April fools?

5 2 0
                                    





"Di ka niya mahal" Paulit-ulit na sabi ng pinsan ko. Meron akong boyfriend, isang taon na kami bakit hindi niya ako mamahalin?

"Mahal ako non" Nakangiti kong sabi sa kanya at naglakad na.

"Di ka niya mahal" Nandito ako sa bahay ng pinsan ko, close kami eh. Ganyan talaga pag bitter.

"Mahal ako non" Paulit-ulit din na sabi ko.

"Di ka niya mahal" Andito kami namamasyal tapos 'yan na naman 'yung sinasabi niya.

"Mahal ako non" Sabi ko habang namimili ng damit na ibibigay ko sa boyfriend ko.

"Di ka niya mahal" Natatawang bulong niya saakin, magkakasama kaming tatlo.

TAMA NA ANG PAGPAPAKATANGA

"Di talaga niya ako mahal" Malungkot na ngiti ang binigay ko sa kanya, kitang kita ko naman ang pagkagulat sa kanyang mga mata.

"Uy niloloko lang kita, mahal ka niya" Nag aalala niyang sabi.

"Niloloko lang kita?! Paano? Tama ka! Di niya ako mahal" Sabay turo ko sa boyfriend ko. Nagulat din siya.

"Alam kong may namamagitan sainyo! 'Di lang ako nagsasalita dahil akala ko tatapusin niyo na! Pero ano? Pinagpatuloy pa ang panloloko. Nagpakatanga ako para tumagal tayo! Pero yung pinsan ko ang pinili mo!"

x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x
A/N: Ang kapal ng mukha amp HAHAHA
-x-x-x-x-x-x-x-x-x-

Oneshot Stories Where stories live. Discover now