Lies

4 2 0
                                    




Pasko ngayon, uuwi na si keysha dito sa pilipinas. Nag aral kasi siya sa ibang bansa. 2 years na kaming magkasintahan, masaya naman minsan nagkakatampuhan pero hindi naman nagtatagal.

"Keysha! I miss you" Naiiyak kong sabi saka yumakap, napabitaw naman ako dahil hindi niya ako niyakap pabalik. Di ba niya ako namiss?

"Pasok na tayo sa loob" Sabi niya saakin ng hindi tumitingin. Wala naman sigurong nangyari? Bakit parang ang cold niya kagaya ng simoy ng hangin ngayong pasko.

Pinagsawalang bahala ko nalang mahal naman ako niyan, may tiwala ako na hindi niya ako ipagpapalit sa amerikano. Mahal ako niyan diba?

Lahat masaya, sino ba naman ang hindi magiging masaya kung nandito ang pamilya? Pasko ngayon dapat walang malungkot, walang sakit.

Tahimik na sa lugar namin ng pumunta kami ni keysha sa garden namin, pumunta kami dito dahil may sasabihin si keysha saakin.

Napatingala ako at pinagmamasdan yung mga bituin sa langit, napakaganda nila at kumikinang.

"I'm breaking up with you" Mahinang sabi niya saakin.

"What?" Tanong ko sakanya habang nakatulala, makikipagbreak siya saakin? Bakit?

"Mahal ko parin si Erick, sorry" Umiiyak niyang sabi.

"Papaano?" Umiiyak na sabi ko, ngayon lang ako umiyak dahil sa kalungkutan pa, dahil sa sakit. Ipamukha ba naman saakin na mahal niya parin si Erick!

"Hindi ko alam..." Hindi ko alam? Anong klaseng sagot 'yan?! Hinintay ko siyang magpaliwanag.

"Nacurious lang ako kaya siguro na sabi ko na mahal kita, na maging girlfriend mo."

"Nacurios? Nacurios ka na paano ako masaktan?! Nacurios ka dahil gusto mong makita akong umiiyak?! Nacurios ka kung paano ako paglaruan?!" Sigaw ko sa kanya, ang hapdi! Sino ba namang matino na sasaktan ka sa araw pa ng pasko t*ngina!

"Alam mo yung pinakamasakit ha? Ginawa mo tong araw na malungkot na dapat ay masaya!" Pinunasan ko yung luha na tumutulo sa aking pisngi saka umalis.

x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x
A/N: 'Yung mga ganyang tao dapat 'di iniiyakan eh!
-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-

Oneshot Stories Where stories live. Discover now