✧ 024

571 29 39
                                    

JEONGWOO'S

Pinagmasdan ko ng saglit si Daejung na nakayuko lang sa upuan niya. Nag-aayos na halos lahat kami dito ng gamit except sa kanya. Syempre, uwian na eh.

"Hoy. Gumising ka na diyan, uwian na." sabi ko pagkatapik sa likod niya.

Hinintay ko siya mag-react pero wala. Tinapik-tapik ko ulit ng ilang beses ang likod niya pero wala talagang reaksyon. Nagtutulog-tulugan na lang ata 'to eh. Siguro akala niya sabay ulit kami uuwi.

"Tss. Edi wag. Di na ako sasabay sayo pauwi no." pagsisimangot ko at saka tuluyan ng umalis.

Napatingin naman ako kay Haruto na nakasandal sa pintuan ng classroom namin. Ngumisi siya sakin at tumingin sa likod ko kung nasaan ang presensya ni Daejung.

"Concerned talaga si Dudong."

"Ewan ko sayo. Tara na!" sabi ko sa kanya, umakbay naman siya sakin at ginulo ang buhok ko bilang pangangasar. A/N: yie.

DAEJUNG'S

Dahan-dahan kong minulat ng mga mata ko. Shit. Gabi na?!

Agad kong itinaas ang ulo ko mula sa desk na kanina ko pa tinutulugan. Napatingin ako sa paligid ko, wala ng mga tao pero nakabukas pa din ang mga ilaw.

Kinusot ko ang aking mga mata at saka inayos na ang mga gamit ko.

Kinuha ko ang bag ko at saka lumapit sa board kung saan may isang sticky note na nakadikit. Tinanggal ko 'yon at saka binasa.

Daejung-ssi, tinawagan ko na ang Mama mo at sinabing nandito ka lang. I already told the guard na nandito ka pa sa loob. Ingat ka sa pag-uwi mo, ok? ―Homeroom teacher, Ms. Park.

Agad kong cinrumpled yung sticky note at saka tinapon sa basurahan. Thanks, but I don't need special treatments. Dapag ginising na lang nila ako ng ginising.

Pabo, di ka naman magigising kahit gawin nila 'yon sayo.

Aish. Ewan.

Habang naglalakad ako papalabas ng gate ay napatingin ako sa mga itaas, andaming bituin.

8:34 pm at nandito pa din ako sa school. Habang tumatagal, mas humahaba na ang pagtulog ko. Hindi kaya mas maganda yung idea ni Mama na mag-homeschool na lang ako? Delikado nga naman para sa kondisyon ko 'tong regular school.

Pero normal pa din naman ako so bakit ako mag-hohomeschool diba? I mean, hindi naman ako special child o ano..

"Psh. Bwisit na Narcolepsy 'to." bulong ko sa sarili at saka sumipa ng isang maliit na bato na nasa daanan.

Narcolepsy. A sleeping disorder kung saan masyado ng mahaba o madami ang oras ng tulog na kinakailangan ng katawan mo. It's not a funny thing or what dahil pag may ganito kang sakit, you can never tell when or where you might be sleeping. In short, you can't control yourself from sleeping.

Katulad ngayon, di ko alam baka makatulog ulit ako habang naglalakad. Minsan naman, kahit na gusto ko ng bumangon, hindi ko pa din magawa because of sleep paralysis na dahilan pa din ng sakit ko. Kaya kahit ang schedule ng paggising ko sa umaga, di ko din hawak.

And you know what I don't like the most sa sakit ko? Kahit gisingin mo ako, hindi ako magigising, not until my body wakes up on it's own.

Napabuga na lang ako ng hangin habang nag-iisip.

Buti na lang di na ako hinintay ni Jeongwoo na magising. At buti na lang tumigil na siya sa pangungulit sakin. Well, wala naman din siyang pwedeng i-dahilan diba? Napatunayan ko naman na sa kanya na hindi nga ako binubully.

Buti na lang hindi niya ako nakitang inatake ng sakit ko..

Nakakahiya kaya 'yon, tss.

Pero salamat na din kay Jeongwoo, nabawasan yung takot ko kahit papaano nung kasabay ko siya.

Pero salamat na din kay Jeongwoo, nabawasan yung takot ko kahit papaano nung kasabay ko siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

mainggit kayo, may picture na kami ni dobi

mainggit kayo, may picture na kami ni dobi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
DORMOUSE 'ʲᵉᵒⁿᵍʷᵒᵒTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon