❪ DAEJUNG'S ❫
⋯
Pilit kong binibilisan ang lakad ko kaysa sa normal na lakad ko palagi. Nung last time kasi na naglakad ako pauwi mag-isa, nakatulog nanaman ako and unfortunately, nauntog yung ulo ko sa semento. Buti na lang at hindi ganon kalakas yung impact kaya sugat lang ang tinamo.
Nung kasabay ko si Jeongwoo, medyo naging panatag yung loob ko since may kasama ako kaso ngayong hindi ko na ulit siya kasabay, kailangang mas magdali ako pauwi para di ako maabutan ng sakit ko.
Kanina ko pa din nararamdamang may nakasunod sakin.
Pasalamat na lang siya at nagmamadali ako kaya di ako makalingon.
Narinig ko namang tumunog ang relos ko, shit, bilis Daejung.
Tumakbo na ako ng tuluyan. Binibilangan ko ang sarili ko habang tumatakbo.
30 seconds.
53 seconds.
1 and 9 seconds.
Kaya mo 'to Daejung. Makakaabot ka sa bahay ng hindi nakakatulog.
1 and 43 seconds.
2 and 6 seconds.
2 and 57 seconds.
58. 59. 3 minutes.
3 and 1 second.
Hindi ko na maramdaman ang mga binti ko..
Unti-unti na ding dumidilim ang paligid ko, at bumibigat ang pakiramdam ko.
Nakikita ko nanaman ang semento na nasa harap ko na ngayon.. Please.
"No.. Hind―"
Hinintay kong bumagsak ng tuluyan sa daanan ang buong katawan ko pero..
Mas naramdaman kong may sumalo sakin.
❪ JEONGWOO'S ❫
⋯
"Daejung!" sigaw ko habang hawak-hawak ang mga braso niya.
Ramdam ko ang bigat ng katawan niya, tulog nga 'to.
Inalalayan ko naman ang ulo niya at saka siya hinila sa tabi.
Hiniga ko muna siya sa sidewalk at chineck yung likod ng ulo niya pati mukha niya, tinignan ko din yung mga tuhod at binti niya kung may galos ba o ano.
"Bwisit ka talaga." imik ko habang nakatingin sa kanya na payapang natutulog.
Pano na kami uuwi nito? Aish. Hindi ko naman pwedeng hintayin na lang siya magising diyan, baka abutin pa kami ng anong oras dito.
"Tsk. Bahala na nga."
Tinanggal ko muna yung bag niya sa likod at saka hinanap yung hoodie niya. Alam kong ayaw niya kahit papaano na may ibang tao na makaalam tungkol sa sakit niya, kaya naisipan ko na isuot yung hood nito sa ulo niya para di masyadong kita yung mukha niya.
Dahan-dahan kong hinawakan ang mga braso't binti niya para naman buhatin siya. Hinawakan ko din siya sa palda para hindi 'to tumaas. Medyo mabigat pero sige, para kay Daejung, kakayanin hshs.
Tinignan ko ulit siya.
Sabi ko sayo, nandito lang ako parati.
hshshs naol
BINABASA MO ANG
DORMOUSE 'ʲᵉᵒⁿᵍʷᵒᵒ
Short Story"Andami kong nakitang rason para mahalin ka." ✦ He acted like he didn't want her to be around but ended up staying by her side no matter what. ✧ Park Jeongwoo. TreasureLand Series #4. Seoilteru 2020.