Untitled 04

2 0 0
                                    


"MAMA? PAPA? NASAAN NA PO KAYO?!"

"Sabi niyo, mag lalaro tayo?"

"Hindi pa tayo tapos mag laro pero nawala kayo."

"Mahal na mahal ko kayo, papa, mama."

"Laro na tayo." naiiyak na sambit niya.

Napatingin si Nene sa bata na umiiyak sa tabi ng kalye, may hawak itong teddy bear na sunog at bag na may talsik ng dugo.

Agad niyang nilapitan ang bata.

"Be? Ayos ka lang ba?"

Napatingin ang bata sa kaniya, madungis ito at gulo-gulo ang buhok.

"Nasaan ang mga magulang mo?" nag aalalang tanong nito.

"Hindi ko po alam, sabi nila mag lalaro po kami pero tinaguan po nila ako."

"Ano bang laro ang gusto mo?"

Binuksan niya ang bag at nanlaki ang mata ni Nene na makita niya ang laman nito, may dalawang ulong tirik ang mata at ilang parte ng katawan ng tao.

"Ito po oh!" magiliw na sambit ng bata sabay pakita kay Nene ng kutsilyong may bahid ng dugo.

"A-ano i-iyan?!!"

"Alam mo kung sinong isusunod ko?" nakangising sambit nito.

"Ikaw, ikaw na nagbabasa nito."

Drowning Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon