✧ 043

476 37 22
                                    

DAEJUNG'S

Lutang akong naglalakad ngayon dito sa walang katao-taong hallway ng 2nd floor. Hanggang ngayon iniisip ko pa din yung mga sinabi ni Jeongwoo sakin kagabi..

Alam niya pero hindi siya lumayo.

Bakit?

Bakit kailangan niya pa gawin 'yon sakin? Bakit niya pa ako binantayan? Bakit hindi niya sinabi sakin na alam niya na pala? Bakit gusto niyang nasa tabi ko siya parati?

Andami kong tanong pero hindi ko na magawang makipag-usap pa ulit sa kanya.

I mean, ang awkward noon para sakin. Lagi kong kinahiya 'tong sakit ko. Yung mga kaibigan ko noong bata pa ako, lahat sila isa-isang nawala dahil nakakatakot daw ako. Dahil sa sakit ko. Dahil hindi ako tulad nilang normal..

Kaya simula noon hindi na ako naglakas-loob ulit na makipagkaibigan kahit kanino. Kaya ko namang mag-isa so bakit hindi, diba?

Lumiko na ako papuntang locker ko.

Napangiti ako ng malungkot pagkakita sa mga gamit ko sa loob. Mamimiss ko kayo, pag-iisip ko habang natingin sa mga 'to. Sinimulan ko na ang paglilipat ng mga libro ko sa isang bag na dala ko ngayon.

Halos tapos na ako, tatanggalin ko na lang yung mga nakadikit sa loob ng locker ko at malinis na siya. Pwede na ako umalis.

"Ms. Kim!" rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses. Lumingon ako at nakita ang tumatakbo na homeroom teacher namin.

"Ma'am.." mahina kong bati at saka nag-bow.

"T-Tapos ka na mag-ayos?" hingal niyang tanong.

"Malapit na ho, may mga tatanggalin―"

"Ms. Kim."

"Ho?"

Ngumiti naman siya bigla sakin. Hindi ko alam kung bakit pero mukha siyang relieved.. Dahil ba sa aalis na ako?

"We convinced your Mom. Actually, isang tao lang naman ang nag-convince sa kanya hahaha." biglang imik niya ulit.

"Convince my Mom what, Ma'am?"

"You're not going to be homeschooled anymore, tuloy pa din ang pag-aaral mo dito!"

"P-Po? Paano naman nangyari 'yon?" pagtataka kong tanong, si Mama? Pumayag na hindi ako mag-homeschool? Pero 'yun ang advice sa amin ng doktor ko, lagi lang namam siya sumusunod sa kung anong i-advice ng doktor sa amin.

"You should thank him."

"Him?"

Napakunot ang noo ko bigla. Him. Hindi naman siguro siya yung naiisip kong pwedeng gumawa non diba? I mean bakit niya naman gagawi―

"She means me." natigil ako sa pag-iisip ng makita ko ang presensya sa may likod ng teacher namin.

"Jeongwoo..?"

"Pasalamatan mo ko ha?" imik siya ulit at saka ngumiti sakin.

"Pasalamatan mo ko ha?" imik siya ulit at saka ngumiti sakin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
DORMOUSE 'ʲᵉᵒⁿᵍʷᵒᵒTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon