Nene

13 1 1
                                    

Nandito ako ngayon sa Bahay-ampunan.

Isa sa mga inatasang magbantay sa mga bata, pansamantala habang hindi pa bumabalik ang tunay nilang taga pagbantay.

Marami rami rin kami, tatlo kaming lalaki at lima namang babae ang kasama kong magbantay sa mga bata.

Naglalaro silang lahat, makikita mo sa kanilang mga mata ang saya na nadarama sa kabila ng mga naranasan nila.

Napangiti ako ng palihim, nawa'y makalimutan nila ang nakaraan nila kahit pansamantala lang.

Namataan ko ang isang batang may dalang manika, nasa sulok siya ng sala at hindi madalas makihalubilo sa mga kasama.

Naglakad ako papunta sa kaniya, ningitian siya at tiningnan niya lamang ako.

"Hi Nene! Ako 'to, si kuya Logan mo, gusto mo bang maglaro tayo?" wika ko sa kaniya.

Umiling ito at yumuko.

Lumuhod ako sa kaniya at tiningnan siya.

"Masaya 'yun! Ayaw mo ba?"

Umiling pa rin siya.

"Lilibre ka ni Kuya kapag nakipaglaro ka."

Tumingin siya sa akin at ngumiti, nakita ko ang mapuputi niyang ngipin at kumikislap na mata.

Inalalayan ko siyang tumayo at tumungo sa kasiyahan ng lahat.

Kinabukasan ay bumalik muli ako sa bahay-ampunan.

Isang balita ang sinalubong nila sa akin.

"Pagkatapos nilang maglaro, hinanap namin si Nene dahil kakain na ngunit naabutan naming nakahandusay si Nene sa bakuran, duguan siya Logan! huhu." inalo ko si Cathy, ang kasama naming magbantay.

Lahat ay naging malungkot sa pagkawala ni Nene, kahit na hindi siya madalas nakikihalubilo sa lahat ay mahal pa rin siya ng mga kasama niya.

Iniwan mo silang malungkot Nene.

Iniwan mo rin ako.

Hindi naman lungkot ang iniwan mo, sarap at saya.

Sarap at saya Nene, sa uulitin ha?

Drowning Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon