2 days later.
❪ THIRD PERSON'S POV ❫
⋯
Dalawang araw na ang nakakalipas mula noong umatake ulit ang sakit ni Daejung sa kanya. Katulad ng sinabi ni Jeongwoo kay Haruto, wala naman talagang na-aksidente o nadisgrasya sa kanilang dalawa.
Ang kaso lang, hanggang ngayon, hindi pa din gumigising ang dalaga.
Naging usap-usapan sa eskwelahan nila ang nangyari kay Daejung pagkatapos ng insidente na 'yon. Agad na kumalat ang balita na may sakit ang babae, halata namang hindi 'to ikinatuwa ni Jeongwoo pero ano nga bang magagawa niya, yun naman ang totoo.
⋯
"I'm sorry to say this, pero Mrs. Kim, kailangan na talaga ng anak ninyo na mag-homeschool.. Para din sa kaligtasan niya." imik ng doktor sa mama ni Daejung.
Ang nag-uusap lang ngayon ay ang guardian ng dalaga at ang doktor nito. Pero kahit na ganoon ay rinig niya pa din ang usapan nila mula sa labas ng kwarto, naaawang nakatingin sa kanya ang secretary at tinabihan siya nito.
"Wag kang mag-aalala, Daejung-ssi. Para din naman sa ikabubuti ng kondisyon mo 'to."
"Wala naman ng ikabubuti ang kondisyon ko, Miss.. Handa naman ako kung sakali―"
"Sshh. Wag ka nga magsalita na parang wala ka ng pag-asa. Mapapahaba lang naman ang tulog mo, normal lang naman 'yon―"
"Wag din kayo magsalita na parang ayos lang ang lahat, Miss. Posible akong ma-comatose ng hindi ko man lang alam. Sa tingin niyo ba normal 'yon?"
Nararamdaman na ng dalaga ang pag-init ng buong katawan niya. Kasabay nito ang pagbuo ng mga luha sa magkabila niyang mata.
"Hindi din naman ako naging normal, kahit kailan.."
Umuwi ang dalaga na maputla at hinang-hina ng hapon na 'yon. Hindi niya matanggap na kailangang magbago ulit ng lahat ng nakasanayan niya para lang masigurado na ligtas siya.
⋯
"Jeongwoo.. Salamat sa pagdalaw kay Daejung.. Pero in-advise kasi ng doktor namin na iuwi na siya sa bahay since wala namang kailangan pang i-check sa kondisyon niya." pilit na ngumiti ang ina ni Daejung sa binata.
Bakas naman sa mukha ni Jeongwoo ang pag-aalala at lungkot. Sa dalawang araw na 'yon ay lagi siyang dumadaan muna sa ospital bago tuluyang umuwi sa kanila.
"Ayos lang po, Tita.." mahina niyang tugon.
"..Pero ayos lang po ba sa inyo kung parati ko din siyang dadalawin kahit na nasa bahay niyo na siya nagtitigil?"
Napangiti ang nanay ni Daejung sa binata, nagustuhan niya ang ideya na ito.
2 weeks later.
"Hay.. Siguro sinadya mo talagang tapusin yung half ng research natin kasi alam mong mahaba kang makakatulog no?"
Pagkatapos ng sandaling katahimikan ay napatingin sa dalaga ang binata. Matamlay itong ngumiti sa babaeng mahimbing pa din ang tulog na nasa harap niya. Hindi niya maiwasang tumitig sa monitor na nasa tabihan ng kama nito, kung saan nakikita ang pulso ng dalaga.
BINABASA MO ANG
DORMOUSE 'ʲᵉᵒⁿᵍʷᵒᵒ
Conto"Andami kong nakitang rason para mahalin ka." ✦ He acted like he didn't want her to be around but ended up staying by her side no matter what. ✧ Park Jeongwoo. TreasureLand Series #4. Seoilteru 2020.