiti siya sakin saka kumaway.

PAPUNTA na ako sa bahay nila, excited na tuloy ako dahil ngayon na naman kami makakapasyal. Patalon talon pa akong naglalakad.

"Tita si ky po?" Tanong ko kay tita na ngayon ay nasa sala nagpapahinga.

"Punta ka nalang sa kuwarto niya" Ngumiti si tita at tumango.

Pumunta na ako, kumatok muna ako bago ko binuksan yung pintuan.

"Ky?!" Sabi ko habang pilit tinatanggal 'yung tali sa kanyang leeg. Tuluyan na akong umiyak, bakit ganon? Nakita kong pumasok na si tita saka naiyak na din.

"Diba may pupuntahan pa tayo, bakit ganon ky? Bakit kailangan kang kunin sakin? May problema din ako pero di ko naisip na gawin 'yan dahil inaalala kita, para may magpapasaya pa sayo. Ky alam mo bang kakahiwalay lang nila papa't mama. Wala na si papa, pinili niya yung iba niya kesa samin, ansakit nun Ky pero heto ka, ansakit sakit na. Di ko na alam yung gagawin ko." Napahagulgol ako. 'Yung kasama ko palagi iniwan na rin ako, hindi ko alam 'yung gagawin ko.

Alam kong may anak sa iba si papa pero di ko masabi-sabi kay mama dahil alam kong masasaktan siya. Hindi ko alam kung saan ako lulugar, sakit na ngayon nandito parin hindi matanggal. Nagsinungaling si papa kay mama sa harap pa namin sinabi, sabi niya walang siyang iba pero kitang kita ko. Bakit ba ganon? Pati ba naman si ky kukunin sakin?

x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x
A/N: Spongyy loves youuuu
-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-

Oneshot Stories Where stories live. Discover now