❪ JEONGWOO'S ❫
⋯
Lutang akong nakatulala sa hangin ngayon. Nasa cafeteria kami pero halos di ako makakain ng maayos. Sabay ulit kaming pumasok kanina ni Daejung, pero halatang nahihiya siya sakin since di niya ako kinausap buong umaga.
"Hoy!" rinig kong sigaw ni Haruto.
Nakatulala pa din ako at tinutusok-tusok lang yung pagkain ko. Ano bang meron kay Daejung..
"Park Jeongwoo pabo! Nahulog na 'yang pagkain mo sa uniform mo pero tulala ka pa din!" natauhan agad ako ng marinig ko ulit ang boses ni Haru.
Napatingin agad ako sa damit ko at shit, ang dugyot ko.
Naiba ang direksyon ng tingin ko at pumunta sa kanila, na nakatingin lang din sakin. Tinakpan ko ang mukha ko ng tumingin ulit ako sa uniform ko. Punyeta ang dumi, lagot ako kay Mama gago huhu.
"Yah! Pwede ba? Umayos ka nga, aish." pagsaway ulit sakin ni Haruto. Nakatakip pa din ako ng mukha, gusto kong umiyak punyetaaaaaaa.
"Jeongwoo, tumigil ka na diyan at mag-ayos ka ng sarili mo sa comfort room. Ang dugyot mo, kadiri ka." rinig kong salita ni Hyunsuk hyung.
"Bakit kasi nilalaro ang pagkain? Tsk." dagdag po ni Jihoon hyung.
"Ayan, tulala pa." singit din ni Yedam hyung.
Napatingin ulit ako sa kanilang lahat na kumakain na ngayon. Sinamaan ko ng tingin sina Jihoon hyung at Yedam hyung bago tumuloy na umalis papuntang comfort room.
⋯
Pinagpapapahid ko na ng ilang beses 'tong uniform ko pero ayaw talagang matanggal nung mantsa. Lagot talaga ako kay Mama, huhu.
Lumiko ako sa direksyon ng mga comfort room, pang-babae at pang-lalaki.
Didiretso na sana ako sa comfort room ng boys ng bigla akong makarinig ng malakas na pagbagsak mula sa comfort room ng mga babae. Agad 'tong sinundan ng isang malakas na sigaw ng babae.
"YAH! KIM DAEJUNG!"
Hindi na dapat ako mangengealam pero nag-iba ang direksyon ng paglalakad ko ng marinig ko ang sigaw na 'yon.
Daejung.
Baka binubully nga siya.
Hindi na ako nag-dalawang isip na buksan ang pinto ng comfort room ng mga babae. Basta ang alam ko lang ay kailangan kong mahuli kung sino man 'yang mga nang-aapi kay Daejung.
"Yah―" agad akong napatigil sa kinakatayuan ko ng makita ko ang nangyayari sa loob.
Si Daejung.. Anong..
"Duwag ka pala eh." tumayo siya mula sa pagkakapatong doon sa babae. Naiwan ito sa sahig na gulo-gulo ang buhok. Yung mga kaibigan niya naman, parang mga naligo dahil sa sobrang pagkabasa ng mga itsura nila. Si Daejung naman, may mga talsik-talsik lang ng tubig sa mukha at uniform niya.
"Akin na." kalmadong pag-uutos niya doon sa mga babae. Takot namang tumingin sa isa't isa ang mga babaeng inuutusan niya.
"Sabing akin na!" malakas na sigaw nito. Agad na kumilos ang dalawa at kinuha ang isang maliit na box, cellphone, at wallet mula doon sa babaeng nasa sahig pa din hanggang ngayon.
Binigay nila 'yon kay Daejung.
Nakita ko namang tumawa siya ng mahina at saka ngumisi sa mga babae.
"Sa susunod na magnanakaw kayo, wag sakin, ok? Dahil hindi ako tanga katulad niyo."
"Hindi ka din naman normal.." bulong ng babae na nasa sahig, dahan-dahan siya bumangon at inalalayan naman siya nung dalawang nakatayo.
"Oh tapos? Gusto niyong ipagkalat 'yon?"
Lumapit ulit sa mga babae si Daejung na hawak-hawak pa din ang mga gamit na kinuha nila sa kanya.
"Para sabihin ko sa inyo, wala akong pake. Oo, may sakit ako, pero kumpara naman sa inyong tatlo, mas may utak pa din ako."
kung gusto niyo makita kung paano pagalitan ni
haruto si jeongwoo, eto talaga 'yon
BINABASA MO ANG
DORMOUSE 'ʲᵉᵒⁿᵍʷᵒᵒ
Short Story"Andami kong nakitang rason para mahalin ka." ✦ He acted like he didn't want her to be around but ended up staying by her side no matter what. ✧ Park Jeongwoo. TreasureLand Series #4. Seoilteru 2020.